Preface

Dulo
Posted originally on the Archive of Our Own at http://archiveofourown.org/works/52029832.

Rating:
General Audiences
Archive Warning:
No Archive Warnings Apply
Category:
M/M
Fandom:
SixTONES (Band)
Relationship:
Kyomoto Taiga/Matsumura Hokuto
Characters:
Kyomoto Taiga, Matsumura Hokuto, SixTONES Ensemble
Additional Tags:
Alternate Universe, taglish, Break Up
Language:
Filipino
Stats:
Published: 2023-12-04 Words: 1,832 Chapters: 1/1

Dulo

Notes

Dulo

 

“What the hell? Break na daw Kathniel!” 

 

Lahat sila ay napatingin kay Jesse. Hawak nito ang cellphone sa isang kamay, at nakatakip naman ang isa sa bibig. Disbelief was visible on Jesse’s face as his eyes continued to focus on whatever was on the screen. Nilapitan na rin ito ni Yugo at nakitingin. On the other side of that couch, Juri opted to pull out his phone from his pocket. 

 

Nagkatinginan sila ni Shintaro, kibit-balikat lang ang sagot nito. Bilang hindi naman siya fan ng naturang couple, Hokuto busied himself with other things. Namili na lang siya ng pwede nilang panoorin sa Netflix. Ni minsan ay hindi siya nadala sa hype ng Kathniel. Kahit pa tampok ang dalawa sa sunod-sunod na mga teleserye at pelikula, kaliwa’t kanang endorsement. Sa utak niya kasi, everything was just for show. Pero mukhang sa kaso ng dalawang ‘yon, talaga nga sigurong nabuo ang pag-ibig. 

 

“Oh my god, my Kathniel heart!” Nakahawak pa sa dibdib si Jesse. 

 

“Pinagsasasabi mo? Kailan ka pa naging fan?” kontra ni Yugo, “bagal mo magbasa, next slide na!”

 

“Baka fake news na naman yan.” Tumayo si Shintaro at naglakad patungo sa likuran nina Jesse at Yugo, dala-dala nito ang mangkok na puno ng popcorn.

 

“Legit na, bro. Nasa IG na ni Kathryn.” Sagot ni Jesse.

 

Supposedly ay movie night nila. Wala lang. Niyayaya niya lang ang mga ito. One chat and all of them were already on his doorstep. Nga lang, hindi pa man sila nakakapili ng papanoorin ay naagaw na ng Kathniel ang atensyon ng mga kaibigan. 

 

“Gago, ang sakit.”

 

Napatingin siya kay Juri, a pained expression was on his face. He looked at him in disbelief. Juri? Nasasaktan? 

 

“Gago,” ulit nito at muling tumingin sa cellphone nito. “Hindi ako fan. Hindi ako parte ng relasyon, pero puta, ang sakit.” 

 

“‘Di ba?” Hinampas pa ni Jesse nang marahan ang braso ni Jesse. 

 

“Itong si Jesse, akala mo talaga,” reklamo ni Yugo. “Ikaw ba ‘yung may relationship na nagtapos after eleven years?” 

 

Imbis na sumagot sa mga patutsada ni Yugo, dineadma lang ito Jesse. Inihiga nito ang sarili sa couch, his head was lying on Juri’s thighs, who unexpectedly was dumbfounded by the couple’s break-up. 

 

“Cancel muna classes and work tomorrow, the whole Philippines is mourning.” That was Shintaro. Palagay niya ay tapos na rin ito sa pagtingin sa social media. 

 

Now Hokuto was curious. Kinuha na niya ang cellphone na nasa center table. 

 

6:49PM, his phone screen flashed. No new notifications. Pinindot niya ang Instagram app at tinipa sa search bar ang pangalan ng aktres. He began reading through each slides. 

 

 

Eleven years

 

The couple spent eleven years together. Eleven birthdays, holidays, hundreds of dates, countless numbers of ups and downs.

 

One day, you’d bumped into someone and that someone became your home. Sa nakakapagod at magulong mundo, at the end of the day, uuwi ka sa tahanan mo. Sa mainit na yakap at kilig mula sa bawat dampi ng labi niya sa iyo na papawi ng lahat ng pagod at galit mo.

 

“What’s up?” 

 

Kaso nga lang, it had to reach an end. Oo nga, masakit

 

“Taiga, break na Kathniel,” ani Jesse, parang nagsusumbong pa sa bagong dating. 

