Preface

dibisoraya
Posted originally on the Archive of Our Own at http://archiveofourown.org/works/55269760.

Rating:
Teen And Up Audiences
Archive Warning:
No Archive Warnings Apply
Category:
M/M
Fandom:
SixTONES (Band)
Relationships:
Kyomoto Taiga/Matsumura Hokuto, Kouchi Yugo/Jesse Lewis
Character:
SixTONES Ensemble
Additional Tags:
Alternate Universe, Suto as Pinoys, Exes, Getting Back Together, Maybe - Freeform, char - Freeform, WAHAHAHAHAHA
Language:
Filipino
Stats:
Published: 2024-04-17 Updated: 2024-07-05 Words: 39,567 Chapters: 3/4

dibisoraya

Summary

Sa wakas, sa hinaba-haba ng prusisyon sa simbahan ang tuloy ng magkasintahang Jesse at Yugo. All of their family and friends are excited to see them tie the knot and vow to love each other until the end of time. Pero hindi na ata aabot si Taiga sa kasal. Hindi naman siya ang punong-abala sa kasalan at lalong hindi siya ang ikakasal, pero super stress drilon na siya dahil sa poging mananahing si Hokuto.

Chapter 1

Chapter Notes

sorry na agad sa lahat ng typos na makikita mo labyu

●・○・●・○・●

 

LRT Marikina-Pasig Station

 

Taiga wore his pair of sunglasses before going out of the GrabCar he booked. Isang paa pa lang niya ang sumasayad sa semente, pero parang gusto na niyang arkilahin ang nasakyan para ibalik siya sa comfort ng bahay niya. 

 

Napakainit. Napakasakit sa balat. Nakakairita.

 

Okay, gets naman na it was almost freaking twelve noon. Tirik na tirik ang araw. Dagdag din kasi ‘yung singaw mula sa mga sasakyan na nasa kalsada. Mga aircon units na nagpapalamig sa mga malalaking establishments sa paligid niya. Mabuti na lang, the ozone layer is slowly recovering. Go, Mother Earth!

 

Halos tumakbo na si Taiga papasok ng Robinsons Mall para kahit papaano ay malamigan siya bago siya pumasok ng LRT station. Parang pinapaso ang balat niya. Shuta naman, kino-consider na niyang umuwi. Ang layo din kasi ng magiging byahe sa araw na ‘yon. Isa ‘yon sa bihirang pagkakataon na naalala niya ang sasakyan na regalo ng tatay niya noong kanyang college graduation na minsan na lang makalabas ng garahe.

 

Mahal ang gas, katwiran niya. Pero ilang libo na ang points niya sa Grab kakabook ng masasakyan. 

 

Napabulong na lang ng pasasalamat si Taiga nang makaupo siya sa loob ng tren. Mabuti na lang talaga at wala masyadong pasahero. Maraming bakanteng upuan. He let himself get comfortable as music blasted through his headphones. Sobrang nostalgic ng amoy ng LRT. He couldn’t help but reminisce about his college days every time he rides the train. Apat na taon ba naman sa kolehiyo na ito ang pangunahing mode of transpo niya, it wouldn’t be easy to forget about it. 

 

Napagtanto ni Taiga na kung tutuusin, halos wala naman palang pinagbago.

 

Noon, halos wala siyang tulog kada umaga dahil sa dami ng school works na pinaglamayan niya the night before. Ngayon, wala pa rin siyang tulog dala ng trabaho. 

 

Noon, nakikinig siya sa mga kanta gamit ang mumurahing headset na nabili niya sa bangketa pang-aliw sa byahe. Ngayon, kaya na niyang bumili ng halagang ilang libong headphones na maliban sa pakikinig ng musika ay para hindi niya mapakinggan ang mga maiingay na kabataan na nakaksabay niya sa byahe. 

 

Noon, may kasabay siya palagi papasok ng paaralan, kasa-kasama sa mala-sardinas na morning rush sa loob ng tren. Ngayon, may kasabay pa rin naman sya, hindi nga lang niya kilala. 

 

Hep! Stop! Hindi ito ang panahon para maging emosyonal siya. Before he could even reach the memories he had already buried deep, kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon. Bumungad sa kanyasi Anzu, ang lockscree niya at ilang notification galing sa Whatsapp. 

 

 

Y&J Wedding Updates

 

Jesse Lewis created group “Y&J Wedding Updates”

Jesse Lewis added you to other members

Jesse Lewis added Shintaro Morimoto

 

Shintaro

Bakit may new gc pa?

Ayaw n’yo na ba sa mga memes ko? 

 

Jesse

Hello, mga panget. Don’t forget tux fitting today. 1PM. 

Kita tayo sa Lucky Chinatown bago pumunta sa mananahi.

 

Shintaro

Yabang mo na. Ikakasal ka lang, sumama na ugali mo.

 

Jesse

Separate GC lang for updates para hindi matabunan ang mga tiktok links mo HAHAHA

 

Shintaro 

Ay, walang gc na kasama namin ibang groomsmen and bridesmaid? 

 

Jesse

Wala. Bawal kang lumandi.



Yugo 

Magpakasal ka na rin, Shin

| Ayaw n’yo na ba sa mga memes ko? 

AYAW KO NA

STOP to 2366



Shintaro

luh anu yan di q mbasa hala choppy kayo

 

 

Napangiti si Taiga knowing na ikakasal na kaibigang si Yugo. The two of them go way back. Simula grade four, magkaklase na sila hanggang fourth year high school. Given that they both had different circles, hindi talaga sila nag-uusap maliban na lang kung may groupwork sila together. 

 

Their friendship started on their very first day as university students. 

 

Nagkasabay sila sa pila papasok ng LRT Santolan (wala pang LRT Marikina-Pasig Station noon). Bilang hindi nga sila magkaibigan, nagkatanguan lang silang dalawa. Pero dahil laking hatid-sundo at hindi pinalaking Commuter of Manila si Taiga, he was very anxious that day. Labag man sa loob niyang makipag-small talk, he pushed himself to talk to Yugo to calm himself. 

 

'Ang tanga-tanga mo pala. You’re the total opposite of street smart.'

 

Those were Yugo’s words while the two of them share fried shelled peanuts worth twenty pesos na nabili niya sa naglalako sa labas ng Santolan Station. Gabi na noon. He was waiting for his dad’s driver to pick him up. Balak na niyang ipahatid si Yugo dahil sa iisang village lang naman sila nakatira.

 

Earlier that day, napag-alaman nilang nasa iisang block section pala sila. Basically, they were inseparable that day. Rather ayaw lumayo ni Taiga kay Yugo. Marahil ay nakulitan na sa kanya ito kaya naman hanggang mag-uwian ay magkasama sila at hindi rin siya nito iniwan habang hinihintay niya ang sundo.

 

Gusto sana niyang ma-offend pero hindi naman kasi mali si Yugo. Bilang laking Rizal, he really didn’t know how to navigate around Manila alone. Heck, crossing the streets scared him the most. Sino ba namang hindi kakabahan kung para kang nakikipagpatinero sa kamatayan kapag tatawid ng kalsada? Nasa tamang tawiran ka naman, pero mapapadasal ka talaga. So yeah, Yugo was right, he was stupid. 

 

Pero hindi siya pumayag na apakan nito ang pride niya. That day, nangako si Taiga na gagantihan niya ang masasakit na salita nito. Thus the start of their friendship.

 

Y&J Wedding Updates

 

Taiga

Congrats, Yugo! Nakahanap ka na ng magtitiis sa ugali mo habambuhay. 

Jesse, pwede pa magbago isip mo.

 

Yugo

wow ha

Palibasa kami lang nagtitiis sa ugali mo

 

Shintaro

nag-away ‘yung dalawang masama ugali


Taiga

Whatever. Saan na kayo niyan? Lrt na ako.

 

Shintaro

gago kahapon tao ka pa!

Hindi mo kasi pinasa ‘yung chain message na sinend ko sayo noong  May 1, 2015 6:15PM.

Taiga

napakabagong joke ah

 

Jesse

HAHAHAHAHA

 

Shintaro

sungit na naman ni Taiga

Kaya wala kang awoj e

Taiga

wtf is awoj?

 

Shintaro

jowa hehehehe 

 

Yugo

paano magkaka-jowa e pinaglihi sa sama ng loob

Taiga

tangina mo ako na naman

San na nga kasi kayo?

 

Shintaro

Nasa Binondo lang ako.

Mag-chat kapag nakababa ka na ng Recto station.

 

Yugo

Si Jesse, otw na. 

Hindi  muna ako makakasama sa fitting pero let’s have dinner mamaya, mga bebe kwoah!

 

 

Jowa jowa, ulol , sa isip-isip ni Taiga. 

 

No, hindi siya bitter when it comes to romance. It's just that, ever since Yugo and Jesse got engage, kalat na sa buong village nila na ikakasal na ang best friend niya sa jowa nitong 'kano. He is happy for the both of them. Alam naman ng lahat na doon din ang punta ng dalawa. Ni hindi nga niya in-expect na mapapaiyak siya when the two suddenly announced about their engagement at SM East Ortigas parking lot. Kamuntik pa niyang malaglag ang box ng J.co na t-in-ake out nila kakatalon. Ganoon siya kasaya.

 

The problem rose the day after the two posted about it on Instagram. Bilang buy 1, take 1 , si B1 at si B2, kambal-tuko nga sila ni Yugo, all the nosy neighbors are now asking about the status of his love life. Even those people who didn't even speak to him, biglang feeling close at tinatanong kung kailan siya susunod sa yapak ng best friend. Ni jowa nga wala siya, so paano niya sasagutin ang mga usiserang kapitbahay nang hindi naiinis? 



After getting the answers he wanted to know, nag-exit na siya sa Whatsapp. He went from Facebook to Instagram to Tiktok but nothing caught his interest. Bago pa siya tuluyang mahilo gawa ng pagse-cellphone sa gumagalaw na tren, ibinalik na lang niya ito sa bulsa at dumungaw sa bintana. 

 

Araneta- Cubao Station. Ilang beses siyang bumaba dito para magpalipas ng oras. Minsan habang hinihintay ang daddy niya na siyang susundo sa kanya sa Santolan Station o kaya naman kapag ayaw pa niyang matapos ang araw.

 

Nang marating niya ang Recto Station napabuntong-hininga na lang si Taiga. Other than the fact that riding the train from Marikina-Pasig to Recto made him remember a few sweet-turned-sour memories, wala na naman siya sa piling ng malamig na hangin at kailangan na naman niyang mamasahe para makarating ng Divisoria. 

 

Bakit ba kasi naisipan ng ikakasal na ala una ng tanghali magkita para sa fitting ng isusuot nila sa kasal? They could’ve chosen an earlier time or kahit late afternoon, Taiga’s pretty sure hindi naman maaga nagsasara ang mga tindahan sa Divisoria. He made a mental note para magreklamo mamayang dinner sa kaibigan. 

 

“O ‘soria! ‘Soria! Aalis na! ‘Soria!” 

 

Agad na sumakay si Taiga sa nakaabang e-trike sa labas ng Recto Station. Balak pa sana niyang mag-abang nang papaalis na jeep, ‘yung jeep sana na hindi na magpupuno pa ng pasahero. Pero nang tumama sa balat niya ang init mula sa araw, mas minabuti niya na lang na sumakay agad sa e-trike, kahit pa da-dalawa pa lang silang pasahero nito. 

 

Y&J Wedding Updates

Taiga

Kalalabas ko lang ng Recto Station bebe @Shintaro

 

Shintaro

Alright. Lapit na ako sa Lucky China. 

 

 

It didn’t take long nang umandar na ang e-trike na sinakyan ni Taiga. Probably ayaw na lang din mabilad sa araw ni manong drayber. Hindi naman sa nagmamadali si Taiga kaso nababagalan siya sa takbo nila, not because he was riding an e-trike, pero dahil sa sunod-sunod na stoplight bago makarating sa Divisoria. 


On their nth stop because of the red light, napatingin siya sa relo niya. 12:48PM. Hindi na ata siya aabot sa Lucky Chinatown and would’ve to meet them sa mismong mananahi na.

 

●・○・●・○・●

 



168 Mall, Divisoria



“Anim na tux for the groomsmen, tapos anim na gown naman para sa bridesmaid. Pati na rin sa parents of the two grooms,” ani ng lalaking kausap ni Jesse. Based on his looks, ito marahil ang tailor. 

 

They are now in one of the many bridal shops in 168 mall. The walls inside the shop were painted pastel pink and the floors were large white marble tiles. It screams luxurious wedding shopping, which Taiga found hilarious given how hard it was to find their way. Sa mga masisikip na hallways ay halos makipagbalyahan na siya sa mga nakasalubong na mga mamimili na may bitbit na naglalakihang eco bags, mga kargador na may nakapatong na matataas na box sa ulo, at mga taong may tulak-tulak na cart na naglalaman ng mga kung anu-ano. 

 

Sobrang challenging, napakadaming obstacle courses, nakakawala ng poise.

 

Hindi mapakali si Taiga. Kumakabog ang dibdib niya. No, it wasn’t because of the mannequins dressed in white wedding gowns that surrounded him, the fear that came from watching too many horror films when he was younger. Well, probably nakadagdag but it wasn’t all because of it. 

 

Pota, paano ba um-exit?  

 

Sumisikip ang dibdib niya. Hindi niya masisi ang init, katabi niya ang floor mounted aircon ng shop. He took a deep breathe at pilit isinisiksik ang katawan niya sa likuran ni Shintaro. He’d like to thank his friend for being a gym rat, ang laki ng inilaki ng katawan nito. Perfect sa sandaling ‘yon. 

 

“Taiga,” bulong nito. Nakapaling ang ulo nito sa direksyon niya. “Ang likot mo. “Natatae ka ba?” 

 

“Gago,” ani Taiga. “Hayop ka, hindi.”

 

“Nilalamig ka? Palit kaya tayo. Para kang bulateng inasinan diyan.” 

 

Hinila niya ang buhok ng kaibigan. “Leche ka. Hindi. Manahimik ka na lang please”

 

“Fitting na for the groomsmen.” Jesse’s voice caught their attention. “Who wants to go first?” 

 

Yumuko lang si Taiga, para siyang estudyante na iniiwasan magtama ang tingin sa guro para hindi matawag sa recitation. Pinagpapawisan na siya ultimo kilikili niya. 

 

“Si Taiga na muna,” ani Shintaro na marahan siyang iginiya. “Nilalamig na ata. Para makagalaw-galaw.” 

 

Tangina mo, Shintaro! Sa inis niya ay kinurot niya ang kaibigan. Pinanlakihan niya pa ito ng mata habang ang pobreng kaibigan ay gulong-gulo sa asal niya. Wala tuloy siyang nagawa kundi sumunod. With heavy steps, he walked towards the tailor who was waiting for him with a measuring tape on hand.

 

Once they were face to face, the tailor didn’t waste any second and started taking his measurements.

 

“Pakitaas ang braso,” bulong nito.

 

Sobrang lapit nila sa isa’t isa. With labored breath, sinunod niya ang utos nito. Agad na pinaikot ng mananahi ang mga kamay nito sa katawan niya. Taiga felt shy, galing pa naman siya sa initan. Hindi naman siguro siya amoy araw. Sana hindi siya amoy araw.

 

“Taas pa, babe,” kantyaw ni Shintaro, na nagresulta para lumabas ang signature laugh ni Jesse na tingin niya ay dinig hanggang kabilang stall. 

 

The tailor quickly glanced at him. Hindi niya kinaya ang eye contact na ‘yon, Taiga had to quickly look away, ignoring how this man’s eyebrows furrowed. 

 

Seeing this person wasn’t part of his bingo list for the year. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang iasal sa harapan nito. Their proximity was making him lightheaded. Babagsak ata siya. 

 

Ano ba namang parusa ito?



This  wasn’t how Taiga imagined he’d feel if they ever crossed paths. Oo, ilang beses niyang inisip kung ano ang gagawin niya sa oras na magkita silang dalawa. Malabo, pero hindi kasi impossible. It wasn’t because he was looking forward to seeing him but more of, he was convinced that time would’ve already healed all the  wounds of the past should they meet again. Sa imahinasyon niya, kaya na niyang tignan ito sa mata. Kaya niyang ngitian. Kaya niyang kausapin. In his thoughts, he was hoping he would reciprocate the same warmth. Kasi nga kahit malabo, hindi naman imposibleng magkrus ang mga landas nila. 

 

Kaso… Taiga failed to think about another possible after effect. Na dahil sa lamat ng kahapon, posibleng galit ito sa kanya. Dapat naisip niya na galit ito sa kanya. 

 

Now that they met again, he wasn't expecting this kind of rage from him...

 

“Anong pangalan mo sir?” staring straight into his soul, his eyes emotionless. Hawak nito ang notepad at ballpen sa isang kamay.



●・○・●・○・●

 

Escolta, Manila




“Aray ko!” Sinamaan ng tingin ni Yugo si Taiga matapos niyang hilahin ang buhok nito. “Problema mo?”

 

Kulang na lang ay tumakbo siya palayo kanina nang makalabas sila ng shop. Hindi man siya relihiyosong tao pero panay ang dasal niya na kung hindi man pwede na bigla na lang siya maglaho right there and then, sana naman ay wala na siyang makitang iba pang pamilyar na mukha sa tindahang ‘yon. 

 

“Gago ka, alam kong ikakasal ka at stressful ang pagpaplano ng kasal. Pero ang sama-sama ng ugali mo,” ani Taiga. Sa inis niya ay akmang kukurutin niya ito sa braso pero mabilis si Yugo at hinampas ang kamay niya bago pa niya magawa ang binabalak. 

 

It was already night time at nasa Crowne Prince sila, ang paboritong chinese restaurant ni Yugo at Jesse. Jesse and Shintaro were out to smoke after giving their orders. Naiwan naman silang dalawa sa mesa at hindi nag-aksaya ng panahon si Taiga, agad na kinompronta ang best friend pagkaalis na pagkaalis ng dalawa pa nilang kasama. 

 

“Ano bang pinagsasabi-sabi mo dyan? Hindi kita maintindihan.” 

 

“Maang-maangan ka pa! Pinlano mo ‘to ‘no?” Taiga was getting frustrated. Gusto na niyang maiyak dahil sa inis na nararamdaman. “Bakit hindi mo sinabi na si Hokuto ang kinuha niyong mananahi para sa kasal niyo?” 

 

“Ano?” Hinila ni Yugo ang kanyang braso para paharapin siya. “Paki-ulit. I think I just heard you say your beloved ex’s name.” 

 

Taiga rolled his eyes. “Don’t make me say his name again.” he whispered-yelled.

 

“Wait, wait. World pause,” nakakunot ang noo ni Yugo. “Si Hokuto ang tailor para sa kasal namin?” 

 

Napatanga siya dito. “It’s your freaking wedding pero hindi mo kilala tailor niyo? Seryoso ka ba?” inirapan siya ng kaibigan. “Huwag mo kong irapan, baka ikasal kang may eye patch ‘pag tinusok kita ng chopsticks.” 

 

Yugo stopped for a moment, tila nag-iisip hanggang sa lumiwanag ang mukha nito nang mapagtagpi-tagpi ang mga nasa isip. Taiga watched his best friend slowly lose his sanity as he laughed silently and shoulders violently shaking. 



“Pinagtitrip-an mo talaga ako ‘no?” hinampas nya sa inis ang braso ng kaibigan. 

 

“Hoks,” ani Yugo sa pagitan ng pagtawa nito. “Hoks, short for Hokuto. Tangina. Si Hoks na kababata ni Jesse ay si Hokuto.”

 

“Ha?” 

 

“Taiga, my dear. I think this year is gonna be your year,” Yugo said, wiping the tears on his eyes. “Pinaglalaruan ka ng tadhana.” 

 

“I think, pinaglalaruan mo ako. Explain, bago kita kalbuhin.”

 

“Hindi kita pinaglalaruan. Not this time, swear,” itinaas pa ni Yugo ang kanang kamay. “Si Jesse ang nag-aasikaso for the gowns and suits. Sabi niya, gusto niya na ‘yung kababata niya ang kunin namin. I haven't seen his friend in person, but I heard he’s good. Tiwala naman ako sa taste ng jowa ko, ehem, look at me. Aray!” 

 

Taiga pulled his hand from Yugo’s arm after pinching it for the nth time. “You’ve been together for five years. Imposibleng hindi mo kilala kaibigan ng jowa mo.” 

 

“Believe me, we haven't met. Laging ‘di nagtutugma schedules namin. Saka minsan lang naman sila magkita. You know, adult friendships,” malaki pa rin ang ngiti sa mukha ni Yugo and it’s starting to annoy Taiga. “Why are you mad, my dear Taiga? Na-rattle ka ba after seeing your most beloved ex? May feelings bang nagbabalik?” 

 

“Walang magbabalik!” bahagyang napalakas ang boses ni Taiga. The old lady from the other table looked their way at sinamaan sila ng tingin. The two of them quickly muttered their apologies. 

 

“With the way you talk, duda ako,” mapang-asar pa rin ang ngiti ni Yugo nang balingan siya nito.

 

“Why are you assuming na may feelings na magbabalik?” singhal niya sa kaibigan. “halos isang dekada na ang nakalipas. Time heals all wounds nga ‘di ba? Wala ng feelings. Naka-move on na ako. Limot na dapat lahat ng nangyari before. Nakalimutan na dapat. Kung nakalimutan na ni Hokuto kung sino ako, dapat kalimutan ko na rin siya. Kaya I’m telling you, kalimutan mo na ang asshole na ‘yon.” 

 

“Whoa.” inabot ni Yugo sa kanya ang baso ng coke na puno na yelo. He drank it to his heart’s content. “Do you want us to order some Chowking Halo-Halo so you can chill?”

 

Anong pangalan mo sir?” paggaya ni Taiga kay Hokuto. “Really? Talagang tinanong niya kung anong pangalan ko? The audacity to forget about me? Siya pa talaga!”

 

Yugo was giggling beside him. “Aba, siya talaga ang dapat kalimutan ka. You broke up with him ‘di ba?” 

 

Ah, oo nga pala. Pero bago pa man makaisip ng magandang sagot si Taiga, nakita niya si Shintaro. He and Jesse were making a beeline to their table, at talagang pinaglalaruan siya ng tadhana as he saw his ex behind Jesse. 

 

I should book a Grab ASAP. 

 

Agad niyang kinuha ang phone sa bulsa ng pantalon, saka na niya iispin ang excuse na sasabihin niya habang hinihintay ang makukuhang Grab driver. Taiga jolted in his seat when he felt a hand on his shoulder. It was Shintaro, tapping his back as his friend took the empty seat beside him. Nalukot ang mukha niya nang maamoy kay Shintaro ang sigarilyo na humalo sa pabango nito. Napakatapang ng amoy, hindi niya tuloy napagilan samaan ng tingin ang kaibigan.

 

“Arte, ah.” Niyakap tuloy siya ni Shintaro, kiniskis pa ang dibdib nito sa mukha niya. Hindi siya nakapalag, pati na rin nang maagaw ni Yugo ang cellphone nya at nilayo sa kanya.

 

“Hoks, I’d like you to meet my fiancé.” Jesse stooped to plant a quick kiss on Yugo’s lips. “Babe, si Hoks. Finally nagkita na rin kayo.” 

 

Tumayo si Yugo, flashing his signature smile na akala mo tatakbong kandidato. He ignored Hokuto’s hand reaching for a handshake and gave him a friendly hug instead. 

 

Aba’t yumakap pa talaga ang badet!

 

“Hokuto! Long time, no see,” ani Yugo at kumalas sa yakap. “it’s been what, ten years?”

 

“What?” that was Jesse, palipat-lipat ang tingin nito sa fiance at kaibigan. 

 

“Nine years, I think.” sagot ni Hokuto.

 

“Ah, baby,” Yugo moved his body towards Jesse, giving him a side hug. “Hindi mo naman sinabi na ang the Hokuto Matsumura pala ang kinuha mo for our wedding. Why don’t we all take a seat muna?” 

 

Sinulyapan siya si Yugo, may pilyong ngiti sa mga labi nito. Sigurado siyang hindi gagawa ng mabuti kapag ganoon na ang ngitian ni Yugo. Tumungo na lang si Taiga. His eyes focused on his clammy hands resting on his lap, avoiding eye contact with anyone. Lalo na sa lintek na kaibigan ni Jesse. The three of them were talking with full enthusiasm, especially Jesse, who was overly ecstatic to know that his friend and fiancé knew each other. 

 

“So, kilala nyo isa’t isa?” panimula ni Jesse,  “small world.”

 

“Yes, baby. May common friend kami, ” his best friend emphasized the word, and Taiga didn’t like it. “And sometimes nagha-hang out kami in between or after class.”

 

“Really? Mukhang close kayo before.” Jesse commented. 

 

“Selos ba ‘yan?” asar ni Yugo sa  fiancé. “don’t worry, mas close sila nung friend ko. Like sobrang close sila.”

 

Taiga clenched his teeth. Must avoid eye contact. Deep breath, Taiga, deep breath. Mamaya, sasabunutan mo na for real si Yugo.  

 

“Haven’t seen you since graduation, Hoks,” ani Yugo. “Mukhang na-busy ka sa shop mo, ah.”

 

“Ah, not really.” sagot ng ex niyang dapat nang kalimutan. “kaka-open ko lang ng shop two years ago.”

 

“That’s why sa 168 ‘yung tindahan, hindi doon shop n’yo dati ‘di ba?” 

 

“You remember,” may konting amusement sa tono ng ex niyang hindi na dapat makita pa kahit kailan. “‘Yung dati, shop kasi ng nanay ko. After a while, I decided to open my own.” 

 

“Aba’t inagawan mo pa talaga ng customers ang family mo,” biro ni Yugo. 

 

“Hindi naman,” malumanay na sagot nito, “nagbukas sila ng tindahan sa Taytay, mas malapit sa’min. Bale ‘yung bunso ko namang kapatid na ‘yung nag-aasikaso. Mas madalas sina mama doon.”

 

Kung saan-saan niya inilibot ang paningin niya. Gusto niyang umaktong wala siyang pakialam sa sinasabi nito. He wanted to retrieve his phone from Yugo but his lovely best friend placed it near his ex. At big no-no na aabutin niya ang phone knowing that hi s ex might hand it over to him. Malala pa nga, baka nga hindi pa siya pansinin. So to save himself from embarrassment, Taiga chose not to do anything.

 

“Tahimik mo,” komento ni Shintaro sa mahinang boses, enough for him to hear it. Shintaro’s body was almost leaning to him as the younger poured his half-empty glass with cola. “Gutom ka na ‘no?”

 

“Ba’t mo alam?” 

