Preface

tanginang pag-ibig
Posted originally on the Archive of Our Own at http://archiveofourown.org/works/46659409.

Rating:
Teen And Up Audiences
Archive Warning:
No Archive Warnings Apply
Category:
M/M
Fandom:
SixTONES (Band)
Relationship:
Kyomoto Taiga/Matsumura Hokuto, Matsumura Hokuto/Tanaka Juri
Character:
SixTONES Ensemble
Additional Tags:
binyagan, invited kayo sa binyagan, they kissed, Best Friends
Language:
Filipino
Stats:
Published: 2023-04-22 Words: 8,465 Chapters: 1/1

tanginang pag-ibig

Summary

This is it. Taiga now has the chance to show his love and be loved in return. Pero masakit. Hindi niya ‘to deserve. Hindi ito deserve ni Umi, ni Juri. No one would be happy.

Notes

ito 'yung ganap after ng Grand Reveal

tanginang pag-ibig

Para siyang may audition. Sweaty palms, shallow breaths, at higit sa lahat, para siyang natatae. During breakfast, he even made sure not take any caffeine dahil baka sa daan siya abutan. Namamahay pa naman siya. Mahirap na.

“Taiga…”

Taiga shouldn’t be feeling this way, right? After all, uuwi lang naman siya sa bahay ng parents niya. Aka his childhood home. Aka the neighborhood he grew up in with Yugo… and Hokuto. What could go wrong?

“Taiga…”

Of course, a lot could go wrong!

Lalong nag-intensify ang nararamdaman niya sa tiyan. Parang gusto na rin niyang masuka. Is it the guilt talking? Probably.

Hindi naman ito ang unang beses na uuwi siya sa bahay nila after suddenly deciding to go solo living. Kalkulado niya ang oras ng uwi para maiwasan na makita siya ng mga tao. He wasn’t ready yet to face any of his friends after his realization of having romantic feelings for Hokuto, his childhood best friend. He deactivated all of his social media accounts. Laging naka-Do Not Disturb ang personal phone niya. At hindi rin siya sumipot sa mga birthdays ng mga kaibigan. That was his biggest offense.

Fast forward to the present time, nakapagdesisyon na siyang makipagkita. Because he misses them. Pero parang gusto niyang mag-back out. Naiimagine niyang tinatalakan siya ni Yugo. Jesse would probably stay behind Yugo while his best friend lashes out on him.

Hindi na niya iniisip na magkukrus ang landas nila ni Hokuto. He is sure that the guy is happily living together with the love of his life in Pampanga. Milya-milyang layo. Pwede na niyang sabihin na safe siyang sa pagpapaliwanag.

"Pambihira naman, Taiga!"

Napalingon siya sa kaibigang si Shintaro. Medyo napadiin pa ang pagkakakagat niya sa kanyang kuko sa kamay dahil sa gulat.

"Kailangan sumigaw? Dalawa lang tayo dito sa sasakyan o," angil niya sa kaibigan nagmamaneho.

"Kahit kanina pa kita tinatawag? Sino na naman iniisip mo? Are you dating someone?" sunod sunod na tanong nito.

"Sino agad? Hindi pwedeng ano?"

"O anong iniisip mo?"

Napabuntong-hininga si Taiga. "Parang ayoko na muna umuwi."

"Oh, come on! Hindi ako makapag-uwi ng date dahil isang linggo ka nang nasa apartment ko!" reklamo nito. "I mean, I love you pero may sarili kang bahay—"

"Tanginang pagmamahal 'yan, may 'pero'." Nagsalubong ang mga kilay niya sa malakas na pagsinghap ng kaibigan. Paka-OA. "Oo na! Oo na! Uuwi na. Puta, ang landi nito."

"O ano, ibaba na ba kita dito?"

Sinamaan niya ito ng tingin. Shintaro promised to bring him to the nearest train station. Doon na lang siya magko-commute pauwi dahil may trabaho pa ang kaibigan at kahit maarte siya, ayaw naman niyang abalahin ito. "Tignan mo 'to, ang layo pa ng istasyon. Eager na talagang mawala ako."

Shin just rolled his eyes at him. "Hindi mo 'ko madadaan sa drama mo. Uuwi ka lang sa bahay n'yo, hindi ka bibitayin."

"Paano kung makasalubong ko si Yugo?”

"E'di tanggapin mo na lang 'pag sinabunutan ka." Shintaro laughed out loud. Mas malakas pa sa stereo. "Or worse, hindi ka pansinin. Like you're a ghost na hindi dapat ginagambala. Just like how you ghosted us."

Taiga groaned, his friend wasn't helping at all. "Nagpromise ka na hindi natin pag-uusapan 'yon!"

"Never forget." Shintaro shrugged, pressing his foot on the pedal.

 

*

 

 

 

Shintaro didn't really try to hide the fact that he wanted him to go. Kulang na lang ay itulak siya nito pababa ng sasakyan nang makarating sila sa train station. Agad din nitong pinaharurot paalis ang sasakyan.

Akala naman nito ay didiretso siya sa bahay nila. Pwede namang mag-ikot muna siya sa mall habang nag-iipon ng lakas ng loob umuwi.

 

At iyon nga ang ginawa niya. He went to eat lunch alone at halos maikot na niya ang buong mall para lang palipasin ang oras.

 

From: bb Shintaro

Umuwi ka na sa inyo please. Chat me when you're home. Love you. Not 'buts'.

 

It was a trip down the memory lane. Nadaanan niya ang stores na madalas nilang tambayan nina Hokuto at Yugo.

The three of them loved to sing karaoke every chance they got. Pataasan ng score. Ang makakakuha ng pinakamababang score ang manlilibre ng juice na sakto namang nasa tapat lang ng karaoke.

Pero ang hinding-hindi niya makakalimutan ay nang ikinulong sila ni Yugo sa loob ng karaoke booth. It was probably the first time he felt tensed to be left alone with Hokuto in a small space. Habang binabalikan niya ang memoryang 'yon, malamang noon ay nagsisimula na siyang magkaroon ng pagtingin sa kaibigan. However, Taiga wasn't able to deal with his growing feelings that time dahil umalingasaw sa hangin ang masangsang na amoy. Yugo farted and let them inhale death, while keeping them locked inside.

Taiga scrunched his nose, time may have passed pero naalala pa ng utak niya ang bahong 'yon.

Then, he continued walking around hanggang sa mapagod siya. Habang naglalakad siya sa bridge patungo sa kabilang building, nakita niya ang isang popular na coffee shop sa labas. Something excites him at agad siyang lumabas ng mall para puntahan ito.

No, it wasn't that specific coffee shop. It was the dog cafe behind it. Naalala pa ni Taiga noong unang nagbukas ito. First year college. Hindi na sila magkasama nina Yugo at Hokuto sa iisang unibersidad. It was fun and lonely at the same time. Fun because he got to meet a lot of people, and experienced a lot but was lonely because he couldn't share it right away with his favourite people.

Katulad na lang noong napili siyang gumanap bilang lead actor sa isang play ng kanilang theatre club. Taiga was on cloud nine. He was just a freshman pero lead actor agad?

