Preface

“Gago! Mahal kita (hindi) as a friend!”
Posted originally on the Archive of Our Own at http://archiveofourown.org/works/49511038.

Rating:
Teen And Up Audiences
Archive Warning:
Creator Chose Not To Use Archive Warnings
Category:
M/M
Fandom:
SixTONES (Band)
Relationship:
Kyomoto Taiga/Matsumura Hokuto
Characters:
Kyomoto Taiga, Matsumura Hokuto, Tanaka Juri, Jesse Lewis, Kouchi Yugo, Morimoto Shintarou
Additional Tags:
SixTONES - Freeform, Kyomohoku, Friends to Lovers
Language:
Filipino
Stats:
Published: 2023-08-21 Words: 897 Chapters: 1/5

“Gago! Mahal kita (hindi) as a friend!”

Summary

Pag-ibig or pagkakaibigan?
Kung si Taiga ang papipiliin... hindi niya alam kung alin sa dalawa ang pagtutuunan niya ng pansin dahil pareho itong mahalaga sa kanya.

Notes

“Gago! Mahal kita (hindi) as a friend!”

“Hokuto! Hokuto! Sasabay kaba kumain?” tanong ni Taiga sabay ng mahinang katok sa pintuan ng kwarto nang kaibigan. Pero walang sumasagot kaya naman napilitan siyang buksan ito. Pagkabukas niya ng pinto bumungad sa kanya si Hokuto na nakaupo sa gilid nang kama nito. Nakatalikod sa pintuan. At nakaharap sa bintana, napansin niyang may kung anong pinupunasan sa mukha.

“Hokuto? Patanong na tawag ni Taiga. Halatang di namalayan ni Hokuto na nakapasok na si Taiga sa kwarto niya dahil kita ang pagkagulat nito sa mukha.
“A, ikaw pala Taiga.” gulat pero matamlay nitong tanong at pilit na umiiwas ng tingin kay Taiga. “May kailangan ka?” tanong pa nito.
“Umiiyak ka ba?”balik tanong ni Taiga, di na niya sinagot ang tanong ni Hokuto.
“Hindi..” pero nag-uunahan na ang mga luha nito habang nakatingin sa kanya at umiyak na nang tuluyan.
Natarantan si Taiga sa kanyang nakita at dali-daling lumapit sa kaibigan at di nag-atubiling niyakap ito.
“Sino na naman ba ah?” mahinang tanong ni Taiga. Gutom na siya pero mas importante ang damdamin ng kanyang kaibigan ngayon. Ang sarap pa naman ng pagkain na ipinadala ng nanay niya. Adobong pusit at at may cake pa na gawa rin nang nanay niya. Napailing nalang si Taiga sa iniisip niya, ano ba naman yan Taiga! Focus tayo sa drama ng kaibigan natin.

“Si Juri— “ sabi ni Hokuto na di na natuloy ang sasabihin dahil umiiyak pa din ito.
“Ano bang nakita mo sa pakboi na yun ah?” inis na tanong ni Taiga na naging dahilan nang lalo pang pag-iyak ni Hokuto. Walang nagawa si Taiga kundi mas lalo pang yakapin ang kaibigan dahil ramdam niya kung ano ang pinag-dadaanan nito.