 

“Baho na ng hininga mo eh,” bulong nito bago inilayo ang katawan dahil kamuntikan na niyang hilahin ang buhok nito. 

 

“Bwist ka talaga.” 

 

“Sweet naman nitong dalawa.” 

 

Napatingin silang dalawa ni Shintaro kay Jesse, there was a playful smirk on his face. Hindi na bago kay Taiga ang ganitong asar sa kanila ni Jesse. Their little friend group consists of an engaged couple and two single individuals. Ewan ba niya kung bakit trip na trip ni Jesse to play as cupid at mina-match make silang dalawa. 

 

Like hello? Nothing wrong with Shintaro. He’s a good kid. But the thought of being in a romantic relationship with him ay isang malaking ekis. That would be equivalent to incentious relationship and Taiga would never be a part of that. Parang kapatid lang ang turing niya dito and he’s sure that Shintaro thinks the same way as him.

 

“Magtigil, Jesse,” aniya. His tone lacked the conviction Taiga usually has whenever he called out  Jesse. Mabuti na lang at hindi ito napansin ng kaibigan. Mukhang mas interesado ito sa nalaman na magkakilala pala ang fiance at kababata. Nakahinga siya nang maluwag. 

 

Although it didn’t last long when Jesse spoke, excitement was visible in his eyes as he turned to him. “So Taiga, kilala mo rin si Hokuto? Since Yugo and Hokuto went to the same school. Eh classmates kayo ‘di ba?”

 

Taiga felt pairs of eyes on him, pero nag-focus siya sa mukha ni Jesse. “No,” sagot niya sa kaibigan. Nginitian pa niya ito bago sinulyapan ang ex niyang dapat naiwan na lang sa nakaraan. “First time lang namin magkita today.”

 

Yugo gasped beside him. Hindi niya alam kung gaano ito katagal nakanganga kaya naman sinubuan niya na lang ito ng roasted peanuts.. Sinulyapan niyang muli ang ex na sana hindi niya nakita today, nakangisi ito bago uminom ng tubig. 

 

Akala mo ikaw lang marunong makalimot? sa isip-isip ni Taiga. He felt proud of himself. 

 

The conversation was cut short when the staff started serving them their orders. Pansamantala niyang kinalimutan ang mga nangyari. No wonder, binabalik-balikan nina Yugo ang restaurant na ‘yon–their food was divine! Ang bilis niyang nauubos ang mga pagkain na nilalagay ni Shintaro sa plato niya. Muntik pa nga silang mag-agawan ni Shintaro sa Hakaw na nakaserve sa harapan nila.

 

“Huwag na kayo mag-agawan, Shin,” Jesse handed him a bamboo steamer. “Allergic si Hokuto sa shrimp, sa inyo na share niya.”

 

Another memory from the past flooded his mind. As if he too was allergic (to anything ex- related), madali niyang nilagay ang hawak na bamboo steamer sa harap ni Shintaro at inagaw ang Hakaw na originally ay pinag-aagawan nila. 

 

They all continued to share conversation, more like, sila lang habang siya ay piniling  manahimik at i-enjoy ang mga pagkain. After a while, they decided to part ways, gabi na rin kasi. Lahat pa naman sila ay malayo ang uuwian maliban kay Shintaro. 

 

“Taiga, hindi kita mahahatid. Wala akong dalang extra helmet,” sabi ni Shintaro. Nakatayo siya sa gilid ng motor nito habang ang kaibigan ay nakasakay na dito, handa nang umalis.

 

“Alam ko naman ayaw mo talaga akong i-angkas,” pagda-drama niya, “kunwari ka pang nakalimutan ang helmet.” 

 

“Ewan ko sa’yo.” Inirapan lang siya nito. “Una na muna ako, Yugo, Jesse. Hokuto, nice to meet you pare.” Tinanguan pa nito ang huli. 

 

All four of them watched as Shintaro drove away on his motorcycle, honking three times as his figure got lost in the dimly-lit Escolta.

 

“Pwede ka namin ihatid sa LRT station–”

 

“Pwede kang isabay ni Hokuto. Same way lang ka’yo,” agad na hinila ni Yugo ang kamay ni Jesse. He quickly turned to Hokuto. “Hoks, favor please. Thank you. Ingat kayong dalawa.”

 

Iritang-irita si Taiga nang kindatan siya ng best friend bago nito itinulak nang mabilis si Jesse papasok sa sasakyan nito. He tried to walk towards his best friend when Yugo spoke.

 

“Pasensya na kayong dalawa ha, may dadaanan pa kasi kami. Out of way na masyado,” napaka-peke ng arte ni Yugo kahit bata ay hindi nito mauuto. “Ingat kayong dalawa ah? Hokuto, pakialagaan ang best friend ko ah?” 

 

“Tangina.” Taiga breathed. Nangako pa naman ang best friend na sabay silang uuwi sa Cainta. The betrayal!

 

Walang nakaimik sa kanila nang makaalis sina Jesse.  

 

“Tara?” 

 

Sinulyapan niya ang lalaking nakatayo sa gilid niya. Hokuto’s hands were both inside the pocket of his pants, tila ba bored na bored na ito dahil siya na lang ang natirang kasama. Iniisip ba nito na masaya siyang maiwan kasama nito? Oh, hell no!

 

“Huwag na,” sagot niya agad, “magbu-book na lang ako ng Grab.” 

 

Ilang segundo rin silang nagtinginan. HIndi niya alam kung ano ang nasa isip nito, but Hokuto’s gaze was too intense that Taiga had to look away.

 

Bakit ka kinakabahan, Taiga? Ex ‘yan. Ekis na ekis na. E ano naman kung pumogi siya nang sobra after ng ilang taon? E ano naman kung mas yum–

 

“Okay.” rinig niyang sagot nito bago naglakad palayo patungo sa sasakyan.

 

Napatanga na lang si Taiga nang umandar ang sasakyan nito palayo. Hindi siya dapat mainis, siya naman ang tumanggi. But he couldn’t help it, his ex had successfully gotten under his skin. He wasn’t actually expecting him to insist, but that was the decent thing to do. ‘Di ba? 

 

In the street that now sleeps for the night, Taiga was left alone outside the restaurant as he waited for someone to accept his GrabCar booking. 

 

Tatandaan niya ang araw na ‘yon.

 

●・○・●・○・●

 

 

Three months later…

Ugong, Pasig City



“Gusto mo bang sumama sa food tasting namin on the 18th?” 

 

Taiga opened the calendar app on his phone to see if he had anything planned for that day. Maliban sa naka-book niyang appointment sa barbero niya, free siya for the rest of the day. 

 

He glanced at his iPad. Ka-Facetime niya ang best friend, who was busy packing his luggage. Nasa Singapore ito ngayon para bisitahin ang  fiancé nito who lives there for work. Sobrang in love ng dalawa sa isa’t isa na ang distansya ng Pinas at Singapore ay ginawang Cubao at Makati. This was one of the many sponty trips of Yugo just because he missed Jesse.

 

Nakapa-clingy.

 

Despite his previous experience, the two showed him that love can still be a wonderful thing. You just have to find the right person to overcome anything together. Ang hirap naman ng requirement. 

 

“Free naman ako that day.”

 

“Dapat lang, wala ka jowa.”  

 

 “E ‘di ikaw na may happy relationship,” angil niya rito. “Saan ba ang food tasting?”

 

“Sa Manila Hotel din. Around 2PM. Check ko pa with our coordinator to make sure lang. Balitaan kita.”

 

Taiga watched Yugo as his best friend struggled closing one of his suitcases. “For someone na ginawang Makati ang Singapore, ang dami mo namang gamit.”

 

“Invitations ‘to, plus other wedding stuff.” Yugo looked at him through the screen. “Mas matagal pa kaya byahe mula sa’tin to Makati than Pinas to SG.” 

 

“Totoo,” ani Taiga. “h’wag kang uuwi ng rush hour sa’tin, sinasabi ko sa’yo. Sira na naman ‘yung kalsada sa labas ng village natin, inaayos for the nth time. Traffic, beb.

 

“No!” Yugo yelled. “Around 5PM pa naman ‘yung lapag ko diyan.” 

 

Tinawanan niya ang kaibigan. As they continue talking about random shits, Taiga busied himself with the new MMORPG released last night. Kagabi pa niya pinaglalamayan itong bagong laro and he found it interesting. Plus the graphics were so nice, he hadn’t seen any other game as detailed as this one. 

 

“Hoy, bakit ka cellphone nang cellphone diyan? Sinong ka-chat mo? May jowa ka na ‘no?” 

 

Taiga scoffed, he lifted his phone to show Yugo that he was using it horizontally. “Naglalaro ako, gagang ‘to.”

 

“So sinong ka-chat mo sa nilalaro mo? Kausap mo ba ‘yan sa Discard? Pogi ba ‘yan? Mabait ba ‘yan?” 

 

“Discord kasi, tanga. Are you my mother?!” pabirong sagot niya sa mga patutsada ng kaibigan. 

 

“I am your mother, you listen to me,” pakantang sagot nito. “Sunduin mo na lang kaya ako bukas?”

 

“Bakit, ‘di ka ba marunong magtawag ng taxi?” 

 

“Gusto ko lang may kasamang ma-traffic.”

 

“Hard pass,” sagot niya dito. 

 

Napalingon si Taiga sa kanan niya nang magbagsakan mula sa counter ang ilang mga ipinamili niya sa grocery store. Malakas marahil ang nilikhang tunog nito dahil nakuha nito ang atensyon ng kaibigan. 

 

“Ano ‘yon?” 

 

Binalik niya ang tingin sa iPad. “Nalaglag ‘yung mga binili kong instant noodles sa sahig.”

 

“Hala gago, may multo talaga d’yan sa condo mo, sabi na e.”

 

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Kahit andito ka nung pina-bless namin ‘to?” 

 

“Eh bakit ‘di ka na-bless?” 

 

“Leche,” aniya. “ babye na. Maglalaro na ako.” 

 

Yugo’s protests were cut off as he ended the call. Agad na tinignan ni Taiga ang mga nagbagsakang instant noodles sa sahig pero wala na ang mga ito. 

 

“Parang kabit datingan ko ah. Like a dirty little secret. Bawal talaga magsalita?”

 

Napatawa si Taiga sa narinig. “Oo, dapat hindi ka na rin huminga. Sana pati ‘yung ibang pinamili ko nilaglag mo na rin.”

 

Napakamot ng batok ang bisita niya sa condo habang hinahalo ang nilulutong instant noodles. “Hindi naman sadya.” 

 

The current intruder moved in his kitchen like it was his own. He set all the necessary utensils on the table.

 

“Sana nilutuan mo na rin ako.”

 

“Kanina pa kita sinesenyasan, ‘di ka naman sumagot,” anito. 

 

“Akala ko nagpapa-cute ka lang kanina.” 

 

“O e ‘di inamin mo rin na cute ako,” hinarap siya nito at kinindatan. “Baka mamaya crush mo na ako niyan ah.” 

 

Inirapan niya ito saka umupo sa dining niya. “Kahit ikaw naman talaga may crush sa’kin dati pa?” 

 

Hindi na sumagot ang bisita niya, tinawanan lang siya at ipinagpatuloy ang pagluluto ng instant noodles na agahan nito. 

 He opened his new game on his iPad habang hinihintay na matapos sa pagluluto ang bisita. As he waited for it load, sunod-sunod na naman ang notification galing sa whatsapp niya. 

 

Y&J Wedding Updates

 

Jesse

Good day, netizens! 

Update lang about sa tuxedo niyo

Almost done na lahat

But Hoks wanted you guys to fit it bago niya gawin ang mga final shits

If you’re free, please drop by his shop

Open daily 8AM to 6PM

By next week sana lahat nakapag-fit na

 

Shintaro

Alright. Ano muna ang mga final shits? Hehehehehe 

 

Jesse

Idk HAHAHAHA i didn’t ask

Hoks knows what he’s doing anyway

 

Shintaro

Hahahaha 

Pwede akong pumunta today. wala akong basketball. 

@Taiga, gusto mo sumabay? Tapos libre mo kong mami sa 999.

 

Taiga

Busy ako. 

 

Shintaro

Sabado ngayon. Wala ka namang jowa?

 

Yugo

Ante, wala kang jowa? Papaano ka naging busy?

 

Shintaro

HAHAHA apir, Koch!

 


Taiga

Ewan ko sa inyo mga panget! 

Plano ko maglaro buong araw

Okay na? 

Oo na, wala ng jowa kaya nga maglalaro lang ako. 

Okay na? Happy na kayo?

 

Jesse

May kilala rin akong walang jowa

 

Shintaro

Ayan na naman yan siya

 

Yugo

Ako rin may kilalang walang jowa ;)

 

Taiga

Paano ba mag-leave sa convo na ‘to?

 

●・○・●・○・●

 

Three weeks later…

 

Nothing eventful happened to Taiga after their team won in the national tournament. He works as a country manager of a professional esports team for Mobile Legends. They had a week of rest as a reward for everyone’s hard work and Taiga made sure he got himself ample rest. Hindi pa man kasi natatapos ang tournament ay nakatanggap na agad sila ng invitation para maging kalahok ng isang malaking world tournament na gaganapin sa ibang bansa. Processing all the documents needed would surely take most of his time. Bakit ba kasi ang hina ng pasaporte ng Pilipinas? 

 

Bumble 🐝

 

Busy ka?

 

Wala na akong pancit canton, please lang

 

Gago hahahaha hang out lang

 

Can’t today busy ako and di pa ako nakakauwi

Akala ko ba may lakad ka with your mom?

 

That’s why i sent you a message

Tinatamad ako sumama

Laro tayo 🥺

 

Napahinto si Taiga sa pagtipa ng ire-reply sa ka-chat. May brilliant idea siyang naisip. At ang brilliant idea? Yayain itong sumama sa kanya sa Divisoria. Sanay naman siyang mag-isa. Pero ewan ba niya, hindi niya gustong mag-isang humarap sa ex. Kailangan niya ng emotional support.

 

Tangina mo talaga. Bakit ini-stress mo ako? Isip-isip niya, a familiar face popped into his mind.

 

It’s just a tuxedo fitting. Nothing more, nothing less. Taiga shouldn’t be thinking too much like this. Ano naman kung ex ko ‘yung mananahi? Ex na nga ‘di ba? Remember, umasta siyang hindi ka niya maalala. And another thing, hindi ka man lang niya sinabay at iniwan ka mag-isa sa Manila. Just think of all the possible bad scenarios that could happen dahil naiwan ka mag-isa. 

 

The internal monologue inside his head was interrupted when he heard yet another whatsapp notification.

 

Y&J Wedding Updates

 

Yugo

Hoy gaga @Taiga

Ikaw na lang ang hindi pa bumibisita for fitting

Binanggit namin kay Hokuto na busy ka dahil sa work 

kaya pumayag na ihuli yung sayo

Kailan mo balak?

Taiga

 

Punta ako today

Umuwi ako ng Cainta e

 

Shintaro

Samahan kita? 

 

Yugo

Huwag na, Shin. Malaki na ‘yan si Taiga. 

Kaya niyang magbyahe mag-isa.

Kaya niyang maglakad mag-isa sa Divisoria.

Kaya niyang harapin ang nakaraan niya. 

 

Shintaro

Huh?

 

Jesse

HAHAHAHA BABE


Taiga

Sana makagat mo ‘yung pamintang buo sa kinakain mo @Yugo

No need, @Shintaro quick lang din ako doon

May need pa akong gawin after

 

Jesse

Busy ang defending champion ah

 

Taiga

Tangeks hahaha wala ako ambag sa laban nila

Manager lang ako

 

Shintaro

But you’re still part of the team. Give yourself some credit.

 

Taiga

Baliw haha

Kaya love na love ko talaga ‘tong si Shintaro e

 

Jesse

What if kayo na lang kaya? 

 

Shintaro

HAHAHAHAHAHA 

‘Pag may pinakilala na ba ako sa’yo, Jess, titigil ka na?

 

Yugo

Stop it, babe

‘Wag ang baby Shin ko kawawa lang siya. 

 

Taiga

Excuse me?????

 

Yugo

May iba akong kilala for Taiga. 



Jesse

No

Itong chicken ko na lang

 

Taiga

Anong chicken? 

 

Shintaro

Spicy chicken ba ‘yan? 

 

Taiga

Baka tinolang manok. 

Jesse

Chicken. Manok. 

Si Shintaro ang manok ko for Taiga

 

Yugo

BABE 

Mas ok itong irereto ko kay Taiga

 

Shintaro

Aba sino ‘yan? 

 

Yugo

For sure bet na bet ‘to ni Taiga

 

Jesse

Bakit bet ba ng chicken mo si Taiga? 

 

 

Taiga scoffed upon reading Jesse’s last chat. Excuse me lang, ha? Alam naman niya kung sino ang tinutukoy ng dalawa. Ever since that disastrous reunion with his ex, hindi na natigil si Yugo kakaasar sa kanya, suggesting rekindling his past relationship. 

 

‘Baka this is the universe telling you that you should get back together.’ 

 

‘Hindi ‘yon coincidence lang! Who would’ve thought na magkakilala pala sila ni Jesse?’

 

‘Beb, red string theory!’

 

But Taiga was, in fact, not in a romantic movie. After that night in Escolta, natanggap na ni Taiga na imposibleng bumalik sila sa dati ng pesteng ex . Not that he wanted to get back with him, ah. Kahit sana friendship lang, like how he and Yugo acted that night. They were once friends after all. Kaso wala, banas na banas talaga siya dito. 

 

He acted like he couldn’t remember his name? He couldn’t offer to drive him to the train station? He couldn’t be at least nice to him? E ‘di fine!

 

Taiga knew it was nonsense.  He totally knew it was. And a bad move even. Pero wala na siyang pakialam. His friends would call him petty pero inis na inis na talaga siya that night. Kuhang-kuha ng ex niya ang inis niya. While on his way home inside the fourth GrabCar that he booked, the only one who didn’t cancel, Taiga downloaded a dating app.

 

Hindi siya kilala ng ex niya? He denied him like that? Fine! Maybe that was his sign to look for love. Although Taiga doesn’t believe in finding love. Sa paniniwala niya, darating ‘yon at the right time. Pero inis na inis talaga siya.

 

 Sobrang petty. Shit talaga.

 

After a number of failed attempts, Taiga met Juri. He was the most decent guy he chatted with in the app. ‘Yung iba kasi more into hookups, may iba naman na simpleng nakakairita lang ang ugali and he was sure na hindi sila magkakasundo.

 

He and Juri hit it off instantly, both of them knew that they’d be great friends. Siguro dala na rin na pareho silang mahilig sa mga video games and they live in the same condo building. Isa pa, malinaw sa kanila na friendship lang ang kaya nilang i-offer sa isa’t isa–nothing more, nothing less.  

 

They usually hang out in each other’s place to play whatever games they feel at the moment. When they don’t like playing, they gossip about the latest “drama” in their condo GC. Hindi lang kasi online selling ang laman, pati na rin ang mga nagpaparinigang mga magkakapitbahay. Juri liked to leave comments to add fuel to the fire, and he was there behind him  cheering as he hit the send button. 

 

Minsan nga iniisip niya ay nakikikain na lang si Juri sa bahay niya. But he was not any better than him, lagi niyang ginagamit ang coffee station nito sa bahay para pag-ala barista. Oh, the amount of coffee he made and poured down the drain because of how awful it turned out.

 

See? Hindi lang landi ang makukuha sa dating app. Pati taong sasakay sa trip mo at dadayo para magluto ng instant noodle sa apartment mo during ungodly hours.

 

Bumble 🐝

 

Can’t talaga ako today

Alis ako for tuxedo fitting

And please, tama na kakakain ng instant noodles

Eat real food with your mom

 

After sending that reply to Juri, Taiga took a bath. Tama nga naman si Yugo, kaya niyang harapin ang ex niyang mag-isa. He didn’t need any support para hindi gumawa ng katangahan sa harapan nito. 

 

Right?

 

In no time, Taiga was again riding the LRT going to Recto. The same route he used to go through with his ex back when they were in college. Sabay sila lagi nitong pumasok. The guy would usually wait for him outside Santolan Station. Minsan sa loob ito naghihintay, usually tuwing monday dahil ito na ang bumibili ng Stored Value Card (na beep card na ngayon) for the both of them. That way, hindi na niya kailangan pang pumila at diresto na silang dalawa paakyat ng platform, the back of their hands touching as they walk side by side. Those were one of the moments he always looked forward to. 

 

Where did his nice and thoughtful ex go?

 

Taiga knew the answer, but he didn't need to go into that today.

 

●・○・●・○・●

 

168 Mall, Divisoria

 

Mala-waterfalls na naman ang pawis sa likod ni Taiga. Nakadama siya ng ginhawa nang makapasok sa loob ng 168. Kahit naman sobrang daming tao ang nasa loob ng mall na ‘yon, sapat ang lamig para maging kumportable ang mga mamimili. 

 

Agad niyang tinungo ang escalator paakyat kung nasaan ang pakay niya. He’d go for the elevator pero mas malapit kasi sa entrance ‘yung escalator. It wasn’t until he reached the 4th floor when he realized…that he couldn’t remember where the shop was. 

 

Bilang strong and independent siya, Taiga relied on his memory. Palatandaan niya ang mga pader nitong kulay pastel pink, that it was at the corner, the store in front of it sells toys for kids, and rows of massage chairs nearby. Kaso na-underestimate niya ang 168 mall. Sobrang dami palang wedding shops na may kaharap ng tindahan ng laruan! 

 

He was about to make a turn to another hallway when someone tapped his shoulder. Nalingunan niya ang isang pamilyar na lalaki.

 

“Juri!” 

 

“Sabi ko na ikaw ‘yung batang naliligaw eh,” anito at tinawanan siya. 

 

“Akala ko kasama mo nanay mo?” tanong niya dito. They were standing in the middle of the hallway kaya hinila niya ang kamay nito para gumilid silang dalawa. 

 

“Oo, nandoon siya sa suki niya. Bababa sana ako para kumain kaso nakita kita. Tapos ka na sa errands mo?” tanong nito.

 

Umiling siya. “Sabi mo nga, naliligaw. Naliligaw ako. Hindi ko mahanap ‘yung shop na pinuntahan ko last time.” 

 

Juri handed him a handkerchief from his pocket. “Punasan mo pawis mo, para kang nakipaghabulan sa mga snatchers sa Avenida.” 

 

Agad naman niya itong tinanggap at pinunasan ang noo at leeg niya. “Haggardo Versoza na ba?” 

 

“You still look good, don’t worry,”  nakangising sabi nito sa kanya. “ baka balikan ka pa ng ex mo.”

 

“Never again,” mabilis niiyang sagot. “‘di bale na lang. Hard pass. Big no.” 

 

“Huwag magsalita ng tapos. Hindi ka pa nga nakakamove on.” 

 

“Excuse me?” kinurot niya ang tagiliran nito. 

Juri was about to say something but was cut off when his phone started ringing. Nahagip ng mata niya ang caller ID nito, it was his mom calling. 

 

“Una na muna ako,” anito nang matapos ang tawag. “kailangan na ng nanay ko ang drayber slash kargador niya.” 

 

“Kargardor?” pinisil niya ang braso nito. “sa payat mong ‘yan?” 

 

“O, dahan-dahan sa hawak, baka bigla akong bumulagta dito,” nakangising sabi nito. Nakita niyang bumaling ang tingin nito sa bandang likuran niya pero kaagad din bumalik sa kanya. 

 

“Ang O A. Sige na, maging mabuting anak ka na sa nanay mo.” Tinulak niya dito patungo sa direksyon ng escalator. “Kita na lang tayo sa’tin.” 



Taiga watched Juri as he went down the escalator, waving his hand at him before they could no longer see each other. Muntik pa nga itong makabangga ng aleng nagbebenta ng bananacue dahil sa kanya nakatuon ang atensyon nito. 

 

With Juri gone, Taiga was back on his problem–the boutique’s location. Dala marahil ng mainit na panahon kaya nakakaramdam na siya ng pagod kaya minabuti na niyang humingi ng tulong. Agad niyang i-open ang cellphone. 

 




Y&J Wedding Updates

 

Yugo

@ Taiga, hanapin mo ‘yung pasilyo 4H-618

 

Taiga

Noted with thanks. 😘

 

 

 

Tumingala si Taiga para hanapin ang signages na nagkalat sa buong mall na ‘yon. Luckily, paliko na pala siya doon bago sila magkita ni Juri. Huminga ng malalim si Taiga bago naglakad patungo sa boutique. 

 

Kaya mo ‘to, Taiga. You're a grown-ass adult! 

 

It was full of customers–naroon ang iba’t ibang brides-to-be na nagsusukat ng mga wedding dresses kasama ang ilang mga kamag-anak marahil ng mga ito. May nakita pa siyang may-edad na babae na tinutukso ng mga kasama nito habang tinitignan ang isang bride-to-be na may suot na wedding gown. 

 

“O, mommy, ‘wag kang iiyak. Try-out pa lang ‘yan ni ate. Sa mismong kasal ka na mag-all out.” pang-aasar ng babaeng tingin niya ay teenager sa nanay nito na namamasa na ang mga mata.

 

Itong ganitong eksena ang pumawi sa takot ni Taiga sa mga mannequin na nakasuot ng mga traje de boda na hindi man nakakatakot sa iilan, pero nagbibigay ng kilabot sa kanya. Kasalanan ‘to ng Magandang Gabi Bayan.

 

Isa sa mga staff ang lumapit sa kanya. “Good afternoon, sir! Ano pong hanap nila?” 

 

“I’m looking for…” hinanap ni Taiga ang ex. Sobrang daming customers na nasa loob ng shop, and even then, Taiga was able to spot him instantly. Probably because he stood tall among them. “...him! Kailangan ko daw i-fit ‘yung tuxedo bago tapusin?”

 

“Kayo po ba ang ikakasal?” tanong ng staff.

 

“No. The name must be under Yugo Kochi or Jesse Lewis. Taiga ang pangalan ko.” 



“Okay, sir. Balikan ko po kayo. Upo po muna kayo.” Iminuwestra nito ang couch sa likuran niya. He hesitated whether he’d take a seat or not. Kung maaari lang may makaalis siya agad-agad. Hindi siya pwedeng makampante dahil baka kung ano pa ang makita niya. Malabo mang mangyari, pero hindi imposible.

 

 But the instant relief he felt as the softness of the cushion embraced his body, Taiga didn’t mind staying a little longer. 

 

Pinagmasdan niya ang paligid niya. Sobrang laki ng tindahan kumpara sa mga katabi nito. Tinitignan niya ang mga uniformed staff. No one looked familiar. Pwede na kayang makahinga nang maluwag si Taiga? 