Gusto niyang i-surprise ang dalawang kaibigan.Plano niya ay iimbitahan niya ang mga ito sa kanyang kolehiyo sa mismong araw para manood. But it seemed that Taiga couldn't really have the nice things in life. A day before the play, napalitan siya bilang lead actor.

He didn't really had the time to mope dahil kailangan pa nilang mairaos ang play buong araw. To his surprise, Hokuto fetched him at school. Ganda.

Sana lang talaga ay hindi nito nakita ang mga posters tungkol sa play. His face was almost everywhere inside the campus.

'Anong nangyari?' Taiga remembered that question. Nasa loob na sila ng dog cafe. May french bulldog na nakaupo sa lap ni Hokuto, at sa kanya naman ay dambulahang dalmatian na may identity crisis as lapdog. Hindi naman sya nagrereklamo, he was even hugging the dog.

He tried to show a happy face. He really tried. 'What? Wala naman. Bakit?'

'Mukha kang may problema,' sabi nito. 'Ang init kanina sa train, pero hindi ka nagreklamo. Kahit isang beses. May lagnat ka ba?'

He was taken aback when Hokuto's hand touched his forehead. Pareho silang nagulat. Bakit parang napaso siya nang lumapat ang palad nito sa balat niya?

'O, wala ka namang lagnat. Milagro siguro 'to dahil kaya mo palang hindi magreklamo.' biro pa nito.

Taiga rolled his eyes at his best friend. Umalis na ang dalmatian sa lap niya. Pero agad naman itong napalitan ng pug. Ang saya pala sa isang dog cafe.

'Bwisit. Pagod lang ako.'

'Hindi gagana 'yan.' sagot nito sa kanya. Alam ni Taiga na hindi niya matatago 'yon kay Hokuto. He could easily fool Yugo but not Hokuto. Hindi na lang siya umimik.

When their time was up, kailangan na nilang umalis sa dog cafe. Medyo nainis pa siya na may time limit lang ang pag-stay sa loob. Pero gusto na rin kasi niyang umuwi. His week at school was really shitty.

Ang kaso, nagyaya pa si Hokuto na magkaraoke sila at wala na siyang nagawa They sang a few songs pero mas pinili na lang niyang kumain hanggang sa matapos ang oras nila. Akala niya uuwi na sila pero nagyaya pa ang kaibigan na mag-arcade.

'Uwi na tayo.' Yaya niya rito bago pa man sila makapasok sa arcade.

'Dali na, arcade na tayo. Mag-eenjoy ka sa loob.'

Hokuto wrapped his arms around his shoulder, gently guiding him to the direction where the arcade was.

'Pagod na ako. Uwi na tayo,' seryoso niyang sabi. His fists were closed inside the pocket of his hoodie. He was starting to get annoyed.

'Let me cheer you up, Taiga,' Hokuto said, his voice ever so gentle.

'I don't need you to.'

'Pero gusto ko.' sagot nito.

'H'wag ka na makulit please.' halos pabulong niyang sabi.

'I love you, Taiga.'

He felt dead in his tracks. Para siyang sinuntok sa dibdib. Parang nakalimutan niya kung paano huminga. It wasn't the first time he heard those words, but coming from Hokuto's mouth felt something he couldn't put a name on.

Sa puntong 'yon, tinanggal na ni Hokuto ang braso sa balikat niya at humarap sa kanya. 'I know you're not okay kahit hindi mo sabihin. Maybe it was a hell week for you but you can always talk to me. Hindi ba ganito naman ginagawa natin 'pag stressed tayo? We hang out. Have fun. Kung ayaw mo ng arcade, how about movie? May gusto ka bang panooring film? Or..or maybe Tagaytay? I still don't have a license yet. Commute na lang tayo. Gusto mo ba kasama si Yugo? I can call him. We're your best friends—'

'Tangina naman.' Taiga scoffed and was about to turn his back, but Hokuto caught his arm. He took a deep breath before speaking, trying to calm himself. 'Una na ako umuwi.'

Hokuto stared at him for quite some time before speaking. 'Okay, uwi na tayo.'

If Taiga was right, that was the first and last time Hokuto said that he loves him. During those times, he wasn't bothered. Hindi naman sila affectionate verbally as best friends.

Siguro, kung na-figure out niya kaagad before na mahal niya ito, nasabi at naiparamdam, would things go differently? Gusto niyang sapukin ang sarili. Why are these thoughts bothering him? Hokuto is already in a happy relationship.

Tangina naman.

Taiga continued walking towards the dog cafe. Kaso, wala na ito. It was vacant. Ang lungkot ng hitsura kaya naman bumalik na lang siya sa loob ng mall. Hindi pa rin niya gustong umuwi.

Nadaanan niya ang bowling alley na minsan nilang sinubukan. As a sporty person, Taiga remembers well how delicious the pizza sold inside was. Pati 'yung kaba na tinatago niya habang patuloy na kinakain ang bawat slice kasabay nang paghihintay na magsalita si Hokuto.

It was 3 PM that day when he received a text message. Hokuto wanted to talk to him alone. Alone. Agad-agad syang lumabas ng classroom para puntahan ito.

That time, pinapaniwalaan ni Taiga na ang pamumula ng mukha nya ay dahil sa init, not because of the thought of spending some time alone with Hokuto. Bakit naman niya gagawing big deal ang paggagala sa mall na kasama si Hokuto? They've been together since diaper days anyway.

Sa dami ng nabasa, narinig, at napanood niya tungkol sa pag-ibig, may ideya na si Taiga kung paano nakakaapekto sa puso ng tao ang pagmamahal. But he was still young at that time. The moment Hokuto spilled the beans, his heart skipped a beat and fell three floors down to the ground floor ng mall na 'yon.

Hokuto was in love, and in a relationship. His first relationship ever.

Alam ni Taiga ang panget ng mga thoughts na umaandar sa utak niya. Who was this person trying to take Hokuto away from him? Si Hokuto na kasa-kasama niya simula bata pa sila. It was him, Hokuto, and Yugo eversince. Sino itong tao na gustong pumapel sa buhay nila?

Taiga snorted at that memory. He really was dumb. Young and stupid to know that he was in love with him.

 

*

 

 

 

From: bb Shintaro

Nakauwi ka na ba? Wala ka bang load? Yuck.

 

The sun would set soon. Naisipan niyang tumambay na lang sa isang sikat na coffee shop. He busied himself playing some online games. Hindi niya alam kung bakit naroon pa rin siya sa loob. Pwede naman siyang umuwi na agad. Iwas encounter, iwas explanation.

Taiga knows Yugo too well. Alam niya na maiintindihan ng kaibigan ang ginawa niya. Pero hindi pa rin siya handa na makipagkita. Nahihiya siya. He realized his romantic feelings towards his other best friend. The thought terrified him, he packed his bags, and didn’t dare to look back.

The universe is already helping him. May karelasyon na ang kaibigan. It should be easy for him to get over it.

Right?

"One caramel macchiato for Hokuto!”

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig niya ang pangalan na ‘yon. Tangina naman, universe. It was, coincidentally, Hokuto’s favourite drink.

“One caramel macchiato for Hokuto!” ulit ng barista sa counter.