“Nakita ko kasi sila ni Jesse, ang sweet nila–” panimulang kwento nito. “Tapos magka-akbay pa silang umalis sa gym after nung practice namin–” dugtong pa nito habang humihikbi. “Taiga–, pangit ba ako?” tanong nito sa kaibigan na ikina-gulat naman ni Taiga.
“Ano kaba, ikaw na ata ang pinakamagandang lalaki sa klase natin, saka ayoko makipagkaibigan sa pangit noh.” pabirong sagot ni Taiga.
“E, bakit hindi ako pinapansin ni Juri?” tanong ni Hokuto kay Taiga.
“Baka bulag yan si Juri!” seryosong sagot ni Taiga.
“Taiga naman eh.” kunwa’y inis na sabi ni Hokuto sa kaibigan.
“E, kasi naman, bakit ka nga ba niya hindi pinapansin? Ang gwapo-gwapo mo, ang kinis na ng balat mo sa kaka-skin care at lotion. Tatlong beses kapa maligo ang bango-bango mo. Fashionista pa! Matalino! Kaibigan mo pa ang isang Kyomoto Taiga! So anong dahilan bakit di ka niya papansinin, aber?! Mahabang litanya ni Taiga.
“Ano naman ang kinalaman ng pagkakaibigan natin para pansinin ako ni Juri?’ pabirong tanong ni Hokuto sa kaibigan. Madalas talagang magbuhat ng sarili niyang bangko si Taiga. Pero kung susumahin tama naman ito. Sino nga ba ang hindi makakapansin kung ang dalawang naggagandahang lalaki sa University nila ay laging magkasama at nag-uumapaw sa talento at talino.
“Syempre! Tignan mo nalang ako!” sagot nito na pinapungay pa ang mga mata.
Napatingin nga si Hokuto sa mukha ng kaibigan, may pimples ang maputla nitong mukha. Hindi naman madami, pero halata ito. Mabuti nalang maputi talaga ang balat ni Taiga mana sa nanay at tatay niyang mga mestizo at mestiza. Sana all may natural na ganda. Ang ganda ng mga mata nito, ang perfect ng ilong, cute ang labi na kahit sino mangangarap halikan ito. Biglang kumakabog ang dibdib ni Hokuto.
“O, diba…! Maganda ako! Hahaha” pabiro nitong sabi sabay tawa ng malakas. “Halika na kumain na tayo! Masarap ang padalang ulam ni mama.” sabi pa nito. Bumalik sa normal ang tibok nang puso ni Hokuto at tumango nalang siya sa tinuran ni Taiga. Hinawakan ni Taiga ang kanyang kamay sabay hila nito at sumunod din naman si Hokuto sa kilos ni Taiga. Magkahawak kamay nilang tinungo ang komedor ng kanilang apartment.

Tahimik silang kumain at napansin ni Hokuto ang ganang kumain ni Taiga. Well, mahilig talaga kumain si Taiga, kaya nga ito nagkaka-acne minsan kasi walang habas kung lantakan ang mga street foods kala mo di anak mayaman. Walang arte, si Hokuto na nga lang ang namimilit na magskin care ito bago matulog. Siya din ang namimilit kay Taiga na magshopping kapag may time sila. Mas pipiliin kasi nitong isuot ng paulit ulit ang mga black outfit niya kesa magshopping. Mas pipiliin nitong maglaro ng pokemon, or magsulat ng kanta kasama nang gitara niya or piano.

 

=======================================================================

 

“Juri ito na request mo!” sabi ni Taiga. Palihim silang nagtagpo sa likod ng library building. May i-binigay na kung ano si Taiga kay Juri. Ito naman si Juri halos mapunit ang mukha sa laki ng ngiti dahil sa tuwa.

“Bakit di mo kausapin si Hokuto? Magkaibigan naman kayo.” sabi naman ni Juri.
“Pwede ba wala ka na dun! Gawin mo lang gusto ko!” inis na sagot naman ni Taiga
“Well… sabi mo eh! Haha!” sagot nito. “Pa’no ba yan, una na ako! Goodluck sayo at diyan sa puso mo!” nakangisi nitong sabi sabay takbo paalis.

Napa-simangot nalang si Taiga sa sinabi ni Juri at napaisip din siya sa mga sinabi nito. Matagal na silang magkaibigan ni Hokuto at wala talaga silang lihim sa isa’t isa. Pero nagi-guilty na siya ngayon dahil nagawa niyang i-lihim sa kaibigan ang totoo niyang nararamdaman para dito. Ano ba ang pwede niyang gawin? Pinaka-importante sa kanya ang friendship nila nila ni Hokuto. Pero forever ba niyang itatago ang feelings niya sa kaibigan?

Afterword

End Notes

Salamat sa pagbabasa! Di ko alam kung kailan ang next kasi tamad si ako! lol

Please drop by the Archive and comment to let the creator know if you enjoyed their work!