 

Iginala niyang muli ang tingin. Sobrang gaganda ng mga gowns na nakadisplay. May mga wedding gowns, long gowns, marami ring suits ang nakasampay sa isang mahabang rack na malapit sa kanya. Taiga wanted to walk towards them and ran his fingers through its fabric. 

 

Imbyerna man siya sa ex niya, alam niyang genuine ang kasiyahan na nararamdaman niya para dito. Fashion designing was just a pastime for his ex back when they were younger. Naalala pa niya nahihiya pa ito bago ipakita sa kanya ang isa sa mga sketchbooks nito. He thought that Taiga wouldn’t appreciate it or worse, baka raw pagtawanan o maliitin niya. 

 

“Ganon ba ako kababaw sa paningin mo?”

 

“Hindi naman. Pero kasi–”

 

“Can I see them? Pretty please?”

 

Hindi natapos ang araw at pumayag din ito na ipakita sa kanya ang mga sketches. He wasn’t really interested in fashion, as long as kumportable, ayos na ‘yon sa kanya. His ex was the first person he met who was really into clothing.  Taiga loved how his eyes glowed as he told him things about each sketch. As they reached the last page of that sketchbook, Taiga was already imagining the day that his designs would be popular and displayed in a boutique. That day, sure na sure na siyang hindi na simpleng kasabay sa LRT si Hokuto. 

 

Liking Hokuto was easy for Taiga, as easy as 1-2-3. Who wouldn’t like the guy? Caring, genuine, passionate. Taiga could write all things he like about Hokuto at sure siyang masasaid ang bokabularyo niya. Hokuto was always there for him. 

 

Syempre, hindi siya papatalo. Dapat kaya niyang pantayan o daigin. Ganoon siya ka-competitive. Noong una, ayaw niya lang talagang magkaroon ng utang na loob sa tao. The thought that he owed someone something didn’t sit right with him.

 

Ito ang pumila para bumili ng Stored Value Card nila sa LRT habang nasa biyahe pa lang siya? Bibilhan niya ito ng breakfast sa Mcdonald’s drive-thru.

Sinamahan siya nito habang hinihintay niya ang sundo niya sa Santolan? Bibili siya ng adobong mani mula sa nagbebenta na nakatambay sa pilahan ng jeep sa labas ng istasyon. 

 

Naghintay ito sa kanya ng ilang oras para sabay silang uuwi? Yayayain niya itong kumain bago umuwi. Minsan bumababa sila Araneta Station para kumain sa Gateway, or kung maraming kailangan asikasuhin, sa mga food stalls ng Santolan Station na lang.

 

Taiga made sure to reciprocate everything Hokuto did for him through food, because that was how he made friends ever since. Until he was doing things beyond his own limitations. He couldn’t last a day without seeing him. Ni hindi nga sila magkaklase nito. Taiga was a MassCom student, while Hokuto was an engineering student. They met each other through a common friend who shifted from engineering to MassCom. Madalas silang mag-hang out kasama ang senior nila na ‘yon, until sila-sila na lang tatlo nina Yugo. Hanggang sa silang dalawa na lang madalas ang magkasama. Taiga loved hanging out with him.

 

At first, he thought na pumapantay na ang lebel nito kay Yugo sa buhay niya. Possible kaya na dalawa ang best friend niya? 

 

But would you go the extra mile to see your best friend just because? Siguro. 

 

Is it right to have a strong desire to hold your best friend’s hand? Siguro. 

 

Do best friends catch each other staring and won’t look away until they are grinning like fools? Siguro…hindi. 

 

Because that wasn’t his case with Yugo. He kept comparing his relationship with Yugo and with Hokuto. He kept on comparing until it hit him–he likes him romantically. 

 

In love siya dito. Kasi nga, it was so easy for him to like the guy. One evening, while Taiga waved his hands to Hokuto as the car that fetched him drove away, he wished that Hokuto could do it too. Sana magustuhan rin siya nito. 

 

May shooting star ata nang gabing ‘yon dahil natupad ang wish niya.

 

“Tingin mo ba may bibili ng gown ‘pag ako ang nag-design?”  Nasa LRT Recto sila noon, naghihintay sa train na magdadala sa kanila pauwi sa Santolan Station. “Wala lang, naisip ko lang magsabi kay mama para ilagay niya sa tindahan.”

 

“Of course, love!” Napapalakpak pa siya dala ng biglaang excitement. “Anong gown ba gagawin mo? Gusto ko ‘yung gown na pinakita mo sa’kin last week, ‘yung color pink. Perfect ‘yon para sa sagala sa summer.”

 

Taiga loved seeing the smile on Hokuto’s face. Ibinalita nito sa kanya na pumayag ang nanay nito na mag-design siya para sa mga ibebenta nilang gowns para sa nalalapit na Santacruzan season. Madalas ay tuwing gabi na lang sila nakapapag-text sa isa’t isa dahil tumutulong ito sa maliit na tindahan nila sa Divisoria

 

One sweaty summer night in May, tumawag ito para sabihin sa kanya na sold out lahat ng nagawa nilang gowns. Marami daw silang naging customers at talagang nagustuhan ang mga gawa nila. Taiga was so elated hearing how happy Hokuto was. Sana lagi niyang nakikita na masaya ito.

 

But he didn’t know that he was asking for too much.

 

“Sir Taiga,” pukaw ng staff sa atensyon niya. “pahintay na lang daw po saglit si bossing, siya daw po ang kakausap sa inyo. Tapusin niya lang daw po muna ‘yung naunang customer.”

 

“Sure.” 

 

Wala namang kaso kay Taiga kung maghintay siya habang inaasikaso ng ex niya ang naunang customer. Ika nga, first come, first serve. Hindi naman pwede na dahil lang para sa kasal ng best friend nito ang mga damit ay magkakaroon na siya ng special treatment. Wala rin namang VIP lane para sa ex na tulad niya. Kaso kasi… tumanggap ng isa pang customer si Hokuto pagkatapos nito sa isa… hanggang sa may dumating pa uli… at isa pa. 

 

What the heck, nananadya ba ‘to?

 

The staff who talked to him earlier had been giving him apologetic smiles from time to time. He was kind enough to offer him something to drink. 

 

Hindi tulad ng boss nito, sa isip-isip niya ay dino-drawing-an na niya ng sungay ang ibabaw ng ulo ng ex.

 

The said spawn of the devil was still with another bride-to-be, who was getting a little bit flirty. Hindi nakatakas sa mata niya ang simpleng paghawak nito sa braso ng ex niya. Pati ang paghagikgik nito sa bawat papuring lumalabas sa bibig ng ex.

 

Hala sige, maglandian kayo habang hindi pa siya humaharap kay Lord para manumpa ng forever sa ibang tao.

 

Iniwas na lang niya ang tingin sa mga ito at napadako ang mata sa wall clock. Pasado alas dos pa lang ng hapon. Maaga pa, kaso kasi sabado, may pasok pa ang mga nasa kolehiyo. Baka siksikan sa LRT kung aabutin man siya ng ilang oras. Taiga was considering going home and to just come back at another time. Kaso ang layo kasi talaga ng Divisoria mula sa Rizal. 

 

Ibinaling na lang ni Taiga ang atensyon sa cellphone at inabala ang sarili sa paglalaro ng ML kaysa mainis sa eksenang nakikita niya. Hindi niya mabilang kung naka-ilang laro siya. Tinawagan pa nga siya ng kauuwi lang na si Juri sa Discord habang magka-duo sila hanggang sa kinailangan na nitong magpaalam. 

 

“Sir Taiga,” nilapitan na naman siya ng staff, “pinapasabi po ni bossing na hindi pa daw po nagagawa ‘yung tuxedo niyo.”

 

“Ha?” medyo napalakas ang boses ni Taiga, napaatras ang staff ng tindahan. Inilibot  niya ang tingin sa shop. Wala ng mga customers. Tanaw rin niya na nagliligpit na ang tindahan na katapat nito. Pero ang pinakaimportante sa lahat, hindi niya makita ang lintek na ex. “nasaan siya?” 

 

“Ano po eh,” napangiwi ang pobreng kausap. He looked so scared, pero mas nangibabaw ang inis niya. “umalis na po. Pero ang bilin niya po, balik na lang daw po kayo sa susunod na sabado o kung kailan po kayo available next week.”

 

Hindi na niya masyadong inintindi ang mga sinabi sa kanya. Four hours. Four. Freaking. Hours. Apat na oras ng sabado niya ang nasayang. 

 

Nananadya ang gago.

 

●・○・●・○・●

 

 

Cainta, Rizal

 

“O bakit umuusok ilong niyan?” 

 

Inismiran ni Taiga si Shintaro na may dalang bote ng 1.5 litro ng coke. Umupo sa tapat niya.

 

“Napagtripan siya sa Divisoria eh,” sagot ni Yugo habang sinasalinan ng coke ang baso nilang tatlo. 

 

“Ano? Gago! nasaktan ka ba? Ni-report mo ba sa pulis?” Napalakas ang boses ni Shintaro, nakalaban pa ‘yon sa sound system ng maliit na kainan na pagmamay-ari ng tita nito, ang Goto-Stop . Nahiya siya nang magtinginan sa mesa nila ang ilang staff ng kainan. 

 

“Kumalma ka nga,” saway niya sa kaibigan. Binalingan niya pagkatapos si Yugo na enjoy na enjoy sa sizzling burger steak meal nito, “ayusin mo nga words mo, please. Hindi ka nakakatulong e.”

 

“E sa totoo naman,” pangangatwiran nito. “pinag-trip-an ka naman talaga sa Divisoria.” Tumigil ito saglit bago tumawa naman. Mas lalo siyang nainis sa kaibigan kaya naman lahat ng luya na nasa goto niya ay sinalin niya sa mangkok nito. 

 

“Sana pinapaliwanag niyo sa’kin nangyari ano?” ani Shintaro, hindi nito matapos-tapos ang pagbabalat ng nilagang itlog. “nag-aalala ‘yung tao.” 

 

“Eto ka na nga, baby Shin,” panimula ni Yugo. His friend leaned forward as if he was about to tell the juiciest gossip in town. Paka-OA. He let his best friend talk, occasionally intervening. Hindi naman niya tinatago na may ex siya before. Sadyang hindi lang niya gustong pag-usapan. 

 

“So ex mo si Hokuto, na kababata ni Jesse?” tanong nito sa kanya bago bumaling kay Yugo. “tapos hindi mo alam na magkaibigan si Hokuto at Jesse?”

 

“Yup! Very good ka dyan sa take away mo. Best at listening. Gusto mo ng award?”

 

“Kung magkakaibigan kayong tatlo nung college, eh bakit hindi mo alam na si Hokuto kababata ng jowa mo?” salubong ang mga kilay nito dala ng pagtataka. 

 

“Nakukwento naman niya si Hoks before. Ilang beses sila nag-try na magkita kaso–"

 

“Wala ba kayong show and tell ng pictures ng kaibigan ng isa’t isa?”

 

“Duh?” Yugo scoffed. “ano gusto mo, may powerpoint presentation?”

 

“Parte kasi ‘yun ng getting-to-know-each-other portion!” singit niya. “not necessarily the powerpoint thing, okay.”

 

“Ano ‘yon, nagkakantu–” 

 

Bago pa matapos ni Shintaro ang sasabihin, sinubuan niya agad ito ng goto. “Bibig mo nga.”

 

Shintaro just swatted his hand away and went back to Yugo. “Tangina, puro sex lang ata kayo, hindi niyo na kinilala isa’t isa. Imposibleng hindi mo nakita si Hokuto sa mga pictures ng barkada ni Jesse.”

 

“Exactly!” he excessively waved his hand that was holding the spoon to point at Yugo. “feeling ko talaga accessory to the crime ka. Alam mong siya ‘yung best friend ni Jesse. Kaya siya ‘yung kinuha niyo para sa kasal n’yo!”

 

“Teka, bakit parang ako na ‘yung kalaban? Ang mga nakaupo sa gobyerno ang tunay na kalaban.” napahawak pa ito sa dibdib. “saka ano namang makukuha ko kung magkita kayo ni Hokuto?”

 

That shut him up. Ano nga ba? To make fun of him? Parang imposible…malabo.

 

“Taiga, my bestie,” lumapit ito para ipalibot ang braso sa balikat niya. “kahit ikaw pa ang best friend ko, naging kaibigan ko rin si Hokuto. Why would I intentionally let him meet the person who broke his heart?”

 

“Gago, seryoso na.” Shintaro turned to one of the staff. “ate, maglabas ka nga ng dalawang Red Horse.”

 

“Kuya Shin naman, walang alak dito.” hagikgik ng staff. 

 

After finishing their dinner, dumiretso sila sa bahay ng pamilya ni Shintaro. Katabi lang ‘yon ng gotohan ng tita nito. Nakasanayan nila noon na kumain dito every once in a while para mag-catch up. Hanggang sa isa isa na silang umalis ng Cainta. Si Yugo kumuha ng apartment sa QC, malapit sa kung saan ito nagtatrabaho. Si Shintaro naman sa Malate nang matanggap ito sa BSP. Habang siya naman ay kumuha ng condo sa Pasig (na ten-minute drive lang sa bahay nila sa Cainta). 

 

Wala sa plano niya ang pag-uwi sa Cainta. Wala naman kasi siyang gagawin sa bahay nila, ni wala nga ang parents niya dahil umuwi ang mga ito sa probinsya. Sadyang inis na inis lang siya at kailangan niyang ilabas ito kaya nang mabasa sa GC nilang tatlo na nasa Cainta ang mga kaibigan, doon na siya dumiretso.  

 

“Sinadya mo ba talagang kunin si Hokuto para sa kasal n’yo?”

 

“Tangeks, hindi nga.”

 

“Umamin ka na sa’kin.”

 

“Hindi ko talaga alam na si Hokuto ‘yung kinuhang tailor ni Jesse.”

“Huwag kang magsinungaling sa’kin. Sige na, sabihin mo na ang totoo. Habang wala si Taiga.”

 

“Tangina n’yo, naririnig ko kayo,” aniya sa dalawang kaibigan na nasa nakakumpol sa computer table ni Shintaro habang siya ay nakahiga sa kama ng kaibigan. 

 

“Ay, may tenga ka pala,” ani Yugo habang patawa-tawa. Kumuha pa ito ng inumin sa mallit na fridge. 

They used to spend their weekends together in Shintaro’s room gossiping over video games and nice food. Mas gusto nila sa bahay nito dahil mas maraming options ng pagkain na malapit.

 

All three of them went to the same high school together, nasa lower batch lang si Shintaro. Kasama siya Photography club at doon niya nakilala ang napakakulit at madalas pagalitan ng club moderator na si Shintaro. They weren’t really friends, pero nagkakatanguan silang dalawa ‘pag nagkakasalubong sa school. 

 

The start of their friendship was after college. Bilang parehas silang office worker, sitting in front of a computer for almost eight hours a day, Yugo decided to start their fitness journey. Taiga wasn’t able to refuse  since Yugo wouldn’t take ‘no’ for an answer. Jogging ang napili nito bilang simula. As they try to complete their first lap around their village, with more rests than moving in between, nakasalubong nila noon si Shintaro, kasama ang lola nito. His grandmother was so delighted to know Shintaro’s “friends” so she invited them over to their house at pinakain sila ng leche flan. Ang pinakamasarap na leche flan na natikman niya his entire life. 

 

Sobrang bait ni Lola Vicky. Hindi niya alam ang pakiramdam ng may lola. Maaga kasing naulila ang mga magulang niya, kaya siguro naging ka-close niya agad ito. Tuwing may okasyon ay nagpapadala ito ng leche flan, na madalas ikainis ni Shintaro dahil ito ang palaging nauutusan. 

 

“Kinaibigan nyo lang talaga ako dahil sa leche flan eh,” minsang nasabi ni Shintaro, may bahid na tampo ang boses nito. 

 

“Finally, na-gets mo rin!” sagot naman nila ni Yugo. 

 

Their relationship with Lola Vicky was short-lived when her illness won. Nangako pa naman ito na ituturo sa kanya ang recipe ng pangmalakasang leche flan, na hindi nito tinuro kahit sa mga mismong mga anak at apo. He felt like the favorite grandchild he never was. 

 

Cut to: five years later. 

 

For years, nagtulong-tulong ang mga anak ni Lola Vicky para i-recreate ang leche flan nito. Until nakuha ng bunsong anak, ang tita ni Shintaro ang timpla na halos kalasa ng orihinal. Isinama nito sa menu ng Goto-Stop ang pinakamamahal nilang leche flan. Syempre, iba pa rin ang timpla ni Lola Vicky, pero pwede na. 

 

“Manlibre ka naman ng leche flan, Shin,” lambing ni Yugo. “naghahanap ng matamis dila ko.” 

 

“Ako tsimis ang hanap ko.” Tumabi ito sa kanya sa kama. “Bakit kayo naghiwalay ni Hokuto?”

 

Yugo scoffed, still sitting on Shintaro’s gaming chair. “Mas abot-kamay natin ang leche flan kaysa malaman dahilan ng break-up nila.”

 

“Hindi mo alam?” tanong nito kay Shintaro. “ngayon malalaman mo na kasi sasabihin na ni Taiga.”

 

“Desisyon ka? Sobrang tagal na non,” marahan niyang pinitik ang noo nito.

 

“The mind forgets, but the heart always remembers,” sagot nito sa kanya. “nabasa ko ‘yan sa post ni Aling Myrna sa facebook kanina.”

 

“Context?” tanong niya. “at bakit friends kayo ng tsimosa nating kapitbahay?”

 

“Birds of the same feather are facebook friends together.” 

 

“Puta, ang daming commercial!” angil ni Yugo, binato pa silang dalawa nito ng nadampot na Piattos. “Taiga, I guess it’s time para ikwento kung bakit kayo nagbreak? Sabi mo nga, ang tagal na.”

 

“Nakalimutan ko na e.” 

 

“Sinungaling!” sabay na sabi ng mga kaibigan. 

 

“Hindi mo pa nga nakakalimutan ‘yung utang ko sa’yong dos noong high school e,” sabi ni Shintaro. “tangina, dos na lang, hindi mo pa ako patahimikin. Huwag kang tatawa-tawa dyan, Yugo. ‘Yung inutang mo sa kanyang pambili ng yosi, hindi mo pa bayad.”

 

“Hoy, binayaran ko na ‘yon!” 

 

“Yosi lang binarayan mo. Hindi ka pa bayad sa binili mong Maxx.”

 

All three of them burst into laughter. Exactly what he needed after his exhausting trip to Divisoria. Taiga was trying not to get emotional about the whole thing, pero talagang sinusubok siya ng ex niya.

 

“Yugo, pwede bang ikaw na lang kumuha ng tuxedo ko sa Divisoria?”

 

“At bakit ako? Busy akong tao.”

 

“Anong akala mo sa’kin, hindi busy?” inismiran niya ang kaibigan. “What if, ikaw na lang kaya Shin? Mas malapit naman apartment mo sa Divisoria?

 

“Anong akala mo sa’kin, hindi busy?” panggagaya nito sa kanya. Kuhang-kuha nito ang tono niya, OA lang.  “Saka hindi pa tapos ‘yung damit mo ‘di ba?”

 

“Ang gago talaga, akala ko ba, tapos na lahat, check tapos kukunin na lang?” tanong niya kay Yugo.

 

“Si Jesse nagsabi, wala akong alam.” 

 

“Wala kang kwenta,” inismiran niya ito at bumaling muli kay Shintaro. “dali na, Shin. Kakalimutan ko ang utang mong dos, basta kunin mo ‘yung damit ko sa Divi.” 

 

Agad na tumayo ang kaibigan mula sa pagkakahilig sa tyan niya. Hindi ito nagsalita at agad na dumiretso sa drawer nito. May kung ano itong kinakalkal doon at agad na bumalik sa tabi niya. Inabutan siya nito ng sampung bentsingko. 

 

“O ayan, bayad na ako. With interest na ‘yan, baka may masabi ka pa.”

 

“Wow ha, lagpas isang dekada utang mo sa’kin, tapos 50 cents lang ‘yung tinubong interest?” 

 

“At least, tumubo.” kibit-balikat nito. “Bakit kami pinapakuha mo ng damit? Paano kung may adjustments pang kailangan sa isusuot mo? Ayaw mo bang masilayan ang ex mo? Pogi-pogi ng ex mo o.” 

 

Napapalatak na lang siya. “Nahahawa ka na kay Yugo, Shin. Tigilan mo na kakasama sa kanya.” 

 

“Crush na crush niyan si Hokuto nung college.” 

 

“Excuse me?” pinanlakihan niya ng mata si Yugo.

 

“Bakit, totoo naman? Akala mo ‘di ko nakikita noon ‘pag kinikilig ka sa kanya? Kaumay, beb!”

 

“Patingin nga ng kilig.” kantyaw ni Shintaro. His friend even poked his side fully knowing he was ticklish. 

 

“Huwag kang mag-alala, beb. It’s a tie. Kinikilig din si Hokuto sa’yo noon.” 

 

What was he supposed to do with that information? He tried to maintain a straight face. Hindi niya gusto ang naging takbo ng usapan nila. He must divert the conversation. HIndi pa siya handa na ikuwento ang lahat. 

 

Time heals all wounds, ani munting tinig sa isip niya. 

 

What was he  even afraid of? Nangyari naman na. They broke up a few months after their college graduation. Ilang taon na rin naman, naka-ilang palit na nga ng presidente. Masasabi naman niyang naging successful sila pareho. His ex has his own shop now, doing what he loves.

 

Kamusta kaya ang naging buhay nito? Taiga quickly brushed off his thoughts. Hindi niya gustong malaman. Hindi pa siya handang malaman. Sumasakit lang ang ulo niya dahil sa mga pag-alala ng mga nangyari. 

 

His phone beeped loudly, a Whatsapp notification. Saved by the bell.  It was a message from Juri.

 

 

Bumble 🐝

 

Kauwi ka na? Akyat na ako dyan. 

 

 

Hindi pa man siya nakakapag-isip ng isasagot kay Juri ay nahablot na ni Shintaro ang cellphone niya. Taiga tried to retrieve his phone back. Pero mas mabilis sa kanya si Shintaro. Agad itong tumayo mula sa pagkakahiga at tumabi kay Yugo. 

 

“Gago, may ka-chatmate si Taiga!” 

 

“Bumble?” tinignan siya ni Yugo. “Gago, nag-Bumble ka?” 

 

“Mga tanga, kahit Whatsapp ‘yan?” sagot niya sa mga ito. “Give me back my phone.”

 

“No.” sabay na sagot ng dalawa, tutok ang atensyon ng mga ito sa cellphone niya. 

 

“Tanginang pagkakaibigan ‘to, walang privacy.”

 

“Talaga,” sagot ni Yugo. 

 

“Remember, sabay-sabay tayong nagpatuling tatlo,” ani Shintaro.

 

“O, tapos?”

 

 “Ang haba na ng usapan nila,” komento ni Shintaro, totally ignoring him habang patuloy ang pag-swipe ng daliri nito, tingin niya para mag-backread. 

 

“Di nga, nag-download ka ng Bumble?” usisa ni Yugo, totally ignoring his phone as Shintaro continued to scroll his way to reach the start of his conversation with Juri. 

 

“Look at his name, may katabing bubuyog. Bumblebee! Hindi n’yo ba alam ‘yon?” 

 

“You suck at lying,” Yugo scoffed at him. “para kang nililitis diyan sa pwesto mo.”

 

“E ano bang ginagawa n’yo sa ‘kin?” 

 

“So totoo nga!” hiyaw ni Shintaro. “Hindi ko alam kung mapa-proud ba ako na nagkaroon ka ng interes makipag-date o kabahan para sa’yo kasi nagkaroon ka ng interes makipag-date. Paano kung masamang tao pala makilala mo sa dating app?”

 

“Awat na, tatay Shintaro.” Yugo rolled his eyes. “Tingin ko matagal na silang magkausap, pinapapasok na niya sa condo niya. Tigilan mo na kaka-scroll, baka may makita ka pang ‘di mo dapat makita.”

 

“Gago ka!”

 

Shintaro was quick to return his phone back to him. He typed a quick reply.

 

“Kailan pa?” tanong ni Yugo. Yugo didn’t sound mad at him. Hindi rin ito tunog na kinukutya siya for meeting someone through a dating app when he swore to never use one. Yugo just sounded curious, as he should be. 

 

“Not too long ago.” tipid na sagot niya. 

 

“Are you two dating?” tanong naman ni Shintaro. Umiling siya bilang sagot. 

 

“Sure?” tanong naman ni Yugo. “Kaibigan mo kami, you don’t have to lie to us. Gusto naming makilatis ‘yan kung nagde-date kayo.”

 

Tumango-tango pa si Shintaro bilang pagsang-ayon. “Dapat papasa sa’min ‘yan.”

 

“Do I look like I’m lying?” Umiling si Yugo at nginitian siya. “Oo, nagkakilala kami sa bumble. We clicked. He’s nice, but we established that we’re both not looking for a relationship.”

 

“Ay, walang pag-asa? Panget ‘no? O mas pogi lang talaga si Hokuto?” sunod-sunod na tanong ni Shintaro. 

 

Taiga groaned in defeat. 

 

The three of them spent more time, siya ang bunot para sa gabing ‘yon. Kahit ilang beses niyang sabihin na magkaibigan lang sila ni Juri, ayaw maniwala ni Shintaro. Yugo, on the other hand, believed him pero mas gusto talaga siya nitong asarin kaya ginagatungan pa si Shintaro. 

 

Alasdiyes ng gabi nang hinatid na sila ni Shintaro sa kani-kanilang bahay. Naunang bumaba si Yugo, mas malayo kasi ang bahay niya mula kina Shintaro. 

 

“Ang hassle talaga mag-drive dito sa street n’yo,” komento ng kaibigan pagkaliko sa street kung nasaan ang bahay nila.

“Ibaba mo na kasi ako dito, mahihirapan ka lang makalabas. Alam mo namang maraming bobong mahilig mag-double parking dito sa street namin e.”

 

Naks ! Alam ang double parking. May natutunan ka naman pala sa driving school.” 

 

“Siraulo.” 

 

The car stopped upon reaching their house. Tanging mga ilaw lang sa maliit na garden nila ang bukas.

 

“Irereklamo ko talaga ‘yang mga kapitbahay mo kay Aling Myrna.” Tinignan nito ang mga nadaan nilang mga sasakyan mula sa side mirror. Maliban kasi sa pagiging presidente ng mga mosang sa village nila, si Aling Myrna rin ang presidente ng homeowner’s association. Kaya talaga updated ‘yon lagi sa latest tsismis.

 

“Eh mga ka-zumba ladies ‘yan ni Aling Myrna. ‘Wag ka nang mag-aksaya ng energy.”