And there he was, walking graciously towards the counter. Una niyang napuna ang suot nitong t-shirt sa loob ng jacket. It was his gift. Napuna niya rin na nagkulay na ito ng buhok. Ah, finally! Hokuto was adamant about coloring his hair. His best friend used to say that black hair looked good on him. Tama naman ito. But a light haircolor suits him, too!

And yes, Hokuto is still dashing as ever. Tangina. While he was sulking over his love life the past months, stressing over his existence, lalo namang gumwapo si Hokuto. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig. Tangina.

“Taiga?” Hokuto spoke. Nagtama ang mga mata nila. It was already too late for him to run away as Hokuto headed towards his table. He looked so excited on seeing him. 

“Hi.” It was the only word Taiga could utter. Gusto niyang maiyak. He took a sip of his own macchiato.

“Ang tagal mong hindi nagpakita. Are you back?” Hokuto already occupied the seat in front of him, settling some paper bags on the vacant one on the side.

“I guess," he answered.

“Oh, sorry, forgot to ask. May kasama ka ba?” Umiling siya. “Okay, baka kasi may kasama ka pala. Bigla-bigla na lang akong umupo.”

“It’s okay," Taiga said. Why was he acting weird? “Bakit ka andito? ‘Di ba nasa Pampanga ka na?”

“This is my home.” kibit balikat na sagot nito.

Baka bibisita lang sa parents. Just like him. Talaga nga namang pinagkrus pa ang landas nila. Parusa ba ‘to dahil ilang beses nilang tinataguan si Yugo ‘pag gusto nilang mag-hang out dalawa lang ni Hokuto? O baka dahil iniwasan niya mga kaibigan nang mahigit isang taon? O kapalit ba ‘to ng hindi pagkakaroon ng sex life ni Shintaro dahil naging sagabal siya dito the past week?

“Anyway, may lakad ka ba ngayon?” tanong ni Hokuto. The man was already comfortable in his seat. Nakitikim pa ito sa slice ng cake niya.

“Wala naman. Bakit?”

“Sakto, samahan mo ako. I need to shop for baby clothes.”

There wasn’t any chance for him to decline. At ayun na nga, nasa loob na siya ng isang clothing store for babies. The store’s interior feels nice. Ang sarap sa mata ng mga kulay. Nakakagaan ng pakiramdam, pero ang daming tanong sa isip ni Taiga.

“Okay ba ‘to?” Hokuto was holding a onesies designed with cute drawings of lions at sa kabila naman ay puro baby bats. “O eto? Ano sa tingin mo?”

“I don’t know," sagot niya. “para kanino ba? Ilang buwan? Babae or lalake?”

“Pick one.” Itinuro niya ang onesies na may baby bats. Hokuto seemed satisfied with his answer at nilagay ang damit sa basket. Halos puno na iyon ng mga baby clothes.

“Her name is Umi," Hokuto said a few moments later. "she's turning three months old in two weeks." He even fished his phone from his pants pocket and showed him a picture of an infant. Hokuto was beaming with joy as he swiped for more pictures. "Galing si Umi sa isang shelter somewhere south. Para 'yon sa mga babae na biktima ng pang-aabuso. Some people bring newborns. No judgment. Completely anonymous. 'Yung shelter na mismo ang naghahanap ng mga gustong mag-adopt."

Taiga bit his lower lip. Hokuto and Juri decided to build their own family? Gusto ba niyang marinig ang ikukwento ng kababata? But he doesn't have the heart to stop him from talking. Lalo na't ramdam niya 'yung saya at excitement nito sa pagkukwento tungkol kay Umi.

"So hindi n'yo talaga kilala parents niya? No background info?

Hokuto shook his head and then put his phone away. "Tumawag lang 'yung shelter about her."

A bag full of baby needs later, Taiga followed Hokuto quietly out of the store. Dapat talaga sinunod nya na lang si Shin at umuwi nang maaga.

"Are you back for good?" Hokuto then asked. They are walking side by side. Siguro, kung may ibang taong kakilala nila ang makakakita sa kanila, iisipin na, it’s the usual. Ang mag-best friends na hindi mapaghiwalay. But, if someone were to ask Taiga, he preferred to stay away from him. Kasi tangina, si Yugo lang ang ine-expect niyang makakasalubong. Hokuto shouldn't be here in their hometown.

"I guess. Depende."

"Depende saan?" Nilingon siya ng kaibigan.

"Stuff. May bibilhin ka pa bang iba?" pag-iiba niya ng topic. "Pwede kita samahan one last time."

"Anong one last time?" Was that panic in Hokuto's voice. Tanga. Why would he care?

Not to be too dramatic and selfish, pero they're all adults. Hindi na 'to katulad noong mga bata pa sila na hindi nila maiwan isa't isa. They have their own lives to lead. Living in different cities doesn't mean the end of their decades of friendship.

They can still be friends, right?

"Before I go home, tangeks." Taiga chuckled, trying to lighten whatever heavy air between them. Baka pwede naman niya siguro na pagbigyan ang sarili niya. He may have feelings for him, but they're still friends.

"Uuwi ka ba sa'tin?" Hokuto was expecting him to say yes. He looks like a child asking for a candy treat. Sino ba sya para humindi dito? Although, uuwi naman talaga sya.

"Oo, a day or two siguro. Birthday ni dad bukas eh."

"Oo nga, na-invite nga ako kanina ni tito. Kung wala daw ang anak nya, ang paboritong anak nya na lang daw." Hokuto chuckled.

"Feel na feel mo naman na ikaw ang paborito?" Inirapan pa niya ito nang pabiro.

"Aba, syempre." Proud pa nga ang kaibigan. "I’m everyone’s favorite. Kahit ikaw, ‘di ba?”

“Dami alam.”

 

Lord, help my weak heart.

 

*

 

 

 

 

Hindi pa sumasagi sa isip ni Taiga na mamimili siya ng mga gamit pambata. Yes, he wants to settle down at one point. Not too soon, though. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay. Marami pa siyang kailangang isipin. Love wasn’t one of them, not until the biggest realization of his adult life.

Gusto niyang tawanan ang sarili. He just spent more time shopping for baby needs with the man he loves, who unfortunately for him, is already in a happy relationship. Malas ata talaga siya. Alam niyang magiging okay din siya. For tonight, in-enjoy niya na lang na kasama ang kaibigan. But he needs to take care of himself, too. Kahit gaano niya namiss ito, he wanted to get away from him.

Because Taiga kept thinking: what if hindi siya tanga? What if Hokuto feels the same way? What if silang dalawa ang mag-a-adopt kay Umi?

Just thinking about all of it feels like a crime. Kahit hindi niya gusto si Juri sa umpisa, he still respects him. He didn’t do anything wrong. Juri was just braver than him to declare his romantic intentions for Hokuto.

“Magbook na lang ako ng ride pauwi," Taiga said, habang binubuksan ang phone niya. He began scrolling aimlessly.

Hokuto raised an eyebrow at him. “Bakit ka pa gagastos? I’m here. May dala akong sasakyan.”

“Baka may pupuntahan ka pa. Una na akong umuwi,” palusot niya. He was taking steps away from him, still keeping his eyes locked on his phone. Nahagip pa ng mata niya sa notification ang text ng isa pa nilang kaibigan.