 

Pinanood ni Hokuto ang bawat kilos nito. Mula sa paglalakad nito mula sa pintuan, hanggang sa lapitan siya nito para marahang tapikin ang ulo niya bago lumapit kay Jesse. 

 

In-update ng iba nilang mga kaibigan si Taiga tungkol sa nangyari. Again, he was really surprised to discover that these friends of him, na kasama niya for the longest time ay tagahanga pala ng naturang couple. They continued their chitchats, while he busied himself with their dinner.

 

“Ah basta, mag-break na lahat,” hawak-hawak ni Juri barbecue stick at tinuro siya. “huwag lang kayo ni Taiga.” 

 

“Hindi na ako mag-aasawa kapag naghiwalay kayo.” Dagdag ni Shintaro. 

 

“Paano ka mag-aasawa e babaero ka.” kontra ni Taiga. “Forever single.” pang-aasar pa nito. 

 

The six of them enjoyed the night together. Na-miss ni Hokuto kasama ang mga ito. Walang kamatayang bangayan nina Jesse at Yugo, hoe-ly adventures ni Juri, at syempre, ang paborito niyang juicy office gossips courtesy of HR supervisor Shintaro. Hindi man nila ka-opisina ito, pero updated sila sa bawat drama sa trabaho nito. Yari talaga si Shintaro kung makakalabas man lahat ng pinag-uusapan nila. 

 

10PM when they said their good nights. It was funny to look back when their nights used to start after ten o’clock, pero heto sila, gusto na agad humilata sa kanya-kanyang kama. 

 

Nililigpit niya ang mga platong ginamit nila. Some show was playing on the tv to fight the silence. Si Pochi naman nakikipaglaro kay Taiga. 

 

“Bango mo maman, Chichi. Bagong paligo.” 

 

Tumahol pa ang alaga na akala mo ay naiintindihan talaga ang sinabi ni Taiga.

 

Binuhat nito si Pochi at inamoy amoy. “Lumipat ka ba sa ibang groomer? Parang nag-iba ‘yung pet cologne ni Pochi?” 

 

“Hindi, nagpalit lang siguro sila ng scent.” sagot naman niya. 

 

The celebrity couple break up was featured on the late-night news. Napatingin siya sa TV at napaisip kung hanggang kailan kaya ito magiging laman ng balita. 

 

“Maybe that's just how some relationships work, ‘no?” Hokuto said, wiping the last plate before putting it away. “Some just come into your life, be with you through every ups and downs. Grow up with you, build dreams together. Akala ng lahat matatag na dahil na rin sa ilang taon na magkasama. But one day, gigising ka na lang na may switch na pipitik somewhere, and just like that, hindi mo na siya mahal. Suddenly, tangina, ikaw na lang ‘yung natitira. Mag-isa ka na lang. Tell me, Taiga. When did you feel na hindi na ako?”

 

Hokuto managed to say all of that with a straight face, without his voice breaking. Sa totoo lang, hindi niya alam kung dapat ba siyang ma-proud sa sarili niya o maawa dahil pagod na siya. Pagod na siyang makaramdam ng sakit. 

 

“Kailan mo naramdaman na may expiration date pala tayo?” 

 

“Hokuto,” nagmamakaawa ang boses ni Taiga. Nakatungo lang ito sa kinauupuan, habang ang alaga nilang aso ay nakaupo sa mga hita nito. “Nag-usap na tayo, ‘di ba?”

 

Napatingala siya. Heto na naman ang paninikip ng dibdib niya. “Hokuto, break na tayo,” mapait na inalala niya ang mga sinabi ni Taiga. “Seven years. You ended us, Taiga. Ikaw ang nagdesisyon. Ikaw lang. Akala ko dalawa tayo. Ang daya mo.”

 

Naglakad siya patungo sa couch kung saan nakaupo si Taiga. Mabigat ang bawat hakbang niya. Hokuto had to fight the urge to jump at him, para yakapin at maramdaman muli ‘yung dating ginhawa na nakukuha niya sa mga bisig nito. But things will never go back to the way they were before. Dahan dahan siyang umupo, ramdam na ramdam niya ang puwang sa gitna nilang dalawa. 

 

He laid his back flat on the couch, and turned his head to his ex . “Taiga, hindi ko ba naparamdam sa’yo ‘yung pagmamahal ko?” 

 

“Alam at ramdam ko,” sagot nito. 