 

“Sama na lang ako sa Zumba para i-close si Aling Myrna.” 

 

“E’di kinilig si Aling Myrna. Crush na crush ka pa naman non.” 

 

Nagusot ang mukha ni Shintaro kaya naman natawa siya nang malakas. “O siya, good night na.”

 

Bago pa siya tuluyang makapasok sa bahay nila, tinawag siya ni Shintaro. “Mas pogi si Hokuto kaysa sa ka-bumble mo ‘no?”

 

Taiga didn’t answer and instead raised his middle finger. Shintaro’s roaring laughter got lost as his friend drove away. Kakahiya sa mga kapitbahay. 

 

As he settled himself on his bed after doing his routine for the night, Taiga opened his phone. Balak na niyang magpaantok kaya naman bubuksan na sana niya ang Tiktok app nang lumabas ang isang Messenger notification. Kumabog ang dibdib niya nang mabasa ang pangalan ng nagsend sa kanya ng mensahe. Na-unblock na pala siya.

 

Hokuto Matsumura

 

6:15PM

 

(Hokuto unsent a message)

 

Wrong send.

 

11:11PM

 

You can visit the shop next weekend if you’re free for your tuxedo.

Please send a message a day before.

Thank you. 

 

 

“O tapos ang formal mo makipag-usap ngayon pero napaka-unprofessional mo kanina.” Tinignan niya ang cellphone na para bang kaharap niya mismo ang ex. Sa inis niya ay pinindot niya ang ‘like’ button bilang reply. He made sure to press a little longer para ang pinakamalaking ‘like’ ang mai-send niya. 

 

●・○・●・○・●

 

Y&J Wedding Updates



Jesse

@Taiga, kailan ka makakapunta sa Divisoria?

I think your tux is good na for fitting

 

Taiga

Sabi mo rin yan last time

Tapos pagdating ko hindi pa nagagawa

Take note, sakin na lang ang di pa gawa



Jesse

I Swear This Time I Mean it by Mayday Parade

 

Taiga

May trust issue ako kaya kayo na lang kumuha

 

Yugo

Tanga ka paano kung kailangan ng adjustment

 

Shintaro

Medyo napaparami pa naman ang kain mo latetly.

Kita ko kahapon sa IG nag-buffet kayo ng team mo.

 

Taiga

Magsusukat na lang ako ng sarili ko para updated ang measurement



Jesse

Do you know how to do it?

 

Yugo

nag-part time ‘yan dati sa patahian 



Jesse

Puntahan ka na lang daw ni Hokuto sa bootcamp n’yo. 

 

Taiga

‘Wag na. Punta ako mamaya.

 

 

“Sinong kaaway mo?”

 

Inalis ni Taiga ang atensyon niya sa cellphone at tinignan ang kasama. Nakataas ang kilay ni Juri sa kanya habang patuloy lang ito sa pagkain. Niyaya siya nito ng lunch, nabanggit niya kasi the night before na mag-aasikaso siya ng visa ng mga players niya para sa tournament na sasalihan nila sa Europe. Bilang sa Makati ito nagtatrabaho, they met up after he was done with visa processing. 

 

“Ah, wala naman,” sagot niya at sinimulan ang lunch. “Wait, can I rant?”

 

Muntik na niyang bawiin ang sinabi niya kay Juri. Wala pa ata sila sa ganoong level ng friendship kung saan mag-uusap sila ng personal na bagay. Like  too personal matters. Pero pakiramdam ni Taiga ay hindi siya makakapag-function for the day, at sa mga susunod pang bukas kung hahayaan niya lang ang mga nasa isip niyang mabulok sa utak niya. 

 

“Sure.” Juri gave him a small smile, as if telling him that he can be trusted. 

 

“Ayokong bumalik ng Divi.” he said.

 

Juri looked at him intently, and there was a pause that filled the air. “Okay,” His new friend said, and continued eating.

 

“‘Yun lang?” Taiga scoffed. 

 

“E ano ba?” tanong nito, natatawa.

 

Taiga groaned, putting the utensils down the table to massage the sides of his head. “Naiinis ako, hindi naman ako ‘yung ikakasal pero ako ‘yung nai-stress sa kasal na ‘to. Hindi naman ako makapagreklamo kasi hindi ko nga naman ‘to kasal.” 

 

“Ayaw mo non? Patikim na ‘yan para kapag ikaw naman ‘yung ikakasal.” 

 

“Oh please,” Taiga groaned. “Wala ‘yan sa plano ko.” 

 

Juri already knew about Yugo’s wedding and that his ex would be making all the gowns and tux.. Wala na rin kasi silang mapagkwentuhan habang naglalaro sila. Natapos na rin kasi ‘yung “drama” na sinusubaybayan nilang dalawa sa GC ng mga condo owners sa lugar nila.

 

“Bakit ka naiinis?”

 

“Kasi ang hassle magpabalik-balik sa Divi tapos hindi naman pala tapos ‘yung susuotin ko. Tapos ang nakakainis pa sa lahat, akin na lang ‘yung hindi pa tapos! Kaya nakakayamot talaga.”

 

Juri snorted, “tapos na ‘yung sa iba? Aba, galit ata sa’yo ex mo.”

 

“Ginagalit niya na rin ako,” pinagkrus niya ang mga braso sa kanyang dibdib, “isipin mo nung last time akong pumunta, pinaghintay niya ako ng ilang oras only to tell me na hindi pa pala nagagawa ‘yung sa ‘kin. Ni hindi pa nga siya ‘yung kumausap. He wasted my time!” 

 

“O kung natagalan pala, bakit hindi ka agad umalis? Napaka-mainipin mo pa naman.”

 

“Kasi nga, ang layo ng byahe ko from bahay to Divi. Gustuhin ko man umalis, ayoko naman magpabalik-balik.”

 

Tumang-tango si Juri pagkarinig ng sagot niya,  parang hindi nasiyahan. After a while nagsalita uli ito. “May tanong ako, Taiga. Anong nararamdaman mo with seeing your ex after so many years?” 

 

“Nothing,” he quickly replied. Nginisian tuloy siya ng kaharap. 

 

“Talaga? Sabi kaya nila, you never really stop loving someone.” Nag-taas-baba pa ang kilay nito, nang-aasar. 

 

“Ano ka dyan? Love expert?” 

 

“Tangina,” Juri chuckled, “pwede mo namang i-admit na affected ka pa rin sa ex mo.”

 

Napasinghap siya. “Hindi kaya. Inis ako kasi sinasayang niya ‘yung oras ko para sa tux. Alam mo namang busy ako, malapit na ‘yung lipad ng team ko pa-Romania. Napaka-unprofessional nung ginawa niya sa’kin. He told the grooms na patapos na, when in fact hindi pa pala. He could’ve been honest. Kaya ayoko na sana pumunta pa ng Divi. Hindi naman hassle ‘yung byahe, lalo na para naman sa wedding ng best friend ko. Gusto ko nga ‘yung nagko-commute ako. Nakakairita lang kung magpagti-trip-an na naman ako.”

 

“Naiinis ka ba kasi ang hassle para sa’yo ng pagiging unprofessional niya? O naiinis ka kasi makikita mo siya?”

 

“What’s the difference? Parehas namang siya.”

 

“Tingin ko kasi, mas ayaw mo siyang makita. Tingin ko ah, from my perspective, this has something to do with your breakup years ago. TIngin ko, affected ka pa rin sa nangyari sa inyo dati.

 

Napaawang ang bibig niya dahil sa mga narinig mula kay Juri. “We were a thing, like a hundred years ago. What makes you think na affected pa rin ako sa kanya?”

 

“Ako,” Juri said, pointing at himself with an annoying smirk on his lips. “ako ‘yung patunay na affected ka pa rin sa kanya.” 

 

“Ha?”

 

“Hindi ka naman magba-Bumble kung hindi dahil sa kanya e,” Juri said matter-of-factly, “mukha kasing gusto mong patunayan na you’re in a better place. Na you’ve already moved on. Hindi ko alam kung gusto mo bang ipakita ‘yon sa ex o pinipilit mo lang sarili mo.” 

 

“Ano bang pinagsasabi mo dyan? Hindi ko ma- gets kung ano ‘yung gusto mong ipunto? Okay ka lang ba?” 

 

“Ilang buwan pa lang kitang kilala, pero ramdam kong may vibes ka na mapagtanim ng sama ng loob. If you hate a person, ekis na ‘yung tao na ‘yun. Dadalhin mo ‘yung galit mo hanggang sa susunod na buhay mo. Pero base sa mga kwento mo, tingin ko ah, hindi ka galit sa kanya.

 

You’re proud. You’re confident. Pero para kang sasabak lagi sa job interview tuwing magkikita kayo. Lagi kang may DIvi jitters. That being said, I think, tingin ko ah, ikaw ang nakipagbreak at hanggang ngayon kinakain ka ng guilt.”

 

Napatanga na lang siya kay Juri. Sumisikip ang dibdib niya. Ibinaling niya ang atensyon sa in-order na strawberry milkshake, marahang hinahalo-halo gamit ang straw. 

 

“Huy, observation ko lang naman ‘to bilang bago mong kaibigan,” agad na sabi ni Juri nang hindi siya sumagot. “pwedeng guni-guni ko lang ‘yun.” 

 

“Oo, guni-guni mo lang ‘yon. Kung makahabi ka ng kwento dyan, bakit hindi ka kaya mag-apply bilang writer sa TV?”

 

That made Juri guffawed. Nahiya siya bigla sa lakas ng tawa ng kaharap. “So tama ako? Gago! Ang galing ko naman. Your reaction just confirmed my hunch.” 

 

“Feeling mo naman, kilalang-kilala mo na ako?”

 

Juri stopped from giggling. He straightened his back as he looked at him, his head tilting to the side. “Hindi kita kilala. Kaya nga sabi ko, observation lang. Huy, na-offend ba kita?”

 

Taiga just rolled his eyes at him. “HIndi, pero malapit na akong mainis ako sa’yo.”

 

Napailing si Juri. “Tingin ko a, mas okay kung sa’kin ka magiging honest. I’m basically a stranger in your life. You can be honest with me. My reactions shouldn’t matter kasi wala naman akong ambag sa buhay mo, maliban na lang sa Mythic Glory mo sa ML.”

 

“Excuse me? Kahit ako ‘yung bumubuhat sa’yo?”

 

“Nakakahiya, manager ka pa naman ng SixTONES, two-time World champion tapos bano ka maglaro. Nakakahiya sa mga players mo.” 

 

“Mas magaling ako sa’yo maglaro,” pilit niya. 

 

“Lose streak ka nga lagi,” kontra nito. “dahil ba sa ex mo kaya si Layla pick mo nung magkalaro tayo? ‘Di ba nasa Divi ka noon?”

 

“Malapit na akong mainis, Tanaka.” banta niya dito, pero tawa lang ang isinagot nito sa kanya. 

 

Taiga proceeded to finish his meal, subtly urging Juri to do the same. Baka kasi hindi niya magustuhan ang sasabihin nito. Dealing with his unresolved thing from the past is something he isn’t ready to talk about yet. 

 

“Huy,” tawag ni Juri sa kanyang pansin. Naramdaman niya ang mahinang pagsipa nito sa kanyang paa. “tropa pa rin ba tayo? Did I cross the line?”

 

Taiga couldn’t help but smile at Juri. Ang cute ni gago. “Oo tropa pa rin, masyado nang maraming pancit canton ang nainvest ko sa’yo.”

 

“Nice one. Isang apir nga dyan,” itinaas nito ang kamay, hinihintay ang sagot niya. 

 

Natatawang inirapan niya ito. He still went to give him a high-five though. “Ang corny mo, alam mo ‘yon?”

 

“Ano na nga?” pinalakihan siya ng mata ni Juri, “Tama ba ako?”

 

“Hindi. Ako ang nagbubuhat sa’yo.”

 

“Tanga, hindi ‘yan. Tama ba ako na ikaw ang nakipagbreak?” 

●・○・●・○・●

 

168 mall, Divisoria



Naabutan niya sa shop si Hokuto na may kausap na customer. Nang magtama ang tingin nilang dalawa ay alam na niyang susungitan na naman siya nito. 

 

Hindi siya mali. Napalabi na lang siya matapos siyang samaan ng tingin nito. 

 

Mabuti na lang at to the rescue ang isa sa mga staff nito. “Sir Taiga, kanina ka pa hinihintay ni bossing. Upo ka muna.” 

 

Sus, parang gusto na nga akong palayasin.  

 

Gusto man niyang isagot ‘yon, pero pinili na lang niyang ngitian ang staff. He was about to ask for his name, kaya lang may bagong dating na customer na agad nitong nilapitan. Later he’d make sure to know his name for his excellent customer service that his boss failed to provide. Which, again, hindi naman niya masisi ito. 

 

Pero hanggang kailan?  Isa rin kasi ito sa groomsmen ni Jesse. Hanggang ba sa kasal ng mga kaibigan nila ay ganito ang trato nito sa kanya? Hanggang ba sa Nueva Ecija kung saan ang kasal ay aabot ang kasungitan nito? If it would pacify Hokuto a little bit, e ‘di go!  

 

Para sa mapayapang kasal ng mga kaibigan niya.

 

Hindi naman na sila magkikita after ng kasal. Kung nagawa ng universe na hindi sila pagtagpuin despite their circles overlapping each other, magagawa rin niya ‘yon. 

 

How? Iaasa na lang din niya sa tadhana.

 

“Follow me.”

 

Napaangat ang tingin niya mula sa cellphone nang marinig ang malalim na boses ni Hokuto. That sent shivers down his spine. Mabilis itong nakalayo sa kanya kaya naman kahit nagtataka ay sumunod agad siya. 

 

His ex walked towards what he presumed was the back room. Pagkaliko niya ay nadatnan niya ang isang manekin na may suot na itim na long gown. Muntik na siyang mapasigaw. Tangina talaga ng Magandang Gabi Bayan. 

 

Agad niyang sinundan ito. Sa loob ay may ilang mga makina. May ilang wedding gowns na hindi pa tapos ang nakasuot sa ilang manekin. The number of gowns, suits, and mountains of fabrics inside tell a lot about how the business is going. Taiga felt proud that Hokuto has come a long way. In spite of what had happened years ago, masaya si Taiga para dito. If only he could be vocal about how proud he is. 

 

Umupo si Hokuto sa harapan ng makina. May kinuha itong mga tela na nakatago sa isang plastic box. Tahimik lang ito habang kumikilos habang siya ay nakatayo lang as gitna ng kwartong ‘yon. The silence, except from the rustling sound made by Hokuto’s movement, was too awkward for Taiga. Tumingin siya sa paligid at naghanap ng pwedeng maupuan. 

 

Dahan-dahan niyang kinuha ang monoblock na nasa tabi ni Hokuto at hinila palayo. When he was satisfied with their distance, Taiga sat down. Napatingin siyang muli kay Hokuto. He had a straight face as he continued doing his own thing.

 

When did he start wearing glasses? Taiga would have been all over him if he wore a pair back when they were in college. 

 

Shit. Ang gwapo-gwapo nito sa suot na salamin. 

 

His hair and skin looked softer. What would it feel to run his fingers through his colored hair? Naalala niya pa noon, nagpapalambing ito para i-massage niya ang ulo nito hanggang sa makatulog. 

 

Shit. He suddenly missed doing that. 

 

Namiss niyang maging sobrang lapit dito. His hugs, whenever he put his arm around his shoulders, even the slightest brush of their skin against each other.

 

Shit. Shit. Shit. Nararamdaman na naman niya ang pagbigat ng dibdib. 

 

Taiga came back to his senses as the sewing machine roared to power. Nagsimula nang magtahi si Hokuto. Hindi niya alam kung ano ang tinatahi nito gamit ang navy blue na tela. Ito kaya ang tuxedo niya? 

 

Akala ko ba kailangan pang isukat muna–wait. Taiga wasn’t entirely sure but he believed that Hokuto was making something from scratch. Ibig bang sabihin nito ay hindi pa talaga nasisimulan ang damit niya? Ibig bang sabihin ay babalik na naman siya sa tindahan nito sa susunod na linggo?

 

Huminga nang malalim si Taiga. Hindi niya kinakaya ang pagswitch ng emosyon na nararamdaman niya sa lalaking nagtatahi sa harapan niya. He had to calm himself. Hindi naman niya kayang kausapin ito. 

 

Inabala na lang niya ang sarili sa iPad. Medyo nagsisisi siya dahil tinapos niya agad lahat ng offline work niya nang nakaraang gabi, wala na tuloy siyang makalkal. Ayaw naman niyang manood dahil naiwan niya sa bahay ang headphones niya. Heto siya ngayon, abala sa pag-scroll sa FB newsfeed niya. 

 

After a while, pumasok ang isa sa mga staff nito. Napatingin silang dalawa ni Hokuto, awkward na kumaway ito sa kanila at binuhat ang manekin na nakasuot ng gown. Sobrang ganda ng embroidery.

 

“Sorry, boss,” bulong nito nang dumaan sa likuran ni Hokuto bago lumabas. 

 

Nagtama ang mata nila ni Hokuto, pero saglit lang dahil agad itong bumalik sa ginawa. Alam naman ni Taiga na wala siyang silbi sa loob ng kwartong ‘yon.  Hindi tulad nang dati na tumutulong siya sa tindahan ng pamilya nito. Ngayon, sigurado siyang hindi nito maaappreciate ang kahit anumang tulong mula sa kanya.

 

“Labas muna ako. Hanap ng maiinom,” aniya sa mahinang boses. Hindi siya siguro kung narinig siya nito dahil sa ingay ng makina. Kaya nagulat siya nang patayin nito ang makina at tumayo.

 

“Okay.” Hokuto said, walking past him. Nakarating ito sa may unahan ng backroom nang hindi siya gumagalaw kaya nilingon siya nito. “Ano pang hinihintay mo?”

 

Taiga was too confused to protest, agad na lang niyang sinundan ito palabas ng shop. He just found himself following Hokuto. Hanggang sa makarating sila sa Lucky Chinatown.

 

“Anong iinumin mo?” 

 

Paano niya sasabihin na ang gusto niya talagang inumin ay lemon juice sa stall na nasa second floor, tabi ng escalator sa 168?

 

“Coffee? Milk tea? O gusto mo kumain?” 

 

Napatanga siya dito. Bakit ang bait nito bigla? Inilibot niya ang tingin sa paligid. Agad niyang nakita ang stall ng Fruitas, ilang hakbang mula sa kung nasaan sila. “Doon na lang.” 

 

Sinundan nito ang tinitignan niya. “Usual? Buko juice?”

 

“Sige.” Muntik pa siyang mautal sa sagot niya. 

 

Taiga followed Hokuto as he made his way to the juice stand. Mango Shake naman ang inorder nito. The whole scene was so familiar. Parang nasa kolehiyo ulit siya, parehas ng order. Nararamdaman na naman niya ang unti-unting pagbigat ng dibdib niya. 

 

“Magkano?” tanong niya. 

 

“Ayaw mong mag-snacks?” tanong nito sa kanya pagkaabot ng bote ng buko juice, ignoring his question. “Dimsum hour na sa King Chef, gusto mo ba?” 

 

“Dimsum hour?”

 

Tumango ito. “2-5PM, puro dimsum lang nasa menu nila. Gusto mo ng kumain?” 

 

Taiga wouldn’t lie, bigla siyang nakaramdam ng gutom. He almost said yes, sino ba siya naman ipagkait sa sarili niya ang pagkain ng paborito niyang hakaw at siomai? 

 

But the thought of sharing a meal with Hokuto, just like the old times? His mind won over his feelings. Hindi tama. Not after what happened years ago. Takot siya sa karma at baka hindi siya matunawan. 

 

“HIndi na siguro. Hinihintay ko lang naman ‘yung damit tapos aalis na rin ako.” 

 

“You have some place to go?” Hokuto sipped from his cup of mango shake. “Kailangan mo na umalis?”

 

Umiling siya. Taiga was trying hard to avoid eye contact as much as possible. Kaso paano niya gagawin ‘yon kung nasa kanya lang ang atensyon nito. Why so intense?

 

“Then let’s eat.” Hokuto said with finality. Naglakad na rin ito palayo sa kanya. All his protests were ignored so he had no choice but to run after him. 

 

“Table for two,” anito sa attendant. Hindi nakatakas sa mata niya kung paano lumaki ang ngiti nito nang makita ang mukha ng kasama. 

 

Oh my god. 

 

“This way, sir.” ani ng staff, totally ignoring his existence. Sinarili na lang niya ang inis at naglakad kasunod ni Hokuto. Pagpasok nila sa loob ay nabigla siya sa dami ng tao. Well, expected naman kasi promo hours, pero hindi naman kasi weekend. Bakit ang daming mga batang singkit ang nagtatakbuhan? Muntik pa siyang mabangga. 

 

Sinaway ni Hokuto ang mga bata, saka bumaling sa kanya. The guy put his hand on his back, gently guiding them to their seat. Kung saan naghihintay ang maharot na staff. Nakangiti pa rin ito, but Taiga swore the lady just rolled her eyes at him. 

 

Ay nako, te. Kahit mabulag ka dyan, parehas tayong olats .

 

As soon as they were both seated, the staff happily took Hokuto’s order. Nag-suggest pa ito ng mga masarap na inumin at dessert. Taiga would give this lady a tip for her excellent service. Kaso lang, mas nangingibabaw ang irita niya sa akto nito. 

 

Selos? Huh, hell no.

 

Awkward silence na naman pagkaalis ng staff. If Taiga was being honest, he hated how awkward things between them had gotten. They used to be comfortable talking about anything, and even the silence that fills the air. Pero sino ba ang dapat sisishin kung bakit naging ganoon ang lahat?

 

“So, Six Tones?” Hokuto said. 

 

“Huh?” 

 

“Your team. Mobile Legends?”

 

“Ah, that’s pronounced ‘Stones’. Silent ‘yung ‘-ix’.” Taiga explained, drinking some from his bottle of buko juice. 

 

“Then why add letters kung hindi naman bibigkasin?” Hokuto scoffed. 

 

Napatawa siya sa sinabi nito. Noon pa man ay madalas na itong magreklamo tungkol sa mga salitang may silent letters kapag binibigkas. He used to laugh whenever this kind of topic got into their conversation. Kwento nito, napahiya daw ito noong grade school after pronouncing the word ‘subtle’. The poor guy said sab-tel. Even the word compromise, in which Hokuto pronounced the word promise, as in pangako. That one made him literally roll on the floor laughing. In Hokuto’s defense, he learned those words through reading.

 

“Blame our company’s founder,” natatawang sagot ni Taiga. “kahit ‘yung mga casters, ilang taon na sa industry ‘yung team namin pero namamali pa rin ‘yung bigkas.” 

 

“Napanood ko ‘yung laban n’yo noong nakaraan,” kwento nito. Dumating ang staff at naglagay ng drinks pero nagpatuloy pa rin ito, “I think, finals na ‘yon. Kalaban n’yo ‘yung HJS?” 

 

“Ah, HSJ.” pagtatama niya. “Sobrang lakas ng team na ‘yon.”

 

“Pero mas malakas team n’yo?” Hokuto smiled at him. “Sabi ng kapatid ko, kayo daw champion three consecutive years.”

 

“Oh, naglalaro rin si Nana ng ML?” 

 

“Oo, napakatalakera. Minsan pinapatayan ko ng router sa ingay eh.” proud pa nitong sabi. 

 

“Hoy, ang sama mo!” pinalakihan niya ito ng mata, “E’di bumaba ranking non.”

 

Kibit-balikat lang ang sagot nito, nagpipigil ng ngiti. “Actually, siya nagsabi sa’kin na napanood ka raw niya. May interview ka daw noong may laban.”

 

“Ah, oo. Ganoon naman talaga sa mga shows, dami programs.”

 

As the particular esports got bigger and bigger, dumarami rin ang mga kabataan na gustong maging pro-players. Dahil sa kanila, buhay na buhay ang competitive scene. Even the production had to think of gimmicks to hype up the whole televised tournament. Isa sa mga pakulo? Trashtalk-an live on air.

 

“Please tell me na scripted ‘yon,” ani Hokuto. The two of them had already gotten comfortable with how their conversation was flowing. “I don’t want to think that’s how to view other people.”

 

“Ano ka ba, everything they let the audience see, scripted. Calculated. They have to hype the show. DId you see any interview with a player after winning? Ultimo players ko na nanalo for three years, sobrang tipid ng sagot. They have to think of other ways to make it fun, you know.”

 

“Buti naman,” Hokuto smiled at him. 

 

“I know I’m not the best, pero hindi naman ako trashtalker.” Napalabi na lang si Taiga.

 

“Pero grabe kayo magbulyawan ni Yugo.” 

 

“That’s different.” 

 

“Yeah,” Hokuto nodded his head a few times, “there was love despite the hurtful words.”

 

Muntik na siyang masamid sa iniinom na buko juice. 

 

“So, gaano ka na katagal sa Six…sa Stones ?” pagpapatuloy ni Hokuto. “Ano ka ba nila, coach?”

 

“Coach talaga? Alam mong bagsak ako sa ganon. Sa’ting dalawa, alam mong wala akong patience na magturo. Role mo ‘yon, sagot niya.  “Manager ako ng buong company dito sa Pinas. Nag-branch out na rin kasi sila sa Indonesia. I oversee everyone here, from players to coaches, managers. Everyone.” 

 

Napatawa si Hokuto. “Naalala ko pa nong muntik mo nang ibato ‘yung dslr mo sa lower year na nagpapaturo paano mag-ayos ng setting. You have little to no patience. Hindi ka talaga pang-coach.” 

 

“Naalala mo pa ‘yon?”

 

Tumango ito. “Yugo had to intervene, baka mapatawag ka sa Dean’s Office. We went to SM Sta. Mesa after. Doon lang kasi available ‘yung Warm Bodies na tig-twenty-five pesos.”

 

Wow. kahit siya ay hindi na maalala ang araw na ‘yon. He did remember that the three of them were fans of SM Cinemas’ ₱25 promo back in the days. Kapag mahaba ang vacant nila o kapag  maaga ang uwian. 

 

“Speaking of SM Sta. Mesa,” pagpapatuloy nito. “I saw you once there.”

 

“Kailan?” tanong niya. Agad niyang inalala ang mga panahon kung kailan siya pumunta doon. After graduation, bilang na lang sa daliri ang panahon na nagawi siya sa parteng ‘yon, lalo na ang daan patungo Maynila. Mas madalas kasing nasa Taguig at Makati ang trabaho niya. He did remember going there. 

 

“Mobile Legends din ata? May screen, made-up stage pati hosts.” paliwanag nito.  