From: bb Shintaro

Landi well ;)

“Diretso uwi na ako," Hokuto said, hinila nito sa kamay niya ang phone at pinatay bago binalik sa kanya. “tara na. Sayang lang pera mo.”

Just like the old times, Hokuto wrapped his arms around his shoulder. Pero ang kaibahan ngayon, his heart was beating loud inside his chest. And it fucking hurts.

They were silent on their way to the parking area, hanggang sa nasa byahe na sila. Usually, the ride from that mall to their village is around 10-15 minutes, pero trenta minutos na, wala pa sila sa kalahati ng byahe.

Some sad love song was playing from the car stereo. Tangina.

“Saan ka nagpunta?” Hokuto asked, eyes still locked on the road. Kahit hindi naman gumagalaw ang daloy ng trapiko. “Mahigit isang taon, ‘di ba?”

Taiga looked away from him. Ito ‘yung hindi niya na-rehearse. He was actually expecting to give his explanation to Yugo. Tapos ito na ang bahala na magpaliwanag sa iba pa nilang kaibigan.

It’s funny how Taiga plays different roles for a living, but he couldn’t even make up a story to save his ass.

Taiga took a deep breath. “Solo living. Are you proud of me?” Sinundan niya pa ‘yon ng tawa to calm himself.

“Talaga? Saan?” Sinulyapan siya nito. Napangiti siya nang makita itong nakangiti. Tangina. Malala na talaga siya.

“O, gulat na gulat? Alam kong nagtanong ka na kay Dad kung anong ginawa ko," kontra niya dito. Napatawa ito sa kanya at napakamot ng batok. “proud ka ba? ‘Yung kaibigan mo na takot mag-isa, living alone na?”

“Of course!” mabilis na sagot nito. “Lagi naman ako proud sa mga achievements mo.”

Tangina naman.

“I got a rent-to-own condo unit in Quezon City,” sagot niya. Hindi alam ni Taiga kung ano-ano ang mga sinabi ng parents niya sa kaibigan, kaya sinabi niya na lang ang totoo.

“What the hell, Quezon City lang pero bakit parang sa ibang bansa ka tumira at hindi ka namin nakita ng isang taon?” Hokuto didn’t sound mad. “Ang lapit lang.”

Sa Pampanga ka na nakatira, Taiga wanted to say, but chose not to. “Naging busy ako. Ito naman. Ang hirap kaya mabuhay mag-isa. Ang daming kailangang isipin. Furniture hunting. Groceries. Tangina, ang mahal pala ng tissue paper!”

The car moved a little and they’re still stuck in traffic.

“You know, hindi ka sana nahirapan if you just told us about your plan,” Hokuto replied. “pwede naman kitang tulungan sa pagmove out. Kahit hindi mo na ako tinulungan nung nagpromise ka.”

“Hay, naku.” Taiga dismissed. “Nakalipas na ‘yon. Let’s just forget everything. Settled na ako sa bago kong bahay. Same as you.”

“Now that you’re settled, pwede na ba akong pumunta sa bago mong bahay?” Nagtama ang tingin nilang dalawa. May kakaunting ilaw mula sa light posts at taillights ang tumatama sa mukha ni Hokuto. “Hindi ako manggugulo, promise.” biro pa nito.

Napailing na lang si Taiga. “Maybe next time.”

Hokuto groaned. “Kailan pa ‘yang next time na ‘yan? May tinatago ka ba sa bahay mo? Oh shit, may kasama ka siguro sa bahay mo, ‘no?”

“Wala ‘no,” mabilis niyang sagot. “solo living nga ‘di ba?”

Pinaningkitan siya ng mata ng kaibigan, tinatansya kung nagsasabi ba siya ng totoo. It wouldn’t be that hard. Hokuto knows him too well.

“Then I can go, ‘di ba?”

“Saka na,” sagot niya dito. Inabala niya na lang ang sarili sa pagbutingting ng glove compartment sa harapan niya. “Ang kalat.”

“Taiga, may problema ka ba?”

“Ha? Bakit mo naman naisip ‘yan?”

“You disappeared,” sagot nito. Seryosong nakatingin ang kaibigan sa kanya. “bigla ka na lang nawala. Hindi ka namin ma-contact. Ayaw magsabi nina tita kung nasaan ka. Ilang linggo ko silang pinilit para lang sabihin kung nasaan ka. Did.. anything happen?”

Taiga bit his lower lip. Napractice niya na ito sa utak niya. Ang mali nga lang, hindi si Hokuto ang nagtatanong sa imahinasyon niya. It was supposed to be Yugo. Pwedeng pwede niya sabihin lahat as Yugo knew what happened in Tagaytay.

“Sobrang nag-aalala sina Shin sa’yo. I didn’t know right away na hindi ka nila ma-contact,” pagpapatuloy ni Hokuto. “I guess I was too occupied with my own life. Hindi man lang kita nakamusta. I’m sorry kung may pinagdadaanan ka that time pero wala ako.”

Parang pinipiga ‘yung puso niya sa mga narinig. “Wala lang ‘yon. Ano lang, gusto ko lang maging independent bigla. Ikaw, you move out na. Alam ko susunod na si Yugo, so inunahan ko na lang.”

“Doesn’t make any sense,” sagot nito. “unnecessary ‘yung pagde-deactivate mo ng social media.”

"I just had some realization."

"Care to share?"

Taiga took a deep breath. "Hmmm, na-overwhelm lang siguro ako sa mga realization ko as an adult. Naisip ko na kailangan ko mag-isa to think."

"Wow," Hokuto commented. "Some people would go on vacation to think pero ikaw, solo living agad."

"I needed a lot of time to think. Ayokong may ibang tao pa na magsasabi sa'kin ng mga bagay na sana ako ang naka-figure out." Taiga looked outside the car window. Hindi niya kayang tignan si Hokuto. Ayaw rin niyang magbigay ng iba pang detalye. Just being inside a confined space alone with him doesn't feel right.

"Ano ba 'yang na-figure out mo? Nakaka-curious."

"Wala lang 'yon." Lies.

"Hindi ko tanggap na you went unreachable para lang sa wala. Kahit summary lang o."

"Okay na ako, no need to talk about it." Lies.

"We have a lot of time, Taiga." Hokuto pointed at his phone used as a navigator. "May road accident sa junction, kaya matagal pa bago tayo makauwi."

"Work related," pagsisinungaling ni Taiga. "Alam mo naman na finally, nare-recognize na ako sa teatro 'diba?"

Hokuto hummed in response. “Go on.”

"People would tell me na ang galing ko, kasi nasa akin ang spotlight ngayon. Ang daming nag-ooffer sa'kin ng roles. At some point naging kampante ako na laging may opportunity." pagpapatuloy ni Taiga. No, he wasn't lying entirely. "Hanggang sa nakita ko 'yung isang role sa ibang tao."

"Anong play 'yan?"

Taiga held up his hand to stop Hokuto. His friend caught his hand and squeezed it. "Inis na inis ako that time. Hindi ko alam kung bakit. Kasi, pwede naman ako tumanggap ng ibang roles 'di ba? Pero hindi ko talaga alam bakit iritang-irita ako na may kasamang—na ibang tao 'yung nakakuha ng role na 'yun. Until may nagparealize sa'kin na… gusto ko pala 'yung role na 'yun. All this time."