 

“I thought we’re supposed to grow old together. ‘Yung old mo pala, hanggang 28 lang.” pinilit niya ang sarili niyang tumawa. Hanggang doon na lang e. 

 

“Beach house. Sa probinsya niyo sa Batangas. ‘Yung ilang lakad lang, nasa dagat ka na. Enjoying our morning cups of coffee. Both our faces are wrinkly old. Our front porch.” Huminga siya nang malalim. “I guess hanggang imagination na lang ‘yon.”

 

“Yeah.”

 

Naubos na siguro ‘yung luha niya. Ito ‘yung madalas niyang sabihin sa mga kakilalang galing sa break-up. Iiyak mo lang lahat, hanggang sa maubos luha mo, hanggang sa mapagod ka nang umiyak. Siguro papunta na siya sa susunod na chapter. The next chapter of his life without him. 

 

They stayed together seated on the couch. The silence wasn't comfortable, Hokuto wallowed in heart-wrenching pain at the end of their love. Taiga made it easy for him to fall, but now after all the things they've been through, they are parting ways. Love turned into grief for the loss of what could have been them if they didn't let go. And he wondered if Taiga felt the same. Napapaisip siya kung miserable rin ba si Taiga kagaya niya. Sana miserable rin siya.

 

 

“I should go.” 

 

Nakaalis ka na. Iniwan mo na ako.

 

Tumayo si Taiga, hawak pa rin sa mga bisig nito si Pochi. He watched him hug the dog before gently putting it down the couch.

 

Hokuto didn't bother to say a word. Ano pang silbi? 

 

Lahat ng saya, kilig, mga binitawang pangako, kapagurang napawi sa tuwing umuuwi sa isa’t isa, init mula sa mga pagkakataon na sila ay nagiging isa, masasakit na mga salitang mula sa pagod na puso, mga sugat na hindi na magagamot. Lahat ay nagtapos na. 

 

Hindi namalayan ni Hokuto na kusang kumilos ang katawan nya at hinabol si Taiga. Huminto siya nang mapagtanto ang ginawa. 

 

Taig looked at him, and he stared back. It was empty, his eyes were empty of the love he used to have for him. Wala na talaga. Talo na ako.

 

“Pwede ba kitang mayakap sa huling pagkakataon?” Hokuto swallowed the lump in his throat. “please?”

 

Pait na ngiti ang sinagot ni Taiga sa kanya. “No, Hokuto. Let's not make it harder than it already is.”

 

“Right.” Hokuto dared to look back at him, “good night.”

 

“Hokuto—”

 

“Stop,” mariin niyang sagot. 

 

“Hear me out, please—”

 

Hinigit niya ang kamay nang hinawakan ito ni Taiga. “Hindi na.”

 

“For the last time. Please?” Taiga pleaded. “Bago ako umalis, gusto ko lang malaman mo na minahal kita. I loved you. Sa paraang alam ko. You will always be the person who made me the happiest the last seven years of my life. No matter how hard my day went, ikaw ‘yung gusto ko laging makasama at makita bago ako matulog. Your smile, your voice, your presence meant a lot to me. I appreciate every single moment I spent with you. I’m so thankful that we both fell in love with each other…” 

 

The two of them kept the distance they had between. Gustong-gusto ni Hokuto na lumapit kay Taiga para hawakan ang mukha nito. 

 

 

“...alam mo naman kung bakit andito tayo ngayon, ‘di ba? All of our unresolved issues were meant to hit us at one point. Instead of solving them, talking about it, we kept burying them. At heto, andito na tayo. We can't fix it anymore. We can't fix us because we are already broken beyond repair.” 

 

Does love have to be this hard and painful? Hokuto only hoped for the pain to end. 

 

“Can we still be friends at least?” 

 

Muli ay tinignan ni Hokuto ang lalaking minahal ng sobra. Life is full of endless possibilities. Siguro, sa susunod na dekada, kaya niyang tanggapin ang inaalok nito. Siguro kapag hindi na sakit ang nararamdaman niya tuwing titignan sa mata si Taiga, makikita na niya ito bilang kaibigan. Siguro…baka sa susunod na buhay na lang niya. 

 

 

“No.” pinal na sagot ni Hokuto. He watched as Taiga closed the door behind him. May ilalabas pa palang luha ang kanyang mga mata.

 

 

Afterword

End Notes

anong dump account dump account???? i-ao3 'yan! Charotn't

Please drop by the Archive and comment to let the creator know if you enjoyed their work!