 

“Ah, I remember. Sana nilapitan mo ak–” Napahinto siya. Nakatinginan silang dalawa. “Ah, ano, ah… watch party ‘yon. May international tournament kasi, tapos live telecast from Malaysia. E first time sasali ng team ko kaya nakinood ako for the hype.” 

 

“Bakit hindi ka nila kasama sa Malaysia?”

 

“HIndi naman talaga ako kailangan sa ganoon. Although pumunta pa rin ako kasi feeling ko that time, makukuha namin title eh.” 

 

“Nakuha n’yo ba?”

 

Tumango-tango siya, giving him a wide smile. That tournament was one of his proud moments as part of the organization. 

 

Silence filled the air between them once again. He couldn’t bring himself to open up another conversation. Good thing that it didn’t take long for their orders to arrive. Isa-isang nilapag ng staff ang mga bamboo steamers na naglalaman ng mga inorder ni Hokuto. Sobrang dami! May inorder pala itong nakakatakam na noodle soup. 

 

Nanghihinayang si Taiga, masasarap lahat ng orders ni Hokuto. The problem was he couldn’t bring himself to enjoy it and be at ease. Taiga looked at Hokuto, patuloy lang ito sa pagsasalita tungkol sa kung gaano kalambot ang beef brisket sa noodle soup na hinati nito sa kanilang dalawa. No, he didn’t look bothered a bit that he was sharing a meal with the person who broke his heart. 

 

Siya lang ba ang hindi mapakali? Siya lang ba ang nababagabag sa nangyari years ago? Siya na lang ba ang hindi pa nakakausad?

 

Bumibigat na naman ang dibdib niya. 






“Makukuha ko naman siguro ‘yung damit ngayon ‘no?” tanong ni Taiga sa mahinang boses, hoping that he didn’t sound obnoxious. 

 

Kalalabas lang nila ng Lucky Chinatown at naglalakad na pabalik ng 168 mall. Medyo tirik ang araw, nagsisisi si Taiga na hindi niya dala ang sumbrero niya. Napuna marahil ni Hokuto na naiinitan siya dahil dahan-dahan siya nitong hinigit sa malilim na parte ng sidewalk. 

 

“Nagmamadali ka ba?” 

 

“Willing to wait,” agad na sagot niya. “Makukuha ko naman today?”

 

“Siguro.” 

 

“Anong siguro?” medyo napataas na ang boses niya. Taiga had to pause for a second to breathe. “Makukuha ko ba today?” tanong niyang muli sa mahinahon na boses.

 

“May date ka ba? Sabihin mo lang.” 

 

Kita ni Taiga ang inis sa pagkakangisi sa kanya ng kasama. At hindi niya iyon nagustuhan. Taiga wasn’t sure if the humid weather had something to do with Hokuto’s sudden mood change or it did affect his way of thinking–nairita siya bigla.

 

“E ano naman? Look, thank you sa pa-siomai mo kanina. Nabusog ako. Pero kasi, medyo nangangain na ng oras ‘tong pagkakadelay ng damit ko.”

 

“Akala ko ba willing to wait?” tinaasan pa siya nito ng kilay. “Labo mo pa rin hanggang ngayon.”

 

Nanlaki ang mga mata ni Taiga. He didn’t expect that one. “May kinalaman ba ‘tong ginagawa mo sa nangyari sa’tin?”

 

“Syempre.” Hokuto glared at him, nanlambot ang mga tuhod niya sa tingin nito. 

 

At that point, parehas na silang napahinto sa paglalakad sa sidewalk, hindi alintana ang tirik ng araw, mga sasakyan na nagdadagdag ng init, mga gwardya na sumisigaw para i-guide ang mga mamimili sa tamang daan. 

 

Tangina. Hindi siya handa sa confrontational scene na ‘yon. Akala ni Taiga, pupunta lang siya sa shop nito para isusukat ang tux, hihintayin matapos tahiin, at uuwi pagkatapos. 

 

Pero kung iisipin, kahit anong paghahanda niya ay hindi niya kakayaning magmataas lalo na kung tungkol sa nangyari sa kanila ni Hokuto. The decision he made years ago still haunts him. Taiga already made peace with the fact that Hokuto will forever hate him. Kaya siguro tanggal ang tapang niya kapag si Hokuto ang kaharap. Or it may have been simply because it was Hokuto, the only person he ever loved in his life. 

 

“Bj kayo dyan, mga kuya.” 

 

Napatingin si Taiga sa matandang may tulak-tulak na kariton na naglalaman ng mga paninda nitong buko juice. Nang ibalik niya ang atensyon kay Hokuto ay nakatalikod na ito at naglalakad na palayo. 

 

●・○・●・○・●

 

Cainta, Rizal

 

“Papagawa na lang ako ng tuxedo sa mananahi ng tatay ko,” anunsyo ni Taiga nang makapasok sa bahay ng mga Kochi. Parehas nakaupo sa sofa ang dalawa niyang matalik na kaibigan. He stood there standing by the door, looking at them.

 

“‘Di ba galing ka na kay Hokuto?” usisa ni Shintaro.

 

He ran his fingers through his hair, sobrang frustrated na siya. “Oo. Wala pa rin sa’kin ‘yung damit.” 

 

“What? Sabi ni Hokuto, gawa na ‘yung sa’yo ah?” tanong naman ni Yugo. 

 

So that means na ‘yung damit na tinatahi nito ay hindi sa kanya? Fuck, he was really serious. Pinaglalaruan talaga siya nito dahil sa nangyari sa kanila dati. Sana naman kahit papaano ay nabawasan ang galit nito sa kanya. 

 

Pero kulang pa ‘yon, anang isang bahagi ng isip niya, kung gusto niyang mag-ala- Manny Pacquiao, tatanggapin ko.

 

“Okay lang ba kung magpapagawa na lang ako ng suit sa iba? Kahit pumunta pa ako sa Thailand para magpa-tailor, okay lang sa’kin.” suhestyon niya. 

 

Hindi siya pinansin ng dalawang kaibigan. Abala ang mga ito na titignan ang ginagawa ng dalawa pang taong nasa sala ng mga oras na ‘yon. 

 

“Ano, g? ” 

 

“Taiga, I love you, pero please, kasal ko ‘to.”

 

Taiga groaned. “Galit siya sa’kin. I don’t think kaya ko pang humarap sa kanya.” 

 

Gets naman ‘yung galit niya,” sagot ni Shintaro, “anong nangyari? Bakit parang ‘di ka na naman matae?”

 

“Kulang ka siguro sa fiber, beb.” walang emosyong sagot ni Yugo. Ni hindi siya nito tinitignan. “May papaya sa ref, kain ka.”

 

“Pang-tinola ba ‘yan?” biro ni Shintaro. “Pakiluto na rin ah.” 

 

His two friends giggled like fools. 

 

“Pwede na ba akong mag-dump sa inyo?”

Nang hindi siya pinansin ng mga ito ay umupo siya sa gitna ng mga ito. Nag-bounce silang tatlo sa ginawa niya. 

 

“What the hell, Taiga?!”

 

“Bakla ka, can’t you see? Kita mong nagpapa-mani pedi kami o!” 

 

Ang dalawang manicuristang nagho-home service sa mga kaibigan niya ay parehas napatingin sa kanya. Kilala niya ang mga ito–si Dra. Janet at ang kapatid nitong si Dra. Janice. Parehas dermatologist sa St. Luke’s na hobby na mag-kutkot ng mga kuko ng mga kapitbahay ‘pag walang duty sa ospital. Ewan ba niya sa trip ng dalawang ‘to. 

 

Dra. Janice rolled her eyes at him before going back to Shintaro’s toes. Masungit talaga ‘yon. Dra. Janet on the other hand gave him a small smile before going back to work. 

 

“Ang bigat-bigat na ng dibdib ko, gusto ko lang ilabas ‘to. Kanina ko pa gustong umiyak to make it a bit bearable pero ‘di ko afford umiyak sa LRT kanina.” Napasandal si Taiga sa sofa. Nang mag-bounce na naman silang tatlo ay naramdaman niya ang marahang hampas ni Shintaro sa hita niya. 

 

“Taiga, ‘pag na-murder ‘tong kuko ko, wala kang leche flan sa pasko.” 

 

“Dibs sa leche flan.” 

 

“Tangina n’yo naman e, paiyak na ‘yung kaibigan n’yo o,” ingit niya. 

 

Shintaro giggled beside him, tapping his thigh in a comforting way. “Sige, ano bang laman ng isip mo, Taiga?”



“Kinakain na ako ng guilt.”

 

“Abutan mo ng tubig baka mabilaukan.” ani Yugo. Kinurot niiya ang gilid nito. “Joke. Continue.”

 

“Paki-expound po.”

 

Huminga siya nang malalim at nagsimulang magkwento. Worried siya na baka umiyak siya habang nagkukwento. But honestly, he needed to cry. Keeping everything to himself for years after the breakup was too much. Hindi niya kayang ikwento sa ibang tao ‘yung ginawa niya. Kahit kay Yugo. 

 

Kasi alam niyang mali. It was selfish of him. Ang bobo ng move niya. But his young heart could only take much. 

 

 

 

 

 

 

Chapter End Notes

CONGRATULATIONS! nakarating ka sa dulo ng 16k word vomit ko lol
buti nakaya mo.
ako kasi muntik ko na 'tong sukuan lmao

wait mo please 'yung dalawang kasunod, post ko pagkabalik ko ng MNL. ako'y mag-fly muna~

Chapter 2

Chapter Summary

Posible pala ‘yon? Nag-uumpisa ka pa lang abutin pangarap mo, pero mauupos ka bigla.

Chapter Notes

-sorry na agad sa lahat ng typos na makikita mo labyu
-mas maiksi 'to compared sa unang chapter
- sa au na 'to, ahead si Hokuto ng isang taon dahil five years ang kurso niya

●・○・●・○・●





“Anong kukunin mo sa college, Taiga?”  

 

Same question, same answer, same reaction. 

 

First of all, Taiga loves his family. That's a fact. Pero ‘pag usapin tungkol ma sa pag-aaral niya, gustong gusto niyang magpaampon sa ibang pamilya. Parusa niya ata para sa lifetime niyang ito na mapabilang sa pamilya na panay may additional letters sa pangalan. Accountant? Meron, marami. Engineers? Ay, anong klase ba hanap mo? Nurse? Sa Pinas ba o US? 

 

Kung tutuusin, hindi naman problema na malalayo narating ng mga kamag-anak niya. Nakaka-proud pa nga, eh. Pero kasi, ewan ba niya sa kakaibang standard ng mga ito na na-develop through the years. Sa pananaw kasi nila, hindi ka aasenso kung hindi ka kukuha ng kurso na may board exam. Oooookay. Kung ‘yon ang gusto nila sa buhay, e ‘di go.  

 

Kaya naman nang sinabi niya sa mga kamag-anak niya na ang gusto niyang kunin sa kolehiyo ay Broadcast Communication, damang-dama niya ang pagmamaliit ng mga ito sa kanya. 

 

“Ano ba ‘yan, Taiga? Anong mapapala mo d’yan?” 

 

“Ang dali naman ng kursong gusto mo.” 

 

“Pangarap mo palang maging P.A. ng artista.”

 

Pasok sa isang tenga, labas sa kabila. Pero hindi kayang magsinungaling ni Taiga sa sarili niya. Kahit papaano, unti-unting nagugulo ng mga salita nila ang utak niya. 

 

Paano kung totoo ‘yung sinasabi nila? Base pa naman sa mga nakausap niyang nasa production na, depende sa swerte at inside politics ang promotion. Paano kung bonak pala siya pagdating na sa industriyang gustong pasukin? E ‘di wala nang silbi ang mga diplomas, certificates, at medals na pinaghirapan niya.

 

“Dad, okay lang ba sa’yo na BroadComm kukunin ko?” tanong niya sa ama. Unang araw niya sa kolehiyo at ihahatid siya nito sa istasyon ng tren. “Hindi n’yo po ba ako pipilitin na kumuha ng board program?”

 

“Bakit, gusto mo ba ng ganon?” ganting tanong nito. “Gawin mo lang gusto mo.” 

 

Bahagya siyang napangiti sa sagot ng ama. “Eh ang mommy kaya?” 

 

Growing up, mas takot si Taiga na ma-disappoint ang nanay niya. Happy-go-lucky ang Dad niya, hindi mahalaga dito ang grades niya. Ang nanay naman niya, achiever. Nakaka-pressure habulin, pantayan, daigin. All of her mom’s siblings kept bragging about her achievements. Sobrang proud sila dito, and they are expecting Taiga to be the same. 

 

Eh ayaw niya. 

 

Ayaw niyang mag-Accountancy. Ayaw niyang maging topnotcher sa board exam. Ayaw niyang sumunod sa mga yapak nito.

 

Simula nang magsabi siya sa magulang niya tungkol sa kagustuhan niyang mag-BroadComm, walang sinabi ang nanay niya. Kaya hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa kanya kung sang-ayon ba ito sa gusto niya o naghihintay lang ito na pagsisihan niya ang ginawang desisyon. 

 

“Basta gawin mo lang gusto mo at ‘wag mong pabayaan pag-aaral mo. ‘Yon lang gusto namin para sa’yo.” sagot ng ama niya.

 

Nang maibaba siya ng tatay niya sa labas ng LRT Santolan Station, doon na nagsimulang kumabog ang dibdib niya. Heto na ‘yon, college student na siya. Mag-aaral sa Maynila. Makikihalubilo sa mga kapwa niya estudyante mula sa iba’t ibang panig ng bansa. At ang pinakanakakakilig sa lahat, Day 1 ng BroadComm program niya. 

 

Pero para siyang binuhusan ng malamig na yelo ng sandaling ‘yon. 

 

Oh my god, tama ba ang ginagawa ko? Una sa lahat, introvert niya. Most of the time, kailangan niyang makipag-interact sa tao habang nag-aaral siya at lalo na kapag nagtatrabaho na siya . Kaya ba ng introvert self niya itong papasukin niya? Oh my god, oh my god, oh my god

 

Pangalawa, bobo siya mag-commute. Nakakahiya man pero nagdrawing pa ang tatay niya ng mapa para makarating siya sa paaralan niya. Kung tutuusin, madaling intindihin ang mapa. Pero wala siyang tiwala sa sarili niya. 

 

“Taiga?” 

 

Nasa harapan niya si Yugo Kochi. Kaklase niya ito ng ilang taon. Kapitbahay na rin. Pero kahit sobrang liit lang ng mundong ginagalawan nila, hindi sila naging magkaibigan. Ewan ba niya.

 

Tinanguan at nginitian niya nito. Ganoon din ang ginawa nito bago naunang maglakad sa kanya. Hindi  niya alam kung anong pumasok sa isip niya at marahang hinila ang braso nito. 

 

Parehas sila ng mga paaralang pinasukan mula kinder, grade school hanggang high school. What are the odds na parehas sila ng papasukan ngayong nasa kolehiyo na sila?








 

 

“Ang tanga-tanga mo pala. You’re the total opposite of street smart.”

 

Nasaktan man ang pride niya, pero hindi na siya masyadong lumaban. Totoo kasi. “Hindi ko kasalanan kung hindi ako pinagko-commute ng magulang ko, ah.” 

 

“Okay, rich kid.” umirap pa ito sa kanya. “Pero dahil friends na tayo, tuturuan kitang mag-public transpo. Bawal mag-taxi. Estudyante ka pa lang, matutong magtipid ng allowance. Tapos ang dali-dali mo pang mabudol, naku talaga.”

 

“Hindi ka ba naawa doon sa pilay kanina? Extra money ko naman ‘yung ibibigay ko sa nanlilimos.”

 

“Did you even see kung anong ginawa nung pilay right after umandar ng jeep kanina? He walked straight. Mas tuwid pa sa lakad mo, bakla.”

 

Why did they take so long to get to know each other? Majority ng buhay nila, nasa iisang lugar lang sila. 

 

Talking to Yugo that morning in Santolan Station is one of the best decisions Taiga made. Ewan niya na lang talaga kung saan na siya napadpad kung hindi sila naging magkaibigan ni Yugo.  From then on, Yugo is no longer just a neighbor. No longer a classmate he goes to school with everyday. Yugo became someone he admires and who motivates him. Someone who is there for him. Someone who he is comfortable to share his thoughts with. Yugo became his person, as cheesy as it sounds. 

 

And no, he would never be vocal about how much he loves his Yugo. Hindi niya gustong palakihin ang ego non. 

 

●・○・●・○・●



Tita Tanya



Taiga, bakasyon nyo n? Asikasuhin m n papers mo

Iumipat k n ng school 4 accountancy kilala q dean aq n bhala sau

 

Mawalang galang ho, pero buhay ko ‘to. Although ang angas niyang pakinggan sa utak niya, he chose his peace. Kiber sa mga kontrabida ng buhay niya, kahit na hindi naman siya artista. Wala siyang nireplyan kahit isa sa mga kamag-anak niyang gustong pumapel sa buhay niya. 



“Why did you take this program?” tanong niya kay Yugo isang beses. Tinatapos nilang dalawa ‘yung script para sa theatre play ng section nila, isa sa gabundok na requirements bago magtapos ang sem.

 

“Gusto ko maging direktor.” sagot nito. Binabasa nito ang rough draft ng script na sinulat niya.

 

“Bakit?” 

 

“Gusto ko magkwento, eh.”

 

“Bakit hindi writer?” 

 

“Kasi gusto ko may camera. Kahit ano, basta makagawa ako ng magandang kwento na may camera na involve. Basta gusto ko may camera.” 








Lumipas ang mga buwan. Pagod sa araw-araw na pagpasok sa ekswelahan, pero nag-eenjoy talaga si Taiga sa bawat araw na mayroon siyang bagong nae-experience. Hindi lang sa loob ng classroom, pati na rin sa buhay ng iba’t ibang tao na nakakasalamuha niya.

 

Pero syempre, hindi pa rin tumitigil ang mga kontrabida. Kahit may kaunting takot, with his head held high, tinuloy niya ang kurso na gusto ng puso niya. 

 

“Sure akong magiging direktor ka pagdating ng araw. Libre dapat ako sa advanced screening, ah?” 

 

Taiga saw the little smile that formed on Yugo’s lips. Sa totoo lang, naiinggit siya sa mga taong bata pa lang, alam na ‘yung gusto sa buhay. At an early age, alam na nila 'yung daang tatahakin nila.

 

Ganoon din naman siya dati. He took Broadcast Communication dahil sa sobrang hilig talaga niyang manood ng mga documentaries sa GMA. Sobrang fascinated siya kung paano ginagawa ang isang dokumentaryo. Gusto niyang mapabilang sa isang team na gagawa ng maraming documentaries na tulad nang nangyari sa kanya, ay magiging inspirasyon sa ibang tao. Bongga!

 

Kaso habang nag-aaral…namatay naman bigla ang pangarap niya. Ewan ba niya, suddenly, hindi na niya makita ang sarili niya maging dokumentarista. Posible pala ‘yon? Nag-uumpisa ka pa lang abutin pangarap mo, pero mauupos ka bigla.

 

Ako talaga ang problema.

 

“Ang random mo, ‘te. Pero magdilang-anghel ka sana,” ani Yugo. Nakaupo sila sa hagdanan sa labas ng library. Katatapos lang ng research nila at sinasamantala ang masarap na hangin ng hapong ‘yon. “Ikaw rin, alam ko magiging dokumentarista ka rin. Maeexplore mo ang mundo. Kailangan pala mag-level up ng training ko sa’yo. Sheltered kid ka pa naman, baka mapahamak ka sa ibang lugar.”

 

Napabuntong-hininga siya. “Alam mo ba iniisip ko na mali ‘tong pinasok ko.”

 

“What exactly?”

 

“Ito. Mali ata na nag-BroadComm ako. Hindi ata ako pang-broadcomm.” 

 

“Talagang naisip mo ‘yan after mong makapasa sa Media kanina ah? Take note, dadalawa lang kayong pasado sa news write up kay Ma’am Villa.”

 

“Baka pang-Journ pala ako, no? O kaya baka tama sila, baka kung nag-Accountancy ako, hindi ako nag-iisip nang ganito?”

 

“If ganong path ang gusto mong gawin in the future, pwede ka naman mag-shift.”

 

“Eh second year na ako.”

 

“Ano naman? Iniisip mo na naman ba sasabihin ng mga kamag-anak ng nanay mo? It’s never too late to start again ‘no. Palibhasa matatanda na sila kaya bawas na oras nila.”

 

Pinanlikahan niya ito ng mga mata. “Ang sama talaga ng ugali mo.”

 

“Truth lang, bebe. Kung ‘di mo gustong mag-shift, remind ko lang sa’yo na ‘yung boses mo, kung paano ka mag-deliver, pwedeng-pwede ka sa radyo. Alam mo kung paano mag-express ng iba’t ibang emosyon kahit boses lang. First time kong narinig ‘yan nung high school tayo. Buwan ng wika ‘yon, ‘di ba? Tapos na p-in-lay ‘yung radio drama na ‘yon sa buong school. Ikaw din nagsulat ‘di ba? Tapos, remember ‘yung stage play natin last sem? Puring-puri ‘yung stage design mo. Kayang-kaya mo, ang dami mong magagawa. Kailangan mo lang talaga maniwala sa sarili mo.” 

 

Taiga’s heart swells hearing how Yugo sees him. "Bes!"

 

“H’wag ka ngang ngumiti ng ganyan, nakakairita tignan.” ani Yugo, looking disgusted at him. Ganito ata talaga ito magpakita ng pagmamahal sa kanya. “Paalala ko lang, marami ka pang dapat matutunan. Kaya nga tayo nag-aaral, eh. Para matuto, para mag-improve. Who the hell says ‘ang oras ngayon ay pasado alas three thirty ng hapon’ in a university-wide live radio program? Again, tagalog... live... broadcast.”

 

“Oh my god, huwag mo nang ipaalala sa’kin.” napatakip siya ng mukha sa kahihiyan. Isa ito sa mga lupa, lamunin mo ako moment niya nang maging viral topic pa ‘yon sa facebook group ng university nila. Buti na lang panay anime pictures lang laman ng Facebook niya, hindi kasamang sumikat ang mukha niya. 

 

“Tangeks, ‘wag mong takpan mukha mo. Parating na crush mo, oh.” Yugo slightly bumped their shoulders together. 

 

Mula sa pwesto nila, tanaw nila si Hokuto na naglalakad papunta sa direksyon nila. Naninigkit lalo ang mga mata nito dahil sa pagtama ng araw. Ang gwapo nito sa suot nitong navy blue polo shirt. Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng ngiti. Shit, happy crush niya talaga ito.

 

“Anong crush? Tumigil ka nga, baka ma-awkward-an pa ‘yan,” aniya at umayos ng upo nang mas lumapit na ito sa kanila. 

 

“Kanina pa kayo?” tanong nito saka umupo sa kanyang tabi. 

 

Yugo gave him a knowing look and he chose to ignore it. Taiga doesn’t like to entertain Yugo’s teasing remarks. As much as those make his heart flutter, he likes Hokuto’s company a lot. Kung bibigyan niya ng kahulugan lahat ng simpleng ginagawa nito, and they aren’t on the same page, chances are high na maglaho ito. 

 

So pasimpleng in-enjoy ni Taiga ang kanyang crush kay Hokuto, trying hard to suppress it as much as possible. Hindi naman siguro masamang magka-crush sa kaibigan ‘di ba? Crush is paghanga. It won’t evolve into something else, Taiga is sure about that. 

 

But man he was so bad at hiding.

 

●・○・●・○・●

 

“You’re a jack of all trades!” minsang puri ni Yugo sa kanya. 

 

“Pero master of none?” malungkot na sagot niya dito. One of the many episodes in which he is doubting his abilities again. Ewan ba niya, napakahirap maging confident kapag sumasapaw mga kamag-anak niya. 



“Better than a master of one.” sagot naman ni Hokuto. He gave him a reassuring smile, kasabay nang marahang paghila nito sa balikat niya palapit dito. Hokuto gently rubbed his arm in a comforting way. “You’re doing great, Taiga.”

 

What the hell, simpleng ‘You’re doing great’ lang, pero parang fueled na siya until his fourth year in college.

 

●・○・●・○・●

 

“Pangarap mo talaga maging engineer?” tanong ni Taiga. Hinintay niya si Hokuto sa labas ng classroom nito. Napag-usapan kasi nila na sabay silang uuwi at kakain sa paborito niyang tapsihan sa Marikina. 

 

Halos ilang linggo na rin silang sabay na umuuwi ni Hokuto. Abala kasi si Yugo sa org nito. Habang si Ryosuke, na common friend nila ni Hokuto, ay nagsimula nang mag-OJT. 

 

“Oo. First engineer sana ng pamilya. Ayos ba?” nakangiting sagot nito, kahit kita niya sa lamlam ng mata nito ang pagod. “Pagka-graduate ko, enroll sa review center. Take agad ng boards.” 

 

He couldn’t help but smile, natutuwa talaga sa ganitong klaseng tao. Like Yugo. Nakakainggit.  

 

“Do you have a dream company you want to be part of?” 

 

Napahinto ito sa pagnguya ng dala niyang twisted potato na nabili niya sa may gate ng university. “Wala. Saka ko na isipin ‘yon ‘pag nakapasa na ako.”

 

“Sabagay, matagal pa ‘yon. May dalawang taon ka pa. Engineering course din ba second choice mo?” 

 

“Civil syempre una, ECE, tapos last choice Fashion Design.” 

 

“Fashion Design? Talaga? Ang layo sa engineering, ah.”

 

They were walking side by side heading to the train station. Paubos na ‘yung kinakain niyang twisted potato, pakalahati pa lang ‘yung kay Hokuto. 

 

Nginisian siya nito. “Pero hindi naman malayo sa puso ko. ‘Di ba nga, may patahian ang nanay ko sa Divisoria.” 

 

Naikwento nito na may pwesto sa Divisoria ang pamilya nito. Para ito sa mga ready-to-wear at custom dresses. Meron pang-prom, pang-abay, pang-ninang. Meron sila for all occasions. 

 

Tumango-tango siya. “O, eh bakit hindi mo tinuloy ‘yung Fashion Design? Para ikaw na magtutuloy ng tindahan.”

 

Hindi niya alam kung sumagot ba si Hokuto sa tanong niya. Kinailangan kasi nilang maghiwalay ni Hokuto nang may makasalubong silang malaking grupo ng mga estudyante rin. Hindi sila kasya lahat sa sidewalk. 

 

Nang malagpasan nila ang grupo, naramdaman niya ang paghawak ni Hokuto sa braso niya para hilahin siya sa tabi nito. Nag-init bigla ang mukha niya. Sinulyapan niya ito. He was still eating the twisted potato. Wala pa rin sa kalahati ang bawas. Hindi ata nito gusto ang piniling sour cream flavor. 