Sinulyapan n'ya si Hokuto. He was intently looking at him. Siguro ay nalilito ito sa kung ano man ang lumalabas sa bibig nya. But he still went on.

"Realization hit me so damn hard. Hindi ko alam 'yung gagawin ko. I just want to rethink my whole life. After seeing that role played by someone else, sa totoo lang, hindi ko alam gagawin ko. It was only then na narealize ko 'yung gusto ko pero na-miss ko na agad 'yung chance ko. Hindi man lang ako nakalaban. Dead end na agad."

"So, you packed all your things, at bumili ng condo?"

Taiga slowly nodded, biting his lower lip. Tangina. Kung anu-ano pinagsasabi niya.

"But I think it turned out good. Natuto akong maging independent. Kahit pa inutang ko muna kay Dad 'yung ibang pinanggastos ko."

"I guess you didn't really need me back then." May tampo sa boses ni Hokuto kaya napatingin siyang muli dito.

"Sorry." Taiga spoke in a small voice. "Ikaw? Ano na ganap sa buhay mo? Maliban kay Umi."

"Gago na-miss kita."

Taiga felt a hand on his head. Paglingon nya ay nagsalubong ang tingin nila ng kaibigan. A small smile was plastered on Hokuto's face, warming his aching heart.

"Ako rin naman. Here I am."

"Yeah, here you are." Hokuto gently patted his head.

Fortunately for Taiga, naging maluwag na ang daloy ng trapiko. In no time, narating na rin nila ang village nila. The reason why he didn't want to go home frequently ay dahil tingin niya ay magbabalik lahat ng memories niya with Hokuto. That wouldn't help him to get over him.

The car stopped in front of Taiga's house. Nilingon nya ang kaibigan sa driver's seat. Hokuto gave him a smile. "Okay ka na ba ngayon?"

"I think so," sagot niya. “So kailan ang binyag ni Umi?” pag-iiba niya ng usapan.

"In two weeks.. Sa Antipolo ang binyag.”

“Antipolo? Bakit ang layo naman? Paano na ang family? Ang layo ng byahe.”

From what he knew, Juri’s family lives in Pampanga. Kung sa Antipolo pa gaganapin ang binyagan, ang layo ng byahe. For sure, elderly from Juri's family wouldn’t appreciate the long travel at their age.

“No, it’s fine. Hindi naman malayo ang byahe,” sagot nito. “Reserved na rin ‘yung simbahan.Nag-food tasting ako kanina sa caterer. Booked na rin. ‘Yung dress na susuotin din ni Umi, na-order ko na kanina.”

“Wow, ang productive pala ng araw mo.” komento niya.

Hindi na naman nawala ‘yung ngiti ng excitement sa mukha ng kaibigan. Maybe kids really bring a different joy in people’s lives. Pero ngayon, sakit ang dulot sa kanya. Medyo nakokonsensya siya. Umi didn’t do anything wrong.

“Yep, reserved na rin ang events place para sa reception.” dagdag pa ng kaibigan.

Naghahanda na si Taiga para bumaba ng sasakyan nang hawakan ni Hokuto ang magkabilang pisngi niya..

"Taiga, sobrang proud ako sa'yo sa naging takbo ng career mo. I'm just a bit sad na wala ako noong naguguluhan ka. Kahit it turned out okay in the end, mas okay kung andon ako for you," Hokuto spoke, his eyes still locked on his. Taiga almost forgot how to breathe when Hokuto's face started to inch closer until his lips landed on his forehead. "Answer my calls from now on, okay?"

Hindi sya makagalaw sa kinauupuan. "Sure."

"Oo nga pala," binuksan ni Hokuto ang ilaw sa loob ng sasakyan. "Ninong ka ni Umi ah."

 

Tangina talaga.

 

*

 

 

 

 

"Jesse, babe!" sigaw si Yugo nang makita siya ng kaibigan sa bahay nito. Nasa dining room siya umiiyak habang pinapapak ang ubas sa lamesa. "Magpa-schedule ka nga ng house blessing, may multong nakapasok sa bahay."

Inis na binato ni Taiga ang kaibigan ng tissue na ginamit niya. "Parang gago, ampota."

"Bakit andito ka?" Naupo ang kaibigan sa tabi niya. "Huling kita ko sa'yo ten years ago, umiiyak ka. Ngayon, umiiyak ka pa rin?"

Kumuha ulit siya ng tissue at suminga. "Anong ten years? Ang OA mo."

"So anong drama mo? Si Hokuto pa rin ba 'yan?" Usisa ng kaibigan. Napatango na lang sya dahil mas naiyak pa siya nang maalala ang mukha ni Hokuto. "Buti hindi ka na-dehydrate. Dalawang dekada ka nang umiiyak dahil sa pag-ibig."

"Ano ba?!" Lalong lumakas ang iyak niya. “Hindi naman mahirap sabihin na miss mo ‘ko.”

"Grabe 'no? Thirty-five years na nakalipas pero hindi nagbago hitsura mo 'no?"

Pinunasan nya ang luha. "I still look young 'no?"

"Oo, dugyutin ka pa rin." Sagot naman ni Yugo.

"Pakyu."

Yugo laughed at his retort. Somehow, napagaan nito ang bigat na nararamdaman nya. When everything overwhelmed him, wala siyang makwentuhan dahil gusto niyang mapag-isa. It's to talk again with Yugo.

"So anong ganap?" Tanong ng kaibigan. Inabutan siya nito ng baso ng tubig. "Nagkita kayo?"

Tumango siya. "Bakit ang malas ko naman?"

"Hindi ba kami malas kasi kaibigan ka namin?" Sinamaan niya ito ng tingin na kinatawa naman nito. "Go on."

"Sure naman ako na hindi ko agad makakalimutan 'yung feelings ko kay Hokuto," panimula niya. "Simula kinder, kasama ko na siya. It was easy falling in love with him, but it isn’t easy to forget him. Ang lalim ng friendship na meron kami. Tapos kaka-realize ko lang na mahal ko siya, pero huli na agad."

"Alam ko na lahat 'yan, anong bago?" Inirapan pa sya ng kaibigan. Walangya.

"Mahal ko pa rin siya." Napaiyak na naman si Taiga. "One year later, nag-level up na relationship nila ni Juri pero heto pa rin ako, stuck in the same place."

"What? Juri?" hinila ni Yugo ang braso niya para iharap siya dito. "Anong nag-level up?"

"Si Umi!"

"Umi?" Yugo looked very confused. It seemed that Yugo didn't have any idea about what was going on with Hokuto's life either.

"Nagkita kami sa mall kanina. Nagpasama magshopping ng baby needs. Nagkwento pa na malapit na binyagan 'yung bata," pagkukwento niya. "Tapos putangina, ninong pa ako. Tanginang pag-ibig 'to. Hinalikan ako sa noo tapos biglang sasabihin na ninong ako? Kinginamo, 'wag mo akong tawanan!"

"Sorry, sorry." Pigil na pigil ang tawa ng kaibigan. Namumula na ang tenga nito. "Wait, Hokuto kissed you?"

Tinuro niya ang sariling noo. "Pero grabe 'yung tibok ng puso ko. Feeling ko ginagawa akong kabit kahit malamang e wala namang meaning 'yon kay Hokuto. Pero gago, e. Kinukuha akong ninong."

"Ayaw mo no'n? Hindi ka lang pang-best friend, pangalawang magulang ka rin?" Tumayo ito ang kinuha ang baso niya.

"Isang taon mo akong hindi nakita, pero salbahe ka pa rin 'no?" angil niya sa kaibigan.

"Deserve mo e." tumayo ito, bitbit ang baso niya.

Taiga continued crying silently. Kulang pa ata 'yung mga gabing iniiyak niya. Akala niya kahit papaano, mababawasan feelings nya. Pero parang inasinan lang ang puso niyang sugatan. Tanginang pag-ibig.

Naramdaman ni Taiga ang pagbabalik ni Yugo sa dining area. Palakad-lakad ito sa likuran niya until his friend settled behind him. Hindi na niya pinansin ito. He continued to cry his heart out.

"Nakokonsensya ako kanina. I was actually imagining that it was us shopping for clothes for a baby." pagkukwento niyang muli. "Bago mo ako sermunan, I know it's so wrong on so many levels. But I can't help it. Ang tagal ko siyang hindi nakita. Sabi ko sa sarili ko, baka pwede ko naman i-indulge ang sarili ko. Pero hindi kaya ng konsensya ko. Kahit mukhang ipis si Juri, siya pa rin ang mahal ni Hokuto. Hindi ko kayang gaguhin 'yung tao."

A glass of water appeared in front of him. Nasa likod niya pa rin si Yugo. Probably doing some housework. Binigla niya rin kasi ang dalaw. Pinagpatuloy niya na lang ang pagkain sa grapes na nasa lamesa.

"Alam mo ba na nag-try ako makipag-date sa iba? Paalis na ako noon. Kaso pagtingin ko sa salamin, naisip ko, if Hokuto was there, sasabihin nyang hindi bagay 'yung suot kong t-shirt sa pants na napili ko," pagku-kwento ni Taiga. Kumuha pa ulit sya sa tissue box dahil nagbabadya na naman ang luha nya. "I stalked his instagram account one time. Ang saya-saya nila ni Juri. Kainggit. Ang saklap, I didn't get the chance to express how I feel about him. Wala, tapos na agad. Sarado na."

Yugo wasn't saying or doing anything. Kaya naman nagpatuloy lang siya.

“Hindi na pwede. Kasi may naunang iba. Hindi na pwede, kasi ang tanga-tanga ko bakit late ko na-realize na hindi ko lang siya mahal bilang kaibigan. Ang tanga ko pa lalo kasi hindi man lang sumagi sa isip ko na ano ngayon kung nakaamin ako at the right time, paano kung hindi naman niya ako magugustuhan?” Nang maubos niya ang mga ubas, binuksan naman niya ang dalandan. Mas lalo siyang napaiyak nang matalsikan ng katas ng prutas ang mata niya. “Bwisit! As much as I wanted to spend time with him, gusto kong makaalis. Hindi ko kaya. Ang bigat-bigat. Tangina n'yong lahat na hindi kumplikado ang love life!"

"So kasalanan namin na tanga ka?" Nilingon niya si Yugo na naglalakad palapit sa kanya na may dalang baso ng tubig. "Umakyat ako sa taas, nakalimutan kong patayin yung laptop—may tubig ka na pala."

"Gago, kakaabot mo lang kanina?"

"Oh shit, mimumulto ang ghoster." Pananakot nito.

Napahawak siya sa magkabilang braso ng kaibigan. "What if totohanin mo na 'yung house blessing mo?"

 

*

 

 

 

From: Hokku

11am seminar bago binyag. Pick you up at 10am.

 

After their fateful encounter, he went back to living in his condo. Sa pangungulit ni Yugo, nakabisita na ito kasama sina Jesse at Shintaro sa bahay niya. Mabuti na lang at hindi available si Hokuto nang araw na ‘yon dahil iniiwasan niya ito. He reactivated all his social media accounts, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag or chats nito. Lagi siya nitong ina-update sa kung anuman ang ginagawa ng kaibigan. Hindi niya alam kung baliw lang ba siya, or extra clingy si Hokuto lately. Pero baka dahil lang din matagal siyang hindi nakausap ng mga kaibigan.

Hindi naman siya painter para kulayan lahat ng ginagawa nito.

It’s been two weeks. Ngayong araw na agad ang binyag ni Umi. Ang hindi niya lang maintindihan, bakit kailangan siyang sunduin ni Hokuto? Dapat kasama nito ang pamilya, ‘di ba?

“Tangina naman, patahimikin mo na ako.” bulong niya at ibinulsa ang phone. Taiga was actually considering skipping the ceremony at pumunta na lang sa reception to give his gift tapos aalis na agad.

Pero hindi kaya ng konsensya niya. This is all about Umi. Maybe after today, magpapakalunod na lang siya sa trabaho. He got an offer to teach at his university. Kino-consider niyang tanggapin ito. Maybe meeting more people would help him forget.

With that in mind, naghanda na siya para sa binyag ng anak ng taong mahal niya. Taiga picked a plain white shirt, black pants, and black leather sandals. Kumuha na rin siya ng manipis na blazer sa closet niya bago umalis. Plano niyang mag-taxi na lang paakyat ng Antipolo.

Simula nang mamuhay mag-isa, naging maingat na siya sa paggastos ng pera. Although the taxi fare would probably be expensive, mas okay na ‘yon kaysa abalahin ang kaibigang si Hokuto. Na may bibinyagang anak.

 

To: Hokku
Nakasakay na ako ng taxi. See you na lang sa simbahan.

 

 

After hitting the send button, kinuha ni Taiga ang wallet at regalo niya para kay Umi, at binuksan ang pinto ng bahay niya. But Hokuto was there, holding a phone in his hand, looking so immaculate wearing a white polo shirt tucked into his denim jeans.

“Nasaan ang taxi?” tanong nito at nakangisi sa kanya.

“Hmm, nasa baba?” Patay. Just like his heart. “Akala ko ba 10am ka pupunta?”

“Alam kong tatakas ka, e.” sagot nito.

“Loko-loko ka! Paano na si Umi kung andito ka?” Nakokonsensya tuloy siya. If only Taiga acted right and assured Hokuto of his attendance, at hindi niya ito iniwasan ng ilang araw, kumpleto siguro ang pamilya ni Umi nang mga oras na ‘yon. Ano na lang ang iisipin ni Juri?

Siya na mismo ang nagmadali rito para makasakay sila sa sasakyan. Maaga pa naman, sure naman siyang makakarating agad sila sa simbahan para sa seminar bago ang aktwal na binyag.

“I can’t believe na iniwan mo si Umi para lang pumunta sa bahay ko,” gulantang pa rin si Taiga kahit nasa byahe na sila. Good thing na Linggo at maluwag ang kalsada, “Kaya ko naman pumunta mag-isa sa simbahan.”