 

“So ano, bakit hindi Fashion Design? Nagdedesign ka rin ba ng mga gowns sa tindahan niyo?”

 

“Hindi ko pa nasusubukan.” 

 

“Ay bakit naman? Ayaw mo i-try?”  

 

“Kasi gusto ko maging unang engineer sa’min,” sagot nito sa mahinang boses. 

 

Taiga rolled his eyes upon hearing Hokuto’s answer. “Anong connect? Try lang naman–uy, hala! May bagong bukas na karinderya!’ 

 

●・○・●・○・●



“Anong tingin mo, Taiga?” 

 

Agad na nilingon ni Taiga ang kasama. “Ha? Sorry, hindi ko narinig.” 

 

Nakakunot ang noo nito habang tinitignan siya. “Gusto mo umuwi na tayo? Galing ka pa sa shoot kahapon.” 

 

Nag-panic siya sa sinabi ng kasama. “Hala, hindi. Go tayo.”

 

 Nasa loob na sila ng tren ni Hokuto papunta sa Cubao. Ngayon kasi ang book release ng inaabangan nito na fictional series at nangako siya na sasamahan ito sa National Bookstore.

 

“Sigurado ka? Hindi ka ba pagod? Si Yugo nga umuwi agad, eh. ‘Di ba nagshoot din sila kahapon?” Kita niya ang pag-aalala sa mukha ni Hokuto. 

 

“Sure! One hundred percent! Sasamahan kita.” 

 

He saw the doubt in Hokuto’s eyes pero pumayag pa rin ito. They were silent until they reached Araneta Center-Cubao station. Sure siyang alam nitong pagod siya kaya hinayaan na lang siyang hindi nagsasalita. 

 

Nag-shoot sila ng silent film the day before. The location was in a residential area in Alabang. The shoot started in the morning and ended around eleven in the evening. Bilang wala ng tren, Taiga had to take the bus going home. Halos alas-tres na siya ng umaga nakauwi dahil nagpuno lahat ng sinakyan niya bago lumarga. And to make things more fun, 7:30AM ang first class niya kanina.

 

So yes, pagod ang katawang lupa niya but he doesn’t have to heart to cancel their plan. Sobrang cute kaya pag nag-gi-geek out si Hokuto tungkol sa librong binabasa nito. Wala itong pasok tuwing martes kaya sure siyang babasahin nito ang bagong libro. Wednesday will definitely be a treat for Taiga to witness Hokuto rave about the book.  

 

“Taiga?” 

 

Nagising ang diwa niya nang marinig ang boses ng tiyuhin niya. He saw his Tito Jun, mukhang galing pa itong trabaho. Agad na nilapitan niya ito para magmano. Hokuto was left standing a few feet away, watching them. 

 

“Galing po kayong work, tito?” 

 

His uncle looked past him and nodded at Hokuto. “Oo. Kayo ba? Galing school? Tapos na klase?” 

 

“Opo. May bibilhin lang libro.” Nilingon niya si Hokuto at pinakilala ito sa tiyuhin. 

 

“Pang-engineering ba hanap niyo? Aba, lumipat ka na ng kurso, Taiga? Tama ‘yan. Mas mainam pa ‘yan, kaysa sa masscom. Ano bang mapapala mo sa masscom?” sunod-sunod na sabi ng tiyuhin niya. He looks so delighted. Naputol lang ito nang mag-ring ang cellphone. “O siya, Taiga. Ikamusta mo na lang ako sa mommy at daddy mo. Una na ako. Ingat kayo.” 

 

When they cannot see his uncle anymore, Taiga sighed exasperatedly. “Wow. ‘Yung pagod ko ba pang-engineering student?” 

 

Hokuto grimaced. “Dahil ata suot ko ‘tong college shirt namin. Akala ata ng tito mo, magkaklase tayo.” 

 

After accidentally bumping into his uncle, Hokuto then got the signed copy of the newly-released book. Parang batang nakatanggap ito ng candy sa sobrang tuwa. He didn’t forget to snap a photo of Hokuto as he lined up to get his book signed. Especially when he was face to face with the author. Those pictures would definitely become some of his favorites. Buti na lang talaga gumaganda na ang quality ng mga camera phones. 

 

Nang makalabas sila ng National Bookstore, Hokuto insisted that they go straight home. Hindi na siya lumaban dahil ibang level talaga ang pagod niya. Tapos nakadagdag pa ‘yung mga sinabi ng tiyuhin niya. Ewan ba niya, hindi talaga siya ma–immune immune sa mga salita ng mga kamag-anak niyang hindi naman nagpapaaral sa kanya. 

 

“Ipapalabas daw sa auditorium ‘yung silent film na ginagawa niyo?” tanong ni Hokuto. Naghihintay na sila ng tren na magdadala sa kanila sa LRT Santolan Station. 

 

“Oo. In two weeks.”

 

“Pwede manood outsider?” 

 

“I guess? Hindi ko pa sure.” 

 

“Nood ako ‘pag pwede, ah? Sigurado ako maganda ‘yon. Ikaw nagsulat ‘di ba?” 

 

“Gagi, mas maganda concept nung kina Yugo. Tingin ko sila mananalo.”

 

“Competition pala?” 

 

Tumango siya. “Pero kami-kami lang naman. Lahat lang ng third years.”

 

“Okay. sa film niyo ako magchi-cheer.” Nginisian siya nito. 

 

“Magtatampo niyan sa’yo si Yugo.”

 

“E ‘di cheer ko pa rin film niya pero mas malakas cheer ko sa film n’yo. Ayos ba?” Hokuto even moved his eyebrows up and down comically to emphasize his point. “Promise, ichi-cheer ko kayo, kaya cheer up ka na ngayon. Hindi ka engineering student.”

 

Parehas silang tumawa dahil sa sinabi nito. Hokuto’s hand reached for his. Either pagod talaga o nanaig ang malanding side ng pagkatao niya dahil hindi niya hinila palayo ang kamay niya. Their hands stayed clasped together until they reached Santolan. Naghiwalay lang sila nang dumating ang sundo niya. 

 

Lord, I pray that we’re on the same page, munting dasal ni Taiga nang gabing ‘yon. 

 

●・○・●・○・●

 

Hindi na nga approved ‘yung thesis topic na pinasa nila, nalipasan pa ng gutom si Taiga. Kulang din sa tulog dahil sa magdamagang editing ng short film na kailangan ipasa sa susunod na linggo. May radio PSA rin na hindi pa nauumpisahan. 

 

And to add cherry on top, magkaaway pa sila ni Hokuto. 

 

Wala man lang nag-orient sa kanya na kapag pumasok ka pala sa isang relasyon, underneath all the kilig, posible rin palang makaramdam ng selos. It makes him irrational. Napakapangit sa feeling! 

 

It is not because Hokuto lacked actions and assurance. Sobra sobra pa nga. Minsan napapaisip siya kung deserve pa ba niya. Hindi ba parang sobra-sobra na ata ang swerte niya na nagmahal siya at minahal pabalik?

 

Well, well, well. 

 

Pero shet talaga! Sino ba naman kasi ang nagpauso na by partner ang research project? Pwede namang groupings, ‘di ba? ‘Yung marami. Hindi ‘yung by two's na inaabot ng gabi sa National Library para sa lintek na research na ‘yan. Halos lahat na ata ng library sa Maynila, napuntahan na ng dalawa.

 

The person in question is none other than ang Miss Engineering ng kolehiyo nina Hokuto. Beauty and brains. Ang liit ng maamong mukha, balingkinitan, maayos manamit. Kayang-kayang dalhin ang sarili. Nag-viral pa sa Facebook ang picture ng dalawa galing sa isang event ng Civil Engineering Department. The lady was dolled up, while Hokuto was just in his plain department shirt, jeans, and his worn-out Converse shoes. Hindi niya alam kung bakit magkasama ang dalawa sa picture. When he asked Hokuto about it, anito ay nagpapicture lang daw ito sa kanya after ng Mr. and Ms. Engineering. 

 

Sobrang fishy dahil ang daming kinikilig sa comment section. Bagay na bagay sila, according sa ilang shippers sa Facebook na gusto na niyang sabunutan. 

 

Kaunting tipa sa keyboard at scroll sa Facebook, napag-alaman niyang may crush pala si Miss Engineering sa kanyang Hokuto. 

 

Sorry ka na lang, girl.  

 

Pero tulad nga ng nasasaad sa non-existent relationship manual na binubuo niya sa utak niya, kasama pala ang selos sa pakikipagrelasyon. 

 

Hindi siya lumaking insecure. Ayaw na ayaw niyang kinukumpara ang sarili sa ibang tao. Magkakaiba naman kasi ang bawat isa. Pero malay ba niya kung anong meron kay Miss Engineering na lumalason sa matino niyang pag-iisip at selos na selos siya dito. 

 

Matapos maghiwa-hiwalay ang thesis group ni Taiga, he decided to go to Yugo’s org office. Sabay kasi sila nitong uuwi. Nagkalat sa hallway ang mga estudyante na nagpapractice ng sayaw, meron din para sa cheerleading competition na gaganapin sa susunod na buwan. May mangilan-ngilan na kumaway sa kanya but he was too tired to make small talk to each one of them kaya minadali niya na lang ang lakad. 

 

Nang papasok na sana siya sa office ay narinig niya ang mga pamilyar na boses kaya huminto siya sandali. 

 

“Napasa na namin research kanina. Wala namang naging problema sa prof namin. Hopefully, wala nang pahabol.” 

 

“E ‘di mabuti. Titigil na ang selos ni baks. Bakit mo kasi ginawang partner ‘yung may crush sayo?” 

 

He heard Hokuto’s frustrated groan. Na-guilty tuloy siya. “Bunutan kasi ‘yon. Hindi ko naman pinili. Nakakainis, miss ko na si Taiga."

 

Sunod na narinig niya ang mapang-asar na tawa ni Yugo. “Alam ko naman. Gusto lang kitang asarin. Maiintindihan din naman ‘yon ni Taiga. Hayaan mo muna siyang magselos.”

 

“Buti ‘di ka tulad ng iba na galit din ‘pag galit ‘yung bestfriend ‘no? You’re really the mom friend.” 

 

Tangeks, kailangan may mature sa friendship nating ‘to.”

 

“So immature si Taiga?” 

 

“Ay, gusto ng panibagong away.” 

 

“Hoy, ayoko na.” 

 

Malakas na tumawa ulit si Yugo. Napatingin sa direksyon ng office ang dalawang estudyante na napadaan, maging siya ay tinignan ng mga ito dahil nakatayo lang siya sa may labas. 

 

“Kidding aside, part kasi ng relationship ‘yang mga away. As Taiga’s best friend, all I want is for you to take care of him. The way I do. Seryosong usapan Hokuto, happy ako na happy si Taiga. Pero ‘pag seryosong bagay na, ‘pag may ginawa ka nang hindi tama, I’ll always be on his side. Manigas ka mag-isa d’yan.” 

 

“Paano ba ‘yan, hanggang kulubot na balat mo, kasama n’yo pa rin ako ni Taiga.”

 

Taiga was choking back tears after hearing them. Without saying anything, he went inside to give the two important people in his life a long, tight hug.

 

Taiga knows that there's nothing to be jealous about. Nadala lang talaga siya sa mga nabasa noon na comments na bagay ito at si Miss Engineering. Eh ano ba laban ni Miss Engineering sa kanya kung hanggang pagtanda ay kasama siya sa plano ni Hokuto?

 

 

●・○・●・○・●



Ilang linggo na lang at magtatapos na si Taiga ng kolehiyo. Finally, almost two decades na panay aral, magtatapos na sya. Masteral is still on the table, pero for now, mas excited si Taiga na matapos ang kalbaryo niya sa kolehiyo. 

 

On time naman siyang magtatapos. Kahit tuwing maabot niya ang rurok ng stress dala ng kaliwa’t kanang productions na hinihiling niyang bumalik ulit sa umpisa para kumuha ng ibang kurso, kinaya niya. 

 

Final exam? Thesis? Internship? Ayaw na niya. Nasa graduation day na ang utak niya. Hashtag Road to PICC.

 

Pero ang pinakakinasasabikan niya sa lahat ay sabay silang ga-graduate ni Yugo at Hokuto. Graduation goggles was real! Taiga was hella excited to leave school but was already feeling nostalgic. After all, dahil sa unibersidad na ‘yon, naging magkaibigan sila ni Yugo at nakilala niya si Hokuto. 



Bago pa siya tuluyang maging emosyonal habang naglalakad sa pathwalk palabas ng eskwelahan, minabuti na ni Taiga na contact-in ang boyfriend. Boyfriend. Kinikilig siya. All because of the excitement he feels from what the future holds for them. 



Agad niyang binuksan ang inbox, wow , there were some unpleasant messages mula sa mga kontrabida ng buhay niya.

 

Tita Tanya

Taiga, congratulations! I heard ur’e about to graduate. Summa cum laude k b…

Tito Jun

Balita ko running for cum laude ka? Congrats sayang naman, hindi pa summa

Tita Maricel

Akala q maggng summa k n nonboard nmn kinuha m congrats pa rn

AA Mommy <3 

Hnd m n naman pinatay ilaw sa CR tutuktukan tlga kta

Hokuto <3

Congratulations, my cum laude! Proud of you. <3 

AA Daddy <3

Ingat, dad!

 

Akala pa man din niya ay nakalimutan na siya ng mga ito. Gustuhin mang sagutin ni Taiga ang mga ito, gustuhin man niyang isigaw ang inis na nararamdaman niya, pinili na lang niyang manahimik. Ga-graduate na siya. Deadma!

 

 

 

Time quickly went by. After his graduation ceremony, Taiga made sure to take photos with his classmates, the friends he made through academic clubs, and of course, with Yugo and Hokuto. Mabilisan nga lang dahil ang parehong pamilya nito ay magse-celebrate pa. 

 

Of course, hindi nagpatalo ang magulang niya. His mother threw him a huge party in their house. Invited pa ang ilang kamag-anak niya na maraming side comments, inignora niya ang mga ito at pinilit maging masaya para sa regalong sasakyan ng tatay niya.

 

Mukhang ayaw na nitong ipag-drive siya sa kung saan man siya pupunta. 



“Love, tapos na interview.” masayang balita niya kay Hokuto. Kausap niya ito sa cellphone habang naglalakad sa loob ng MRT Station. 

 

Nagbakasakali sila ni Yugo na mag-apply sa isang FM radio station, isa sa maraming kumpanya na in-apply-an nila. Sa totoo lang, medyo nababahala na siya. Anim na buwan na mula nang magtapos sila ng kolehiyo. Ang ibang mga ka-batch niya, may mga trabaho na. Pero siya, heto naghahanap pa rin. Si Yugo, kaka-resign lang sa isang production house. Ayon dito, wala daw learnings. Kaya piniling umayaw kaysa mabulok. 

 

Second job na ng bestfriend, pero siya, ni isa wala pa. 

 

Understandable naman sa sitwasyon ng bansa. Mahirap talaga. HIndi lang naman siya ang naghahanap. Pero nakakaramdaman na kasi siya ng pressure. Pressure, also known as kuda ng mga kontrabida sa buhay niya. Kailan kaya titigil ang mga ‘yon? 

 

Panay kaluskos ang naririnig niya sa kabilang linya. Mukhang abala sa tindahan ang boyfriend niya, “You did well, love! Sorry, nalaglag sa mga tela ‘yung phone, hinanap ko pa.” Hokuto even giggled over the phone. Naiimagine niya ang ngiti nito. 

 

“Punta ako dyan.”

 

“Ha? Naghanap ka ng work, ‘di ba? Hindi ka pa ba pagod?”

 

“Ayaw mo ba akong makita?”

 

“Syempre hindi ganon–”

 

“Ayaw mo ata eh.”

 

“Love, ang tagal mo. Kanina pa kita hinihintay.”

 

Taiga snorted, “see you! Byahe na ako ah. I love you.”

 

Malaki ang ngiti sa mga labi ni Taiga nang matapos ang tawag. Itinago niya ang phone sa bag. He couldn’t contain his happiness. Excited siyang maktia ang nobyo.

 

“Pabebe, amputa. Kairita.” ani Yugo, lukot ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Sabay silang naglalakad sa loob ng mrt hanggang makarating sa platform para maghintay sa train. 

 

Taiga rolled his eyes at his best friend. “People with no lovelife can’t relate.”

 

“Ewan ko sa’yo. Dapat talaga helmet-an mo ‘yang si Hokuto e. Baka biglang matauhan ‘yon at makakita ng iba.” 

 

Marahan niyang hinampas ang braso nito. “Pasmado bibig mo. Hindi porket wala kang pag-ibig, gusto mo na lahat ng tao, wala.”

 

“Sinong nagsabi sa’yong wala?” tinaasan siya nito ng kilay.

 

“Sa gaspang ng ugali mo, meron?” sagot niya pabalik dito.

 

“Pero mas priority ko ang work.” ani Yugo. Nahihimigan niya ang frustration sa boses nito. Kung sabagay, isang buong araw din silang naghanap ng work. Dalawang radio station at isang production house na kilala sa paggawa ng mga commercials sa TV. 

 

“Same, beb. Ayokong wala akong work by Christmas. Sure ‘yon, ipo-point out na naman nila na mali ang kinuha kong kurso. Hindi ko pa ma-enjoy ‘yung Noche Buena.”

 

“Until now? Graduate na nga tayo. Cum Laude ka pa.” 

 

“Ano naman kung Cum Laude, eh wala namang c-p-a o e-n-g-r sa pangalan ko ngayon.” 

 

“May additional letter ka naman sa mga public records. M-R. Mister Taiga Kyomoto.” 

 

“Bantot.” Taiga made a face. “Pero beb, makakahanap pa kaya ako ng work? Ang hirap. Nasabihan naman tayo na mahirap maghanap, pero hindi ko naman ine-expect na ganito kahirap maghanap.” 

 

“Oh? Don’t tell me, suko ka na? Huy, ‘di pa start.” Tinaasan siya ng kilay ng best friend. “Makakahanap din tayo.”

 

They continued talking, Yugo comforting him with his words until they had to part ways. Uuwi ito sa kanila, at siya naman ay didiretso sa Divisoria. 

 

Taiga was already familiar with Divisoria. May asawang instik kasi ang tito niya, tuwing kaarawan nito ay isa ang pamilya niya sa naiimbintahan sa condo unit nito sa Binondo. Every time they leave their place, lagi siyang hinihila ng nanay niya na mamili ng mga gulay at prutas sa Divisoria. Mas fresh at mas mura kasi ang mga ito kaysa sa Pasig Palengke.

 

Taiga knew about Tutuban Mall. Hanggang sa magkaroon ng 168, tapos nasunog ang Divisoria Mall, nagkaroon ng bagong 999 Mall. But he never knew 11/88 Mall existed until Hokuto brought him to their store. Same layout like other establishments, mas tago lang ito.

 

Kahit masikip, maalinsangan, may kaunting sangsang ang amoy ng hangin papunta, excited si Taiga na makita ang pamilya ni Hokuto. Pansamantala niyang nakakalimutan lahat ng magugulong nasa isip. 

 

In no time, nakarating din siya sa tindahan.

 

“Taiga, nabisita ka,” nilapitan siya ng nanay ni Hokuto para yakapin.

 

Maliit lang ang pwesto ng tindahan nila dito. May ilang mga manekin na nakasuot ng sari-saring kulay ng gowns. May ilang tuxedo ring nakadisplay sa mahabang rack. Sa loob ng tindahan ay naroon ang dalawang makina sa pagtatahi. Meron din silang malaking salamin, sa tabi nito nakatupi ang makapal na itim na tela na para sa make-shift fitting room. 

 

“Nakahanap ka na ng work?” tanong ni nanay ni Hokuto. May kung ano itong kinakalkal sa loob ng malaking box. 

 

“Wala pa po,tita. Interview ko po kanina sa All-Night radio.”

 

“O kamusta naman?”

 

“Ma! Kulang tayo ng dark blue– Love!” 

 

Dumating si Hokuto sa tindahan na aligaga. May medida pang nakasabit sa balikat nito at may hawak na tingin niya ay long gown sa bisig nito. Adorable!

 

“Hey, there,” bati niya rito. 

 

“Ano ‘yon, ‘nak?”

 

Hokuto turned to his mother after giving him a quick forehead kiss. “Kulang tayo ng dark blue tulle, ma. Nagamit na ba natin ‘yung huli?”

 

“Dark blue? Ay naku, wala na 'nak. Naubos na.”

 

Hokuto breathed out, mukhang pagod na ito. 

 

“Bilhan kita kina kuya Boyet. Ilang yarda ba?” alok niya rito at ibinaba ang bag sa tabi ng makina.

 

Although weariness still visible on Hokuto’s face, tinanggihan nito ang offer niya. “Pumirmi ka dyan. Kagagaling mo  lang sa labas.”

 

“Sus, ano ba? Dyan lang naman ‘yon sa 999. Saka, tropa na kaya kami ni kuya Boyet.” 

 

“O, Taiga, andito pala ang paborito ko.”

 

Nalingunan niya ang tatay ni Hokuto na nagbababa ng ilang rolyo ng tela. Mukhang dagsa talaga ang orders sa patahian ng pamilya nito. Sabagay, tuwing huling quarter kasi ng taon, lalo na ‘pag December, marami na ang nagpapagawa ng gowns para sa prom. 

 

“Kumusta, tito? Huwag mo naman agawan ng trabaho si Superman, dami-dami mong binubuhat oh,” biro niya rito pagkatapos magmano. 

 

“Mas pogi naman ako doon,” sagot nito sa kanya. The old man didn’t forget to ruffle his hair, a habit he formed throughout the years. “May work ka na?”

 

Tinulungan niya itong itabi ang mga dalang tela. At the same time, he glanced at his boyfriend who joined his mother rummaging the box on the side. 

 

“Naghihintay pa rin po sa tawag, tito.” sagot niya. “Dami niyo pong orders, ‘no?”

 

“Tumpak. Dagsa ang mga customers,” anito. Nang maisalansan nila ang mga tela ay naglakad ito palapit sa asawa. “sa dami ng nagpapagawa, hindi na ako pinapansin ng maganda kong misis.”

 

Lumabi pa ang tatay ni Hokuto habang nakatingin sa asawa ito. Ngunit ang ginang ay abala sa pakikipag-usap kay Hokuto. Parehas silang natawa ng ama ng nobyo.

 

“Kita mo ‘yan,” sumbong nito sa kanya. 

 

“Ay si tito, gusto pang magtampo.” kantyaw niya dito. “baka hindi lang kayo narinig.”

 

Ito ‘yung gusto niya kapag kasama niya pamilya ni Hokuto. Nakakahinga siya. Walang nagsasabi na sana ganito ganyan ginawa niya. Walang pagko-compare sa nagawa ng iba. Walang pressure. Masaya lang. Hindi naman siya pine-pressure ng magulang niya. ‘Yung tatay niya nga, mas gustong mag-travel daw muna sila buong pamilya. Pero siya kasi, gusto na niya ng work. Dahil numinipis na ang pisi niya sa mga kamag-anak at baka first time niyang masagot ang mga ito. 

 

“Sinong gusto ng meryenda?” bahagyan nilakasan ng tatay nito ang boses. Effective naman dahil nakuha ang atensyon ng asawa at anak nito. Hagalpak siya sa tawa nang sumimangot ang tatay ni Hokuto. “Ganito na lang ata ang silbi ko dito. O, anong gustong meryenda ng misis ko?”

 

“Kahit ano,” Hokuto’s mother said dismissively. 

 

“Ang hirap naman niyan, mahal. Saan ba nabibili ‘yan?” 

 

“Ay, mag-isip ka. Malaki ka na.” Finally ay nilingon nito ang asawa. “Samahan mo na rin kaya si Taiga na bumili kay Boyet. Kailangan ng tulle ni Hokuto.”

 

“Ikaw, love? Anong gusto mong meryenda?” tanong niya. Nang hindi makasagot ito dahil abala sa pagtitingin ng mga gawang gowns, he offered one of his favorites from the store downstairs, “gusto mo ba ng lumpiang sariwa?”

 

“Sige po.” agad na sagot nito. “Kay tita–”

 

“Tita Singkit, yes. One lumpia with malamig na malamig na coke. Got it.” 

 

Hokuto smiled at him fondly, gently squeezing his hand before he attended a new customer. Siya naman ay sumunod na sa tatay ni Hokuto para pumunta sa 999. Tawid lang naman ‘yon ng 11/88. Sa basement ang tindahan ni Boyet, isa ito sa mga suking tindahan ng pamilya ni Hokuto. Kilala na rin siya nito dahil ilang takbo na rin ang ginawa niya kapag nagkakaproblema sa tindahan. Taiga helps the business in all ways he can. 

 

Hindi muna sila dumiretso sa tindahan ni Boyet dahil nagyaya ang tatay ni Hokuto na bumili muna ng buko juice sa labas ng 11/88. 

 

“May naikukwento ba sa’yo si Hokuto, Taiga?” kapagkwan ay tanong ng kasama. Pareho nilang iniinom ang kanya-kanyang buko juice.

 

Parang tinambol ang puso niya dahil sa pagkaseryoso ng mukha nito. Palabiro kasi itong tao, palaging nakangiti. Kahit pagod na sa maghapong paglagi sa tindahan ay hindi halata dahil likas na masiyahin itong tao. 

 

Sobrang kabado si Taiga noong araw na ipapakilala na siya ni Hokuto sa pamilya nito. Gustong-gusto na niyang mag-back out sa kaba. Paano kung ayaw ng mga ito sa kanya? Paano kung hindi nito tanggap kung ano silang dalawa ni Hokuto? But it was Hokuto’s father who eased all his worries away. His bubbly personality, which was a total opposite of Hokuto, welcomed him. Maging ang ina ni Hokuto, bagaman mukhang masungit na namana ni Hokuto, ay sobrang bait. Never pinaramdam ng mag-asawa ng iba siya. They welcomed him as part of their family. 

 

And that was the first time Taiga saw his boyfriend’s father with a serious face. Malayo ang tingin nito sa kawalan. “Tungkol sa board exam niya.”

 

Magte-take ng Civil Engineering board exam si Hokuto in three months. Nag-enroll ito sa isang review center sa Recto, sinamahan niya pa ito noon. His boyfriend was juggling reviewing and work. Madalas niya itong paalalahanan na magpahinga. Hindi rin kasi biro ang magdisenyo at magtahi, at the same time, nag-aaral rin para sa isang board exam. Sa pagkakaalam niya, despite of his hectic schedule, Hokuto was doing well in his review classes. 