“Hindi mo sinasagot tawag ko eh,” sagot nito habang abala sa pagmamaneho. Hokuto was probably driving within the speed limit pero para sa kanya ay hindi niya ito nakikitaan ng pagmamadali.

“Ang bagal mo mag-drive! May bibinyagang bata, Hokuto.”

Imbis na magmadali, tinawanan lang siya ng kaibigan. “Atat na atat, ikaw ba ‘yung pari?” Kung hindi lang ito ang tatay ni Umi, mas nilakasan niya ang suntok sa braso. “Relax ka lang, Taiga. Maaga pa. Kasama ni Umi pamilya ko. Kumpleto sila.”

“Anong kumpleto? Andito ka?”

“Kasama naman kita,” sagot nito na kinainis niya. Naihilamos na lang niya ang mga palad sa kanyang mukha.

“Tantanan mo nga! Naghihintay si Umi sa’yo doon.” sagot niya rito.

“It’s fine, hindi naman niya matatandaan.”

Taiga felt horrified. Hokuto loves his family dearly. Kaya sigurado siya na magiging mabuting ama ito kay Umi. That thought has been hurting him the past two weeks, and he chose to be happy for Umi and Juri. Pero sa sinabi nito, hindi ito ang Hokuto na nakilala niya..

“Are you for real, Hokuto?” inis na wika niya.

“Oo naman, bakit?” With a quick glance, Hokuto reached for his hand to prove a point. Pero agad niyang hinampas ito. “Kanina ka pa nananakit.”

“Akala mo siya, hindi,” bulong niya sa sarili.

Taiga opted to remain quiet after that. Hiling niya lang ay makarating agad sila sa destinasyon para makalayo siya sa kaibigan. Hindi siya kumportable sa inaasal ng nito.

“After ng reception, may lakad ka ba?” tanong ng kinaiiritahang kaibigan kapagkuwan.

“Ano?” angil niya sa kaibigan.

“Sungit,” komento nito. “Kako kung may lakad ka mamaya after ng kainan.”

“Uuwi ako.”

“Huwag muna.” Sinulyapan siya ng kaibigan at nginitian. “Samahan mo ‘ko, may gusto akong puntahan na kainan. Italian restaurant. Sabi sa reviews, sobrang sarap daw ng carbonara nila. Ikaw agad naisip ko. Sakto rin, medyo malayo ‘yung byahe. Lusaw na naman siguro ‘yung kakainin natin galing sa reception–”

“Again, Hokuto, are you for real?”

Sa loob ng isang taon na nawala siya, Taiga continued to love Hokuto kahit na masakit. Hindi siya nagalit kay Juri dahil hindi naman nito inagaw sa kanya ang lalaki. He continued loving him despite the distance he put between the two of them. Taiga never wished for Hokuto’s relationship to end even though he was hurting silently. He endured it. Although there was one scenario that Taiga pictured in his mind: if given the chance to love him freely without Juri, or anyone in particular, he would immediately dive into it.

“Hokuto, are you hitting on me?”

“Paano kung oo?” sagot nito. Seryoso ang tingin nito sa kanya, at the same time, umaasa. Taiga immediately dismissed that. Umaasa? Tangina.

“Ang gago mo,” sagot ni Taiga. Sumisikip lalo ang dibdib niya sa inaasal ni Hokuto. “Naghihintay sa’yo si Umi sa simbahan tapos ganyang inaakto mo? Hindi ikaw ‘yan. What happened to you?”

“Ano bang sinasabi mo, Taiga?” tanong nito. Kunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Lalo siyang nainis dito. Hokuto is acting as if he didn’t insinuate cheating on his partner. “Hindi kita maintindihan.”

“Mas lalong hindi kita maintindihan.”

“I like you, Taiga.” agad na sagot nito. He watched him take a deep breath before speaking again. “No. Mahal kita. Matagal na. Kaso natakot ako na baka kapag sinabi ko sa’yo, masira lang ‘yung friendship na meron tayo. Baka layuan mo ako. I know it was dumb pero naisip ko kung sa iba ko ibabaling atensyon ko, makakalimutan ko ‘yung nararamdaman ko sa’yo. I treasure our friendship more than anything. So I dated. Pero wala eh, ang lakas ng hatak mo. Ikaw pa rin. It’s still you. After all these years.”

 

This is it. Taiga now has the chance to show his love and be loved in return. Pero masakit. Hindi niya ‘to deserve. Hindi ito deserve ni Umi, ni Juri. No one would be happy. Nagbabadya ang luha niya na bumagsak kaya naman ibinaling niya ang ulo palayo kay Hokuto. Only then Taiga noticed that they had already arrived at the church. Naka-park na sila. Sa labas ay nakilala niya ang sasakyan ng pamilya nito.

“Labas na ako.” paalam niya dito. Taiga tried opening the door but he couldn’t. Ilang beses niyang inulit pindutin ang lock button ng sasakyan. Kulang na lang ay itulak niya ito para lang makalabas siya.

“Naka-child lock.” ani ng katabi niya.

Lalo niyang gustong maiyak. Hokuto was all ready to start his family. For pete’s sake, his car door is already child-locked! Tangina. Kaya bang buksan yan ng sanggol?!

Lumabas si Hokuto ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Hindi na niya ito hinayaang magsalita. Hokuto even tried to grab his arm but he moved faster. Taiga already knew his way around the church. Mabilis siyang naglakad kung saan dinaraos ang seminar sa mga magulang at godparents bago ang binyagan. While walking, nagdadalawang-isip na si Taiga kung dapat bang um-attend pa siya ng binyag. Kaya ba niyang harapin si Juri at Umi?

Tanginang pag-ibig ‘to.

For the sake of their friendship, nagdesisyon siyang umattend na lang. Saka na niya iisipin kung anong gagawin niya sa pag-amin ni Hokuto.

Agad niyang nakita si Yugo, Jesse, at Shintaro sa gilid ng function room. Abala si Jesse sa pagpapaypay sa dalawang kaibigan. Tumabi siya agad kay Yugo at niyakap ang braso nito.

“Ayan, mabe-bless na ang multo–huy, umiyak ka ba?” tanong nito. Jesse and Shintaro looked worried. Nginitian niya lang ang mga ito.

“Pawis ‘yan. Init.” tipid na sagot niya dito.

“Uy, si Hokuto.” sabit ni Shintaro. Ang dalawang kaibigan ay sinundan ang tinitignan ng bunso nila. He refused to look though.

“Naks, pogi a,” komento ni Jesse. “Maasar nga paglapit niya.”

 

Naalarma siya sa sinabi ng kaibigan. Nagtama ang tingin nila ni Hokuto. The man looked worried as he was walking towards them. Hindi nga lang nito nakarating sa pwesto nila dahil naharang ito ng kuya nito. Bitbit sa mga bisig ang sanggol. Umi.

He watched as Hokuto gently scooped the baby into his arms. Lalong sumisikip ang dibdib niya sa nakikita. What was Hokuto thinking?

“Okay ka lang?” bulong ni Yugo sa kanya. Ramdam niya ang pag-aalala ng kaibigan. Tumango siya bilang sagot at ibinaling na lang ang atensyon sa nagsasalita sa harapan. A middle-aged lady was talking about the responsibilities of a parent and whatnots.