 

Napakunot ang noo niya sa tanong nito, “Wala naman po, tito. May problema po ba?”

 

Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "Alam mo ba? Simula nang makilala ka niya, bumalik ang interes niya sa mga gowns. Dati, pa-drawing-drawing lang ‘yon. Tapos nagpaturo sa nanay niya na magtahi. Dahil don, nakalimutan na niya 'yung pangarap niyang maging engineer.

 

...buti nga naka-graduate pa 'yan. Gusto ko sana makapagtapos siya ng may laude, kaso hindi. Na-busy kakatahi sa tindahan. Muntik pa nga ‘yan bumagsak noon. Nasabi niya ba 'yon sa'yo? Imbis na mag-aral para sa exam, eh tindahan ang iniisip. Panay drawing. Panay tahi. Alam mo bang minsan uma-absent na 'yan sa review center sa dami ng nagpapatahi? Nalilihis na ng landas ang anak ko. Heto nga ako at kinakabahan, Taiga. Hindi ko sigurado kung makakapasa siya ng board exam sa lagay na 'yan."



Taiga's whole body was trembling. Nanghihina ang katawan niya habang pinapakinggan ang sinasabi ng ama ni Hokuto. Parang may sumuntok sa tiyan siya. 

 

Being the only child of two successful parents, since he was young, everyone was fond of him. Sa atensyon na binibigay sa kanya, ramdam niya na siya ang paborito ng lahat ng mga tiyuhin at tiyahin niya.  Each one of them wished him well. Nang tumanda siya, he realized that all the words that they had been telling him weren't really praises but felt more like demands for him to do well. 

 

Tama nga siya. One mistake turned their behavior upside down. 'Yon ay noong natanggal siya sa Top 10 students nang magtapos siya ng highschool. Suddenly, parang inutil ang tingin ng mga ito sa kanya na kailangan ng guidance. Their disappointment was engraved in his mind. 

 

Pero kahit gusto niyang i-please ang mga ito, hindi niya kayang isantabi ang pangarap niya para sa mga ito. Kaya kahit panay ang kontra ng mga ito, tinuloy niya ang pagkuha ng BroadComm. Years of affection turned to dissatisfaction. 

 

He turned his head away from Hokuto’s father. Tinatambol ang dibdib niya. Hindi niya gusto ang mga naririnig. Para bang nakasasalay sa kanya ‘yung kinabukasan ni Hokuto. That him being there made him turn his back to his previous dream. That if not for him, sure na sana ang apat na letrang dagdag sa pangalan ni Hokuto. 

 

Tangina, hindi na nga niya masimulang abutin pangarap niya tapos heto, meron palang isang taong na nalalayo sa pangarap dahil sa kanya.



'Simula nang makilala ka niya' . That phrase kept ringing inside his head. That’s it. May isang tao na naman na disappointed sa kanya.



"Baka naman pupwede mong kumbinsihin si Hokuto na tigilan na niya ang interes niya sa tindahan,” pagpapatuloy nito. Sa pagkakataon na ‘yon, tumingin siya ulit dito. “Paalala mo naman sa kanya na ang pangarap niya talaga ay maging engineer. Hindi naman mawawala ang tindahan dahil andyan naman ang mama niya. Si bunso naman talaga ang dapat magtutuloy ng tindahan. Siya lang naman ang nagpakita ng interes bata pa lang. Huwag mo sana masamain itong mga sinasabi ko sa'yo, Taiga."



'Simula nang makilala ka niya.'

 

Hindi na gumana ang utak niya. Nanginginig ang kalamnan niya. Nanghihina ang mga tuhod niya. Para lang siyang tuod na sumunod sa tatay ng nobyo para bilhin ang mga dapat bilhin.

 

After that talk, the man went back to his usual self. Nakabalik pa sila sa tindahan, dala-dala ang tulle at mga meryenda. Despite everything, he managed to smile at his boyfriend fondly. Sabay pa silang umuwi nang gabing 'yon. Piniling mag-commute kaysa sumabay sa mga magulang nito pabalik ng Rizal. 

 

Habang kumakain sila ng binili nitong adobong mani sa ilalim ng waiting shed sa labas ng Santolan Station, pinagmamasdan niya ito habang kinukwento ang mga bagong designs na naisip nito. 

 

"Bukas, love, ipapakita ko sa'yo 'yung mga bago kong sketches." Napahinto ito bigla at humarap sa kanya. Using the back of his hand, Hokuto pushed some stray hair away from his face. "Bibisita ka naman bukas sa shop 'di ba?"

 

'Simula nang makilala ka niya.'

 

DId he fail to see what was really going on? Taiga knew about Hokuto’s dream to be an engineer. Seryoso talaga ito sa pag-aaral. Even during their college days, whenever he asked him to go on a date, Hokuto would politely decline if he got any important exam soon. He respected Hokuto’s time, the same way the guy respected him. 

 

Did all the rainbows and butterflies blind him, that he failed to see Hokuto slowly slipping away from his dream? Panay tulak pa naman siya dito na ipagpatuloy ang pagdidisenyo ng mga gowns at suits. He never knew about the time when Hokuto almost failed back in college. HIndi rin niya alam na hindi na ito nakaka-attend ng review classes. Hindi niya rin alam kung kailan ito huminto magkwento sa kanya tungkol sa pangarap niyang maging unang inhinyero ng pamilya nila. 

 

“Love, naalala mo ba ‘yung June bride natin? Si Ma’am Venus? ‘Yung mabait na galing pang Batangas?” Malaki ang ngiti sa labi ng nobyo. Naiiyak siya, but he had to supress it. Ayaw niyang sirain ang mood nito. “Bumalik siya kanina. Nagrefer ng bagong customer, pinsan niya. Gusto rin magpagawa ng wedding gown. At anim na pares para sa mga abay!” 

 

Pinagpatuloy nito ang pagkukwento. Hokuto looked so happy. Hindi alintana na maghapon itong nasa tindahan. Nag-aasikaso ng mga customers at nagtatahi in between. He was just beaming with joy, that weariness couldn’t even outweigh how happy he was. Hokuto loves what he does.

 

"Mahal kita, Hokuto." 

 

Nagsalubong man ang kilay nito pero nginitian siya nito. "I love you." 

 

A tear escaped his eyes. Mabuti na lang at umihip ang malakas na hangin. He acted as if something got in his eye. 

 

'Simula nang makilala ka niya.'

 

Taiga wanted to stop his inner turmoil. Alam niyang hindi ‘yon ang tama. May iba pang solusyon. At lalong hindi siya ang dapat mag-isang magdesisyon.

 

Taiga was aware of it. His mind listed countless reasons to stop himself. Pero isa lang ang gusto niyang solusyon sa problema na kinakaharap niya nang mga sandaling ‘yon. He wanted the weight in his heart gone. 

 

Huminga siya nang malalim bago hinarap ang nobyo. Hokuto was looking at him fondly. Sorry, Tito. Hindi ko kayang pigilan si Hokuto na gawin ang bagay na gusto niya. 

 

"Ayoko na, Hokuto. Maghiwalay na tayo."

 

He left the instant his dad's car stopped in front of them, leaving Hokuto taken aback with a broken heart. Taiga didn't dare to look back, especially how his voice broke when he called his name. 

 

Hindi niya kaya. 

Chapter End Notes

the "alas three thirty ng hapon" may or may not be a personal experience sdfjdhksjasj

anyways... sana naiparating ko 'yung gusto kong mensahe sa'yo.
salamat sa pagbabasa!
sana lagi kang nalalamigan ngayong bwakanangshit ang inet.

Chapter 3

Chapter Summary

Ayon sa horoscope ni Hokuto sa araw na 'yon, ang lucky color niya ay pink. Lucky nga ba?

Chapter Notes

Huy, welcome back! pasensya ka na at natagalan. kung may typo man, hindi 'yon totoo.

 

●・○・●・○・●

 

 

 

Iba-ibang klase ng customers ang nakakasalamuha ni Hokuto sa kanyang munting tindahan. Merong maraming requests para sa gagawing bridal gown. Merong mapapel na mother of the bride. Merong bride na kasama ata ang buong angkan. Syempre, hindi rin mawawala ‘yung mga customers na babaratin siya. ‘Yon talaga ang ayaw niyang nae-encounter. Akala ata ng iba, puchu puchu lang ang mga obra niya. Dahil madalas din siyang bantay ng tindahan nila noon, handa siya kung anong klaseng customer man ang dumating. Batak na siya, and he always does his best to accommodate them. 

 

And just like any other day, pinaghandaan din niya ang pagbisita ng kababatang si Jesse, kasama ang mga kaibigan nito. He knew that his best friend is dating Yugo, a college friend of his. He considered Yugo as someone from the past that he didn't really like to meet again. Teka, teka. That sounded harsh. Alam naman niyang walang ginawang mali si Yugo, but Yugo means Taiga, his ex who left him. Sapat namang sigurong dahilan ‘yon para hindi niya gustuhing makita si Yugo, ‘no?

 

Hindi man niya nakasalamuha ito at si Jesse, para na rin niyang na-witness kung paano na-develop sa isa’t isa ang mga ito. Jesse was very vocal about it, at kahit disoras ng gabi, ay tumatawag ito para lang magkwento at ilabas ang kilig na nararamdaman. 

 

Masaya siya para sa kaibigan at sa dating kaibigan. Just because he failed in love once doesn’t mean na magiging bitter na siya sa relasyon sa iba. 

 

Jesse had insisted a lot of times for him to meet his then-boyfriend Yugo. Halos masaid na utak niya kakaisip ng excuse, huwag lang talga silang magkita. Kasi nga, Yugo means Taiga. 

 

Pero syempre, darating ‘yung panahon na hindi pwedeng lagi na lang siyang iiwas. Nang magsabi si Jesse na magpo-propose na ito kay Yugo (surprise! Yugo had a ring for Jesse, too), hinanda na niya ang sarili niya para sa mga susunod na buwan. ‘Di ba nga kasi, Yugo means Taiga. 

 

“Thank you Hoks for doing this. Kiss kita mamaya,” ani Jesse habang nakaakbay ito sa kanya. They were waiting for Jesse’s groomsmen to arrive in his shop. “Mamaya na para dalawa kami ng fiance kong kikiss sa’yo. Both cheeks.”

 

Nakangiwi siyang kumalas sa pagkakaakbay nito sa kanya. “Sakit mo sa mata kapag kinikilig ka.” 

 

“Fiance ko na, eh.” mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ni Jesse. Napailing na lang habang natatawa si Hokuto. He likes seeing Jesse this happy. 

 

Hindi rin nagtagal, isa isa nang dumating ang mga groomsmen nina Jesse at Yugo. Talagang huli pang dumating ang ex niya, na kahit habol hininga, may butil-butil pa ng pawis sa gilid ng mukha, at may magulong buhok, gago, he still looks–

 

Trabaho, Matsumura, trabaho, paalala niya sa sarili. 



Today was tiring but Hokuto’s pleased. Makita ba naman niyang yamot si Taiga nang tanungin niya pangalan nito, sinong hindi matutuwa? Hokuto was entertained the whole time their group was in his shop. Kaya naman kahit drained na siya sa maghapong pagtatrabaho sa tindahan, pumayag agad siya nang yayain siya ni Jesse para mag-dinner to formally meet his fiancé. Hindi siya nagsisisi. Ang saya palang banasin ng ex niya. 



Oh boy, for sure mas mae-entertain siya sa mga susunod na linggo hanggang sa ikasal ang mga kaibigan nila. 




●・○・●・○・●

 

Jesse Lewis



So you and Taiga? 😌

I just want to ask 🎤🎤🎤

Nahatid mo ba? 😌



No. 

 

Ang hina mo, bro. Hindi kita pinalaking ganyan. 

 

?





Yugo Kochi

 

Good to see you again, Hokuto. 

Grabe small world. nasa paligid ka lang pala. 

Ingatan mo bestie ko ah? Tatanga-tanga talaga ‘yan. 



9:34PM

 

Ayaw niya sumabay sa’kin eh. 

 

Hala si bakla nagpakipot

 

 

 




●・○・●・○・●

 





Jesse, Yugo

 

Hokuto

Good day! I just want to inform you na ready na for fitting ‘yung mga tux. 

For the bridesmaid gowns, the target date for fitting is two weeks from today. 

Nagka-delay lang sa materials. Hope you understand.

Your groomsmen can drop by our shop anytime. 

Thank you. 

 

Yugo

Ang formal mo naman beh

Parang hindi tayo naghahati sa kwek kwek dati

 

Jesse

Para namang hindi tayo magkakampi sa patintero nyan

 

Yugo

Parang hindi tayo nagshare sa coke float dati kasi di natin afford tig-iisa

 

Jesse

Parang naman hindi tayo nagchichinese garter noon

 

Yugo

Sino mother sa inyo?

 

Jesse

Me of course HAHAHAHA

 

Hokuto

Mga baliw. Syempre clients ko pa rin kayo.

 

Jesse

May discount ba as kababata mo?

 

Hokuto

Libre ko na ‘yung sa inyo ni Yugo

 

Yugo

Wala bang ex discount? 

 

Hokuto

Wala.

 

Jesse

Songs bro

 

 

 

●・○・●・○・●

“Hoks, inom?” 

 

Muntik nang maibuga ni Hokuto ang iniinom na coke dala nang gulat sa biglaang pagbukas ng kanyang pinto. At ang salarin? Ang kabababata niyang si Jesse Lewis. Dumiretso ito sa pang-dalawang sofa sa kanyang kwarto at doon binagsak ang higanteng katawan nito.

 

“Uso kumatok.” pinunasan niya ang bibig gamit ang likod ng kamay dahil may tumulo sa baba niya. Leche , kalalagay niya lang ng sunscreen.  

 

“Nanonood ka bang porn?” nakataas ang isang kilay nito, parang hinuhusgahan ang buong pagkatao niya. Talaga nga namang ‘yun pa ang unang pumasok sa utak ng kaibigan. 

 

Sinamaan niya ito ng tingin. “Bakit iinom? Alas-diyes pa lang ng umaga.”

 

“So? Wala namang rule na bawal mag-inom ‘pag umaga.” sagot nito. Nakataas na naman ang kilay.

 

“Tuesday pa lang.”

 

“So? Wala namang rule na bawal–”

 

Puta , bakit ka nga kasi nagyayaya ng inom?” 

 

“Hot ng mura. Pa-kiss nga!’ akmang tatayo talaga ito para lapitan siya pero agad niya itong binato ng medida na nasa lamesa niya. Sapul ang kaibigan niya sa noo bago nito nasalo ang panukat.

 

“Hindi pa ako nag-aalmusal, Jess.” 

 

“Ay, e ‘di tumayo ka na diyan. Make breakfast for the two of us!” Pumalakpak pa ito, ala-donya bago iminuwestra ang direksyon ng pintuan ng kwarto niya. 

 

“May patago ka?” tanong niya rito, kunot ang noo. “Maling-mali talaga na sinabi ko kung saan ako nakatira sa’yo, eh.”

 

Pinagtagpo ata talaga silang dalawa para makunsumi siya sa kaibigan. Kung naimbento lang talaga ang time machine, babalik siya noong gabing napilit siya nitong isama sa bahay niya nang bumukod siya. Hanggang ngayon, sinisisi niya ang tapsilog na kinain nila nang gabing ‘yon. Pwede niya siguro iyon i-report sa Public Health City Office dahil tingin niya ay marami ang betsin ng pagkain niya kaya wala siya sa tamang pag-iisip at isinama ang kaibigan pauwi. 

 

“Hard naman, paps . Kita nang may problema ‘yung tropa mo oh.” ngumuso pa ito para dagdag sa acting. 

 

Napabuntong-hininga na lang siya. Saglit niyang binalik ang atensyon sa laptop. Magrereply sana siya sa mga inquiries sa Facebook page ng tindahan niya.  Kaso tingin niya ang seryoso ang ganap ni Jesse kaya in-exit niya ang tab at sinara ang laptop. Bahala na ang staff niya na nasa tindahan ang sumagot.

 

“The floor is yours.”

 

“Uy, gagi ‘wag. Mawawalan ka ng sahig.” sagot nito saka tumawa nang malakas. Sayang-saya ito sa sariling joke. 

 

“Umuwi ka na punyeta.” Napahilot siya sa sentido. Ang hirap kausap ng kaibigan, katumbas ni Jesse ang tatlong aligagang bride na nakakausap niya sa araw-araw. Kay aga-aga!

 

“Joke lang.” umayos ito ng upo at sumeryoso ang mukha. Jesse sighed. “Na-scam kami..”

 

“Scam? Saan?” 

 

Stock market kaya? Jesse has been doing stocks on the side. Matagal na rin siya nitong ine-enganyo kaso busy talaga siya at walang oras para aralin ‘yon.  O baka naman sa bahay? Nagbabalak ito at si Yugo na bumili ng bahay at lupa sa same subdivision kung saan sila lumaki ni Jesse. Mukha pa namang hindi katiwa-tiwala ‘yung ni-refer ni Mang Boyet na nagbebenta daw ng lupa sa kabilang kanto.

 

“Wedding planner.” sagot ni Jesse. Napailing na lang ang kaibigan. “We got scammed. Yugo is raging mad.”

 

“Oh.” Oh. The sunshine personified Yugo is raging mad. Damn. Isang beses niya lang nakitang nagalit ang kaibigan. Nang magsabay-sabay ang puyat, stress sa production noong college sila, at gutom. Deadly combination. The thought sent shivers down his spine.

 

“Good thing, we haven’t paid her in full yet.” Jesse added before sighing again. “Pero, tangina. That was 50k. Laki pa rin.” 

 

“Magkano ba total dapat?” 

 

“Eighty.” 

 

“Tangina, paano ka na-scam?” Despite his gagong personality, Jesse is a smart guy. Hindi ‘to basta-basta gumagawa ng desisyon, lalo na kung usaping pera. 

 

“Referral. Ka-trabaho ni Yugo dati sa isang movie. We actually went to the wedding together. Kaya nga sold kami kasi ang smooth talaga ng wedding. Ang ganda ng lahat. Tapos, shit, I don’t know what happened. She disappeared off the face of the earth.” Jesse scoffed. “As we’re talking right now, I’m pretty sure Yugo is already getting his guns ready for his colleague.” 

 

“Mayaman ka naman ‘di ba?”

 

 “Hoks, 50k is still 50k.” may diin ang salita nito. 

 

Marahas siyang umiling. “Yugo. Kaya mo naman siya sustentuhan ‘no? Baka matanggal ‘yon sa project. Handa ka namang sustentuhan siya kung sakali?”

 

“Oh, no!” agad nitong kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon. Nadulas pa nga iyon sa kamay nito at bumagsak sa sahig. Buti na lang sa carpet ito bumagsak. 

 

Biro lang naman niya ang pagsustento kay Yugo. Tingin niya naman ay parehas nang stable ang mga ito. Afterall, masasabi na niyang successful direktor na si Yugo. Ilang linggo ang itinagal ng MMFF film entry nito noong Disyembre.

 

Hokuto watched Jesse open his phone and he was actually expecting him to call Yugo. Kaso nakakunot lang ang noo ito habang nakatingin sa cellphone. Then a few seconds later, Jesse heaved a sigh of relief. 

 

“Balita?” 

 

“He’s calmed down a bit. Nakapag-rant na daw siya kay Taiga.” Jesse answered, putting his phone away. “Thank god. Siguro naman walang kinalaman ‘yung dating ka-work n’ya ‘no?”

 

Kibit-balikat ang sinagot niya dito. Malay ba niya. Pwede kasing magkakuntsaba pala. Pinalabas nilang sobrang ganda ng first wedding to get potential victims. And when couples were already paid, saka na magtatapos ang ultimate scam. Benefit of the doubt? Sus, mabuti ng maingat. 

 

“So ano, inom?” pukaw ni Jesse sa atensyon niya. “Dali na. I’ll fly back to Singapore next week.”

 

“Gago, iiwan mo kay Yugo ‘yung gulo na ginawa ng wedding planner n’yo?” 

 

He’s no relationship expert, iisa lang naman ang matuturing niyang relasyon his entire life, but he thinks it’s not the best idea to leave. Working with brides and grooms, alam niyang ibang level ng stress ang nagagawa ng wedding preparation. Saksi siya iba’t ibang klase ng burst of emotions. 

 

“As much as I want to stay, I have to go back. Pero babalik din naman ako agad. It's like we're back to zero, eh.” seryosong anito. 

 

“You’re not. May susuotin pa rin naman kayo.”

 

“Damn, kaya I love you, eh!” Jesse was about to give him a hug pero agad niyang sinipa ang hita nito palayo. “You woke up and chose violence today.” 

 

“Nagdidilim talaga paningin ko sa’yo ngayong umaga.” sabi niya, may pagbabanta sa boses.

 

Dala na rin ng ilang taon nilang pagkakaibigan, hindi nito pinansin lahat ng protesta niya. One thing to know about being Jesse’s friend, you have to be prepared for his spontaneity. He’d come without any notice. You’d think normal na araw lang, pero may ibang plano si Jesse. Hindi nauubusan ng plano. Basta ka na lang nitong hihilahin kung saan nito gustong pumunta. One cannot simply say ‘no’ to Jesse. 

 

Kaya heto sila, nasa isang korean grill restaurant at siya ang nakatokang mag-ihaw. 

 

“Bawal ba magpatugtog ng hindi k-pop kapag nasa samgyupan ?” 

 

Hokuto’s hand stopped midway, nakasipit pa sa tong ang lutong meat na ilalagay na sana niya sa plato ng kaibigan. Akala ni Hokuto nanggagagong tanong na naman ito, pero gulat siya dahil seryoso itong nakatingin sa wall-mounted TV, flashing some k-pop music video. 

 

“For the vibes, I guess?” said Hokuto. Tinuloy na niya ang paglalagay ng mga meat sa plato nito. Sinalang na rin niya pagkatapos ang kasunod na batch. 

 

“Nice, ang daming side dishes.” Jesse said in delight. Kumuha ito ng chopsticks at isa-isang tinikman ang mga ito. “Anong tawag dito?” 

 

Tinikman ni Hokuto ang kinain ng kaibigan. “Ah, kamote ‘yan. I don’t know what it's called.”

 

“No. It’s called k-mote.” 

 

“K–what?”

 

“K-mote.” ulit ni Jesse with a straight-face. After a few seconds, tinuro nito ang wall-mounted TV. “K-pop. K-mote.”

 

Hokuto had to take a deep breath nang maintindihan niya ang joke ng kaibigan. Gusto niyang pigilan ang pagtawa, pero ang hirap kung walang emosyon ang mukha ng kaibigan. As if Jesse was spitting facts.

 

“Sarap.” Iyon na lang ang nasabi ni Hokuto.

 

“Yayain ko rin nga si Yugo dito.” usal ni Jesse after a while. “Not the best, but pwede na.” 

 

“Right.” sagot niya. “Kahit saan naman, g kumain ‘yon.” 

 

“Tell me paano ulit kayo naging magkaibigan.” Abala si Jesse sa paglalagay ng meat at kung anu-ano sa lettuce na hawak nito.  “You said college friends kayo?” 

 

“Paulit-ulit, Jesse?” sagot niya dito. “We talked about this a few times already.”

 

“Eh, gusto ko lang naman malaman. Ito naman, parang ‘di tropa.” may bahid pa ng pagtatampo ang boses nito, which Hokuto knows na arte lang. Jesse had already figured out the truth behind all the excuses he made in order not to meet Yugo. He had no choice but to share some bits of his past with Taiga and Yugo. 

 

“Diretsuhin mo na lang kasi–”

 

“Okay, so what happened between you and Taiga?” Jesse was wiggling his eyebrows at him playfully. “Nakwento mo na halos lahat with Yugo but you kept on avoiding Taiga. Was the break-up that bad?” 

 

“Maybe. I don’t know.” ibinaba ni Hokuto ang tongs na gamit niya sa pag-grill. “It happened years ago, hindi ko na masyado maalala.”

 

Jesse eyed him. “Ganyan ba talaga ‘pag galing sa break-up? Nagkaka-amnesia? You say the same thing as Taiga.” 

 

“Totoo naman kasi, ang tagal na.” 

 

Kinuha ni Jesse ang tongs at ito na ang lagay sa grill ng bagong batch ng meat. “But it makes me wonder.”

 

“Ano ‘yon, wonder pet?” 

 

Nginisan siya ng kaibigan bago ito nagpatuloy. “No one came after Taiga. Why?” 

 

“Wala akong time, eh.” sagot niya. 

 

“Not buying it.” kontra nito. 

 

At this point, nararamdaman na niyang iha-hotseat siya ng kaibigan. Jesse had been trying to squeeze out some information from him regarding his past with Taiga. Kagaya nga ng palagi niyang sinasabi dito, it already happened a long time ago for him to talk about it. Pero sige, Hokuto will give his friend a pass today. Ie-entertain niya lahat ng tanong nito as long as he’s comfortable. 

 

“Do I have to make you believe it?” tanong niya. “I think sapat ng sagot ‘yon. I simply don’t have time. After boards, nag-try akong mag-work. I didn’t last long kasi mas gusto ko talaga magtahi. I took short courses while working. Heto, I already run my own shop.”

 

“Ganoon ba ka-tight ang schedule mo for you not to be able to date?” 

 

“I’m not interested.” 

 

“Kasi?”

 

“Wala nga kasi akong time.”

 

“Wala kang time kasi?”

 

“Bigyan kaya kita ng hilaw na karne?” banta niya sa kaibigan na ikinatawa nito. 

 

“That won’t be called rare nor medium rare. Super rare!” ani ng kaibigan at tumawa na rin sa sariling joke. Napakamasayahin talaga ng kaibigan. Sumasakit na ulo niya. “Pero serious na, ano nga main reason bakit kayo naghiwalay ni Taiga? Yugo told me some stories about the two of you. Based on those, I think you were a cute couple before. Yugo didn’t expect the two of you to break up.”

 

“Wala ba kayong ibang friends ni Yugo pati kami pinag-uusapan niyo?” taas-kilay na tanong niya dito.  

 

“Humor me, bestie. Dali na. ‘Di ba, curiosity killed the cat, but satisfaction brought it back. Wedding gift mo na ‘to. On top of the suits and all.” 

 

“Jess, when I said na hindi ko na maalala ‘yung reason, I’m telling the truth.” aniya habang binabaligtad ang mga meat na nakasalang. “Naka-ilang break-ups kami, I lost track.” 

 

Jesse looked surprised. “Hindi ata nabanggit ni Yugo ‘yan.”