Hokuto attempted a few more times to go where they were. Pero nahaharang ito ng ibang tao. It was the universe telling them that they couldn’t be together. It was way too late already.

After a few minutes, they were ushered to a hall for the baptism. Maraming invited sa binyag. Sobrang daming ninong at ninang, all fussing over how cute Umi was. Maging sina Yugo ay tuwang-tuwa. But, he couldn’t bring himself to go near the baby. Hindi niya kaya.

“Nasaan po ang parents ng bata?” rinig niyang tanong ng isang lalaki. Maaaring ito na ang pari na magbibinyag kay Umi. As the ceremony started, Taiga looked down. Maybe attending was really a bad idea.

“Hi,”

Nagulat siya nang makita ang nagsalita. It was Hokuto. He quickly turned his head at the baptism happening a few feet from them. Tanaw niya ang pari habang binubuhusan ang ulo ni Umi. But instead of Hokuto and Juri, ang kuya ni Hokuto at asawa nito ay may hawak kay Umi.

“Can we talk after the ceremony?” bulong ni Hokuto.

 

*

 

 

 

 

Taiga was biting his nails again. It's his hobby when he’s deep in his thoughts. Right now, Hokuto all wanted to hear Taiga speak. Simula matapos ang binyag, hindi siya nito pinapansin. Akala niya ay tatakasan siya nito katulad na lang nang nangyari sa sasakyan. But when he asked Taiga to go ride with him to the resort, the man nodded and quietly got inside the car.

That night, pumunta sya sa bahay nina Yugo para ikwento na nakita niya si Taiga. He was there to ask for advise. Gusto na niyang aminin ang nararamdaman kay Taiga.

It was an accident hearing Taiga raved about his love for him at Yugo’s house. He stayed behind Taiga to hear why he was crying at Yugo’s dining table. Hokuto should’ve corrected Taiga about Umi right then, but his heart ached hearing how Taiga found out he was in love with him, too, but didn’t have the chance to say it as he was already in a relationship at that time. Tangina. They realized their love for each other at a different time.

Instead of heading to the reception, nag-drive siya sa ibang lugar. Taiga didn’t seem to notice they were already far away from the city. After quite some time, he parked the car on the side of the road. They were already somewhere up in the mountains. Sa gilid ng daan ay may malawak na open space sapat sa mga motorista para makapagpahinga. Overlooking ang malawak na kabundukan.

They were standing side by side. God knows how much Hokuto wants to close that space and hug Taiga. Pero pinigilan niya muna ang sarili. He owed it to Taiga to explain everything. He just couldn’t find the right words to start.

“Nasaan si Juri?” tanong nito. Taiga wasn’t looking at him. Nakatingin lang ito sa malayo. The wind was blowing his hair and Taiga didn’t seem to mind. God, he’s perfect.

“We broke up.” sagot niya rito. Taiga didn’t say anything so he explained further. “Matagal na. Siguro after a month noong nagkita tayo sa Tagaytay.”

“You moved in together tapos nagbreak kayo agad?” hindi pa rin nakatingin ito sa kanya.

“No, hindi natuloy ‘yon. Si Juri ang nagdecide. He said we were rushing things. I agreed. We continued our relationship until Juri called it off.”

“Bakit?”

“Sobrang bilis lang ng usap namin. I remember him telling me to sort my feelings first then he said goodbye.” Taiga finally looked at him. His eyes were glassy. “Juri knows that I’m in love with you.”

“Ang tagal mo mag-sort ng feelings ha.”

“Sure naman ako.” sagot niya agad. “I went to all your plays, by the way. Alam ko kung saan ka nakatira dati pa. Although hindi ko alam kung bakit ayaw mo magpa-contact, I still asked about you from tita and tito. I wanted to talk to you but it was clear na ayaw mo makipag-usap sa’min. Gustong- gusto na kita makausap no’n. Baka maagaw ka pa ng iba. Talagang binalak mo pang makipag-date. So when I saw you at the coffee shop, I wanted to confess right away. HIndi ko lang mahanap ‘yung tamang tyempo.”

“Bakit hindi mo ‘ko tinama? Akala ko ikaw ‘yung tatay ni Umi? Bakit?” pinagsusuntok nito ang braso niya. “Tangina mo rin talga ‘no?”

Natawa siya sa panggigigil nito sa kanya. “You love me anyway.” sagot niya habang hinuhuli ang kamao nitong galit sa pagsuntok sa kanya. Mas lalo pa itong nagalit. “Uy, hindi d-in-eny.”

“I hate you, gago!” sagot nito at humakbang palayo sa kanya bago tumingin muli sa mayamang kagubatan na tanaw mula sa pwesto nila. Nagpipigil ng ngiti ang kaibigan. Taiga’s cheeks were painted pink.

“So, Taiga,” tawag niya rito. Sinamaan siya nito ng tingin. “Pwede pa ba?”

“Ang alin?” asik nito.

“Pwede pa ba na ako ulit ‘yung tignan mo?”

“Ha? Pinagsasabi mo?” pagsusungit nito. Pero hindi nito matago-tago ang ngiti sa mga labi. Cute.

“Pwede pa ba na hawakan ko kamay mo mula ngayon? Tapos yayakapin ka?”

“Hokuto–”

“Pwede pa ba na i-promote mo na ako from best friend to–”

“Super best friend?” mapang-asar ang ngiti nito..

“Mukha mo. Ayoko nang maging best friend lang.” Hinila niya ang braso nito paharap sa kanya. Taiga went with it. “Hindi pa dead-end. Pwede pa ba tayo, Taiga?”

“Tangina mo pa rin.” sagot nito at hinila ang kwelyo ng damit niya. He was expecting more but Taiga’s lips only landed on his cheeks.

“Pisngi lang?” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at hinalikan sa labi. They melted into that first kiss. Years of what they thought an unrequited love was poured into that kiss.

“Grabeng kiss naman ‘yon, parang mahal na mahal mo naman ako,” pang-aasar ni Taiga. He chuckled, Taiga was clearly breathless after that kiss but he still managed to tease him.

No, it wasn’t too late for them, contrary to what Taiga believed. Perfect timing pa nga.

Afterword

End Notes

PS wala akong maisip na title mhie
PPS dagat na dagat na ako UMIIIII
PPS kinikilig ako habang sinusulat yung huling eksena shksdglksj kakabasa ko to ng pocketbooks e WAHAHA

PPPS sa true lang, may pt2 talaga 'yung Grand Reveal initially. Saturday naganap 'yung Grand Reveal, tapos sunday naman yung pt2. Kaso shit happened so sabi ko, keri na 'yon... until nagtwt si mamsh @NeuroticSlayer na sana may kasunod. nagreply ako ng on the spot pt2 habang nagluluto ng sinigang. HAHAHAH

 

Grand Reveal pt2 — 1yr later w no usap at all, nagPM si hoku kay taiga. Nagpapasama mamili ng baby needs dahil mag aadopt hokujuri ng baby. While shopping, catch up ang dalawa hanggang sa nagkaungkatan ng past, ang feelings nila sa isat isa.

 

(Pero la tayo time magsulat 😆)

 

dami kuda punyeta

Please drop by the archive and comment to let the author know if you enjoyed their work!