 

“Hindi naman palakwento si Taiga, eh.” sagot niya rito saka nagpatuloy. “Mag-aaway kami, makikipaghiwalay. We would stop talking for days, tapos magkakabalikan. Mag-aaway ulit, mauuwi sa hiwalay. The cycle continued hanggang sa hindi na talaga umayos.”

 

“Anong dahilan? Sample lang, if you can still remember. I’m sure you can.” 

 

“Madalas, pressure from his family.” sagot niya. “Have you met some of them?” 

 

“The tita who owns a hardware store in Binondo. ‘Yung masungit.” 

 

“Ah, that’s tita Tanya. Kapatid ng mom niya. Isa ‘yan sa nangda-down kay Taiga noong college. Lagi niya sinasabihan na mali ‘yung pag-take niya ng BroadComm. Pinipilit na dapat iba na lang kinuha, something like that.”

 

Napataas ang kilay ng kaibigan. “Sabi ko na, iba aura ng tiyahin niya na ‘yon, eh. Hindi pa masarap ‘yung luto niyang shanghai.”

 

“Gago,” Hokuto then transferred the cooked meat to their plates. They took a bite or two before they continued. 

 

“What are the other reasons for your break-up?”

 

Napaisip si Hokuto. “I think that was mostly the main reason. Every time na nape-pressure siya sa school, tapos expectations pa ng family niya, the first thing he’d do was to end the relationship.”

 

“Oh, no.” 

 

“Siguro kasi, ang nasa isip niya, bitaw dapat lahat para makahinga siya. But that was all in the past. Mag-iisang dekada na rin naman.” he continued, trying to lighten up the air. He’s starting to feel uncomfortable reminiscing about the past. 

 

“Eh, anong ginagawa mo every time na nakikipagbreak siya?” 

 

“At first siyempre, pinipilit kong pag-usapan namin. Minsan naisasalba, pero nauuwi pa rin sa hiwalayan. Hanggang sa ewan, kapag sinasabi niyang magbreak kami, pumapayag na lang ako.”

 

“Dude?” kita niya sa tingin ni Jesse na hinuhusgahan siya nito. 

 

“What? Nakakasawa rin kaya,” kontra niya rito. “And we were both young at that time. Parehas pang iba ang priorities namin.” 

 

“Buti hindi ka naghabol sa kanya the last time na nakipag-break siya. The final one.” ani Jesse, nakaipit sa hawak nitong chopsticks ang isang strip ng meat. “Uy, try mo ‘tong i-dip sa k-so.”

 

“Sa ano?” 

 

“K-so. Dito, oh.” Jesse then proceeded to dip the pork belly into the grilled cheese. 

 

“Keso, gago.”

 

“Kaya nga, ano bang sabi ko?” Jesse continued speaking in between chewing. “K-so.”

 

Jesse continued with his word play relating to the word Korean. Sinabayan niya na lang ito sa kalokohan kaysa naman maungkat pa nito ang nakaraan. Jesse was wrong, he went after Taiga that night outside Santolan Station. Taiga breaking up with him that night felt really the end for them. It wasn’t the same as the first ones. Laging may mga warning signs that Hokuto learned over the months they were together.

 

 But the last break-up? Wala. He wanted to consider the fact that Taiga was getting anxious dahil wala pa rin itong trabaho at that time. But Taiga’s mood said otherwise. Pressured, oo. But he was enjoying his free time, too. 

 

Halos araw-araw siyang pumupunta sa bahay ng mga Kyomoto. Alam niyang awang-awa na ang mga magulang ni Taiga sa kanya, but Taiga refused to even see him. Gusto man siyang tulungan ni Yugo, but Taiga kept him in the dark, too. 

 

Between the board exam coming up and their relationship, Hokuto had to choose one. If someone were to ask Hokuto that time, pipiliin niya ang relationship nila. He lost interest in his dream to become an engineer anyway. Iba na ang gusto niyang tahakin, and he was hoping that Taiga would support him through and through. Kaso paano nga naman ‘yon mangyayari kung ayaw na sa kanya nito?

 

Kapagkuwan ay napagod na rin kasi siya. In Hokuto’s mind, he was disposable. Na pwedeng pulutin na lang ni Taiga kapag ayos na ito. Hokuto didn’t want that. May feelings din naman siya. In the end, he stopped going to Taiga’s house. He blocked him on all social media. After passing the board exam to appease his father, Hokuto started to reach his goal. 

 

At some point after their break-up, nadulas ang tatay niya at nasabi na kinausap nito si Taiga tungkol sa board exam. Maybe that triggered their break-up. Maybe not. Mas pinili na lang ni Hokuto na magpatuloy. 

 

“I have another question,” Jesse said after a while. 

 

“No po, tito Boy.” sabad niya. 

 

“Gago,” Jesse giggled. “Serious na. Tingin mo, pwede pa ba maging kayo ulit?”

 

Tinaasan niya lang ng kilay ang kaibigan. “Ayokong sagutin ‘yan.”

 

“Come on,” his friend whined. Bagsak pa ang mga balikat nito. “You already entertained my questions before. Sagutin mo na rin ‘to.” 

 

“Ayoko.”

 

“Please. Hypothetical lang naman.”

 

“If I answer yes, I’m sure papaandaran mo ako ng pagka-hopeless romantic mo. Damay mo pa si Yugo. If I answer no, hindi ka maniniwala. Kesyo, ‘wag akong magsalita ng tapos. Either way, you’d be annoying.”

Bakas sa mukha ng kaibigan ang gulat. “Overthinking ‘yarn ?”

 

Hokuto just rolled his eyes at his friend. “What I’m saying is, end na ‘yung kami ni Taiga. There’s no use for any hypothetical questions.” 

 

“I just had to ask kasi alam mo ba?” Jesse leaned forward. “Nakita ko kasi sa desk drawer mo ‘yung photo album na color black.”

 

Muntik na siyang masamid sa kinakaing samgyeopsal. Sobrang init pa pala. Tinignan niya ang kaibigan. Nakakainis ang ngiti nito. Kung kukurutin niya kaya ilong nito, ‘yung sobrang gigil, okay lang kaya? 

 

“Naalala ko ‘yung photo album na ‘yon. I’ve seen that before and you forbid me to open it. I had never seen you so mad kaya sumunod ako. Kaso kanina, nakita ko ulit. I flipped through it by the way.” lalong tumitindi ‘yung inis ni Hokuto sa pagkakangisi ng kaibigan.

 

Hindi siya nagbalak na sumingit sa pagsasalita ni Jesse. He took a sip of the winter melon tea. Unlimited, kasama sa package na kinuha nila. Napangiwi siya sa lasa. 

 

“Now tell me, bestie. Why do you still keep photographs of you and Taiga?” 

 

“Masama magtapon ng pictures, sabi sa feng shui.” 

 

“Gago, hindi ka Chinese.”

 

“Says who?” taas-kilay na sagot niya. 

 

“I’ve known you my entire life, tigilan mo ako.” Jesse countered. “Humor me one last time.” 

 

“One last time,” Hokuto repeated in a mocking way. “If I know, pagtitripan niyo na naman ako ni Yugo sa group chat niyan.”

 

“Fine, I won’t tell this to Yugo,” Jesse said. Dama naman niyang totoo ang sinasasabi ng kaibigan. “Is there any chance na hung up ka pa rin sa kanya?”

 

“I don’t feel anything,” Hokuto answered honestly. “Hindi ko lang talagang kayang magtapon ng pictures. Isipin mo, baka makita ko pa mukha namin sa ilalim ng llanera ng leche flan.”

 

“Ano?” natatawang sagot ni Jesse. 

 

“Hindi ko lang talaga alam kung paano siya ididispose.” sagot niya rito. Luto na naman ang batch ng meat na nasa grill. “Gusto mo sa’yo na lang ‘yung album?” 

 

“Sure, bigay ko kay Taiga.” 

 

“Gago.” tinambak niya sa plato ni Jesse majority ng meat. “Kumain ka na nga lang. Try mo ‘yan, masarap.” 

 

“Sus, iniiba mo lang usap–” Hindi na nakapalag si Jesse dahil sinubo niya dito ‘yung bagong lutong pork belly. He’s not that familiar with different marinades pero nasarapan siya. Hokuto hopes that the taste can take Jesse’s mind off the photo album. 

 

“Sarap ‘no?” 

 

Agad na tumango-tango ang kaibigan, moving up his hands for a thumbs up. “Parang ito ata pinakamasarap sa lahat. Order pa nga tayo–Miss!” agad na lumapit ang isa sa mga staff. “Isang order nga po nitong spicy pork belly. Refill na rin po ng sides. Favorite ko po kasi ‘yung k-mote niyo.”

 

He couldn’t help but laugh at how confused the staff was. Agad naman niyang inulit ang request ng kaibigan, saying the right words.

 

Both of them enjoyed the rest of their meal hanggang sa makaramdam na sila ng kabusugan. 

 

“Paabot nga ng sides sa tabi ng k-mote.” 

 

“Alin?” he looked around him. May sausage sa tabi ng kamote. Inabot niya ito sa kaibigan. “So ano ‘yan? K-hotdog? K-sausage?”

 

Jesse took the plate of sausage with a poker face. “Tenderjuicy, gagi.”

 

“Bwiset!” 

 

“Paabot ng k-bbage. Ayan, ayan, sa tabi ng gulaman mo.” turo pa ni Jesse. 

 

“K-bbage, amputa. Kimchi lang ‘to.” 

 

 

●・○・●・○・●

 

 

 

 

Yugo Kochi

 

Loka ka, galet si Taiga bestie

Di mo raw binigay damit niya

Napagod daw siya pa-Divi

Ganti ba ng api ‘to?

 

De gagi

Sobrang dami lang customers kanina

 

Nagsusumbong eh

Pero seryoso, dahan lang sa pagpapahirap sa bestie ko

Medyo pressured ‘to sa werk eh

 

 

●・○・●・○・●

 

Hokuto never knew that he had a deep seated desire to get even. Hindi naman para ibalik ‘yung sakit na naramdaman niya noong kabataan niya. After all, it already happened a long time a ago. The past instances that he and Taiga met, aliw na aliw siya sa pang-iinis dito. Gawa na talaga ‘yung damit nito. He just had to have him fit it bago niya gawin ang final touches. Gusto na sana niyang tapusin lahat ng damit para sa kasal nina Jesse ASAP, dagsa na rin kasi ang mga bagong customers. Pero may kung anong demonyo ang bumulong sa kanya para pag-trip-an uli si Taiga ng araw na ‘yon.

 

 

Taiga Kyomoto

 

6:15PM

 

Sorry kanina.

 

 

 

 

 

It was petty, but Hokuto was pleased to see Taiga seething with anger back in his shop. Siguradong sigurado siyang yamot ito. He took a mental note to give a little something to his staff for facing Taiga. ‘Yung eksena na ‘yon sa loob ng kanyang tindahan ang baon niya pauwi. 

 

He was planning to end the day with that little win, but leave it to Yugo to put some sense into him. Katulad pa rin talaga ng ipinangako nito noon, he’d always be on Taiga’s side. 

 

Kaunti lang ang masasabing naging kaibigan ni Hokuto noong nasa kolehiyo siya, at isa sa mga ito ay si Yugo. After his break up with Taiga, tanggap naman niya na hindi na niya makikita pa ulit ito. Maliban sa matalik na magkaibigan ang dalawa, he cut off anyone related to Taiga. 

 

Looking back, Hokuto had a long list of things he did to get over his relationship. Puno ang bawat araw niya para walang pagkakataon na maalala niya ang ex. He kept himself busy. He avoided everyone, unless needed. And for some time, he thought that he was already doing okay, that the pain had already gone away. Kaso, pucha , bumalik lahat ng sakit at sama ng loob niya dahil lang sa nakita niya ‘yung nagbebenta ng adobong mani sa labas ng Santolan Station. Taiga’s favorite street food vendor. 

 

Just like that, Hokuto was back to zero. Lintek, hindi nga linear ang pagmu-move on. Those times were hard for Hokuto, kasi hindi man niya i-admit sa sarili niya, he needed someone that time. He needed a friend. 

 

Dinampot niyang muli ang telepono at nagtipa. Hokuto needed this win today. 

 

 

 

●・○・●・○・●

 

 

 

Taiga Kyomoto

 

6:15PM

 

(you unsent a message)

Wrong send.

 

 

 

 

 

“Ahhh!” 

 

Bumungad kay Hokuto ang kaibigang si Jesse, kalalabas lang nito ng kusina niya at may dala-dala coke in can at ang kanyang paboritong chichirya, Clover Chips Cheesier.

 

“Huwag ka namang nanggugulat, Hoks.” anito nang maka-recover, sapo ang dibdib. Jesse walked past him and went straight to his couch. Doon lang din niya napuna na bukas pala ang TV niya, some american sitcom was playing. 

 

“Feel at home, Jesse. H’wag kang mahiya.” sarkastiko niyang usal. Umupo siya sa tabi nito sa couch. Noon lang niya naramdaman ang pagod. Iba talaga ang pagod tuwing sabado, dagsa kasi ang mga tao.

 

“So how was your day?” kapagkuwan ay tanong ng kaibigan, abala ito sa pagngata ng chichirya. 

 

Gusto sana niyang i-remind ito na huwag masyado magkalat, but he was already too tired to give a shit. Napataas na lang ang kilay niya sa tanong nito, pero pagod ang katawan niyang gumalaw para harapin ito kaya nanatili siyang nakatutok ang mata sa TV, kahit hindi niya alam kung ano ang pinapanood nito. 

 

“Ako na lang magtatanong, since you don’t have anyone..” pang-aalaska ng kaibigan. 

 

“Gago.” sinipa niya ang binti nitong nakapatong sa center table. “Lalo kang kumupal simula magstart wedding prep n’yo.” 

 

“Wait until we finally tie the knot, I’ll be a hundred times more annoying than this.” banta ni Jesse, “unless, of course, magka-jowa ka. Reto ka namin sa mga wedding guests, you like?”

 

Hokuto scoffed, adjusting his back on the seat to get more comfortable. “Tigilan. Ayoko ng mga ganyan-ganyang reto.” 

 

“Ay, bakit? Gusto mo kayo ulit ni Taiga?”

 

“Putangina, Taiga na naman.” Sa pagkakataong ‘yon, hinarap na niya ang kaibigan. Nakangisi Si Jesse tila nagpapahiwatig na naman. “Kayong dalawa ni Yugo ah. I know you guys are so in love with each other. Love is in the air. High na high kayo because of your wedding. But please, I don’t really appreciate all these shits you’re implying.” 

 

Hokuto wanted to sound angry. He really tried. Kaso, si Jesse nga pala ang kausap niya. Baka kahit may umaagos na dugo sa kanya, makukuha pa rin nitong magbiro. 

 

“Galit ka na niyan?” pang-asar pa nito. Sinamaan niya ito ng tingin, akmang susuntukin. “Joke! Ito naman, ‘di mabiro. Lagi mainit ang ulo. Kulang ka sa sex.”

 

“Gago.” nag-init ang mukha niya sa narinig. Gago talaga ‘tong kaibigan niya. 

 

Tinawanan lang siya nito at inalok ng softdrinks na tinanggihan niya. Hokuto is careful with his food intake. Hindi na siya bumabata and he’d like to start as early as now to keep his body healthy. 

 

‘Update pala kita sa wedding namin,” hininaan ni Jesse ang volume ng TV gamit ang remote control. “Hindi na sa Intramuros gaganapin.”

 

“Saan na?” 

 

“Nueva Ecija.” 

 

“Kina Tita?” usisa niya. Laking Nueva Ecija ang mother ni Jesse. Madalas itong umuwi doon tuwing bakasyon sa eskwela. O kung minsan, sa US kung saan naman nakatira ang mga kamag-anak nina Jesse sa father side nito.

 

Tumango si Jesse bilang sagot. “We decided to change the venues after the scam. Ayaw na naming maalala ‘yung kagaguhan nangyari, eh. My cousin offered her resort for the wedding reception.”

 

“I thought Yugo wanted to get married somewhere in Intramuros. Sabi niyo nga, significant place ‘yon sa start ng relationship niyo.” Even before Jesse’s proposal, napag-uusapan na ng mag-jowa ang dream wedding nila. Metikuloso sa detalye si Yugo. Plantsado na lahat. It must be sad to change plans dahil lang may mga taong mahilig manlamang sa kapwa. Let karma do its wonders. 

 

“He still does, kaso we came into a decision that it’s better if we scrap everything. Para hindi na namin maalala ginawa nung gagong scammer.” paliwanag ni Jesse. “Lord, Kayo na po bahala sa kanya. Sana hindi masarap ‘yung ulam niya tonight hanggang sa mga susunod na bukas. Amen.”

 

“Loko.” 

 

“So, ano, is it okay with you to travel to Nueva Ecija for my wedding?” 

 

“Syempre naman.” agad niyang sagot. 

 

“Buti naman, ikaw pa naman best man ko. Ten years akong magtatampo kung hindi ka aattend.” biro nito. With Jesse pouting, hindi niya mapigilang hindi tumawa. “Hoy, I’m serious. Hindi kita kakausapin kung–fuck, pabor sa’yo ‘pag hindi kita nagugulo.”

 

“Actually,” natatawang sagot niya. “Ten peaceful years. Ang promising.” 

 

Jesse dropped the bag of chips he’s munching to pull him by his shoulders. “You’ll attend my wedding as the best man. A-attend ka. Promise me. Promise me!” Natatarantang sabi nito.

 

“Puta, teka nahihilo ako. Huwag mo akong alugin!”

 

“Magpromise ka muna, Matsumura!” Mas hinigpitan ni Jesse ang pagkakahawak nito sa balikat niya. He tried to get away, pero mahigpit talaga ang kapit nito. HIndi rin nakakatulong na natatawa siya sa ginawa ng kaibigan kaya wala siyang pwersa. 

 

“Promise na. Bitawan mo na ako.”

 

“Isusumpa ko ang love life mo kapag hindi mo kami sinipot. Forever kang magiging third wheel namin ni Yugo.” Jesse huffed. Finally, binitawan na siya nito at binalikan ang kinakain nito. May marka pa ng cheese powder sa damit niya. 

 

“Parang tanga ‘to,” usal niya habang pinagpagpag damit sa bandang balikat. “I wouldn’t miss your wedding. Nagpustahan kami ni Yugo kung sino unang iiyak sa inyong dalawa. 5k din ‘yon.”

 

Sobrang OA nang pagkakasinghap ni Jesse. Sapo pa nito ang dibdib, at ang isang kamay naman ay nakatakip sa bibig nito. Napaka-OA. “Paambon kapag ikaw nanalo, ah.” 

 

“Sige, libre kita ng Angel’s Burger sa labas.”

 

“Kuripot! Dagdagan mo naman ng Coke!”

 

“Paano kung Sprite lang available?”

 

Jesse paused, nag-iisip. He was thinking real hard as though he was given a million-dollar question. After a while, Jesse inhaled before answering. “ Okay lang. Basta may cheese ‘yung burger.”

 

They sealed their deal with a firm handshake bago sila tuluyang natawa sa sarili nilang kalokohan. It was really fun to have Jesse around. Mas lively ang bahay niya. Siguro dapat na niyang i-consider na kumuha ng alagang aso para may kasama naman siya. Since Jesse loves to barge into his house unannounced, for sure, hindi malulungkot ang magiging alaga niya in case hindi niya ito maisasama sa labas, lalo na’t balak na nitong mag-settle back sa pinas. 

 

But then again, Jesse is about to get married. Bibisitahin pa rin naman siguro siya ni Jesse nang walang pasabi. Maybe with Yugo. Kapag siguro bagot na sila sa isa’t isa. 

 

“What are you thinking?” basag ni Jesse sa train of thoughts niya. “HIndi na ako papadagdag ng cheese, don’t you worry.” 

 

Tangeks . Iniisip ko lang na ikakasal ka na sa greatest love mo. Parang dati lang, iniistalk mo pa siya sa Facebook.” Dumukot siya sa chichirya na kinakain ni Jesse, might as well take a bite of his own chips bago pa maubos ni Jesse. 

 

Ayan naman ang ngiti sa mga labi ni Jesse. Annoying pero alam niyang masaya lang talaga ito. Saksi siya sa pa-tweetums ng dalawa. Until Jesse finally grew some balls and asked Yugo for a date. Halos mabasag ang eardrums niya sa lakas ng sigaw ni Jesse. He was sure na kasama ang sigaw niya sa narinig ng mga kapitbahay nang dinalaw siya nito sa bahay niya para ihatid ang balita.

 

“Kinikilig ako,” ani Jesse, halos mapunit na ang mukha nto sa pagkakangiti. “Just a few more weeks. Asking him out that day was one of the best decisions I made. But you know what,” 

 

“Hmm?”

 

“We just realized na if it weren’t for you, hindi kami magkakakilala ni Yugo. Kung hindi mo ako ininvite sa show ng college friend mo, I wouldn’t be able to meet the love of my life that night. Although I’m pretty sure we’d still meet no matter what. But, thanks pa rin.” 

 

“Wow, ha. Confident ka talaga na kayo ni Yugo.” 

 

“Of course. It’s him or no one.” proud na sagot ni Jesse. “I know it. I just know. Ganoon naman talaga, ‘di ba? You’ll know it. You’ll feel it.” 

 

Kibit-balikat lang ang sagot niya. As someone na single for a few years already, wala na isip niyang i-analyze ang romantic love. He focused on himself and his career. Kung may darating, e’di welcome, may pancit sa lamesa, madalas niyang sagot sa mga tanong ng mga kaibigan kapag hinahanapan siya ng kasintahan. 

 

“Sino nga ulit ‘yung kaibigan mo na bida don sa show?” tanong ni Jesse. “Siya ‘yung nag-invite sa’yo ‘di ba?” 

 

“Si Kuya Ryo. Ryosuke Yamada. ‘Yung endorser ng ice cream.” 

 

Itong kaibigan niyang actor slash commercial model slash streamer ang naging tulay para maging kaibigan niya sina Yugo noong college. Magkasama sila sa iisang org noon bago ito nagshift sa BroadComm, at doon naman nito nakilala si Yugo. And of course, Yugo means Taiga. 

 

Aware siya that Ryosuke still keeps in touch with Yugo. Hindi imposible na maaaring magkrus ang landas nila ni Yugo kapag tinanggap niya ang imbistasyon ni Kuya Ryo para manood ng theatre play nito. Kaya nagdalawang-isip siya kung pupunta ba siya o mag-iisip siya ng plausible excuse para hindi makanood. But Kuya Ryo was persistent. Kulang na lang ay dalawin siya nito sa bahay para personal na pilitin siya. Knowing the risk of crossing paths with an old friend, tinanggap niya ang imbitasyon. One month naman ang play, tuwing weekends lang. What were the odds na magkakasabay niya si Yugo manood? But as precautionary measure, nanghingi siya ng isa pang ticket para maisama niya si Jesse.  Yugo means Taiga after all. 

 

Totoo nga ata na destined sina Yugo at Jesse. Of all days, same day ang napili ni Yugo para manood, na galing pa sa shooting ng pelikula nito na entry sa Cinemalaya that year. Of all seats, magkakatabi pa ang assigned seats nilang tatlo. It would have been a reunion with Yugo, pero last minute siyang nag-cancel thankfully, and Jesse ended up going alone. Hokuto was expecting na inis si Jesse dahil as biglaang pag-cancel niya, but lo and behold, he met a smitten Jesse after the show. That night, naisulat na ang unang paragraph sa love story ng dalawa.

 

 Jesse continued to talk about the changes in their wedding, he was just all ears hanggang sa hindi na niya kayang iignore ang isang thought na nabubuo sa isip niya: darating kaya siya sa point ng buhay niya na ganito ka-excited na makasama ang isang tao habambuhay? It’s not that he has already given up love. Mawawala ba ‘yon, eh araw-araw siyang nakakakita ng mga couple na namimili ng perfect wedding gown and suit. Hindi niya lang talaga nabibigyan ‘yon ng oras para isipin..or maghanap ng potential lifetime partner. If Hokuto would try to imagine himself getting married, sobrang blurry pa ng made-up scenario na ‘yon. Walang wedding guests na impit na umiiyak on how romantic the mood is, walang tumutugtog na piano as the ceremony starts, walang taong kasama niya sa harapan ng altar. It was like an almost empty canvas. 

 

He was contemplating if that was already the sign na kailangan na niyang malungkot dahil sa possiblity na mag-isa lang siyang tatanda. Wala siyang makakatabi sa pagtulog niya.  Walang kasabay kumain ng breakfast every waking day kapag kulubot ang balat niya. Walang kasama sa retirement plan na pinag-iipunan niya.

 

Okay, stop, kontra ng isang bahagi ng utak niya. Pwede siyang maging rich tito slash ninong sa mga magiging pamangkin niya sa kapatid niya. Pati na rin sa magiging anak nina Jesse and Yugo kung kasama ‘yon sa plano ng dalawa. Pwede na rin, hindi na rin masama.

 

With that in mind, mas tumindi ang pagnanais niya to be one of the best when it comes to bridal gowns. His next dream would be to have another shop in another city. Malayo pa, but the good thing is, may nasimulan na siya. 

 

“Palitan mo ‘to, paborito ko ‘to.” aniya kay Jesse habang dumudukot  ng paborito niyang Clover. 

 

“Sige, ilang truck ba?” 

 

“Isa lang.” 

 

“Okay.”

 

 

●・○・●・○・●

 

 

Taiga Kyomoto

 

6:15PM

 

(you unsent a message)

Wrong send.



11:11PM

 

You can visit the shop next weekend if you’re free for your tuxedo.

Please send a message a day before.

Thank you.

 

 

●・○・●・○・●

 

Jesse, Yugo

 

Yugo

@Hokuto, online ka ba?

May tanong lang ako. 

 

Hokuto

Slr. may mga customer kanina. 

What’s up?

 

Yugo

Single ka ba? 

 

Jesse

BABE NO

 

Yugo

Bakit? Natanong lang naman.

Para kung single siya, alam ko na kung kanino ko irereto pinsan ko

 

Hokuto

Pass sa reto. 

 

Yugo

Ay baket? May jowa ka na? 

 

Hokuto

Wala. Pass lang.

 

Yugo

Ah. 

Single. 

Si Taiga rin single.

Parehas kayo

Hehehehehehehe

 

Hokuto

Akala ko ba sa pinsan mo?

 

Yugo

Skl beh hehehe

Pero baka soon hindi na. 

May na-meet sa Bumble ang gaga. 

Hindi pa sila, pero sobrang close na nila. 

So baka hindi na single ang bestie ko soon. 

 

Hokuto

Ah sml lang ulit?

 

Yugo

HAHAHAHAHA

 

Jesse

HAHAHAHAHAHA

 

●・○・●・○・●

 

Jesse, Yugo

 

Hokuto

Na-send ko na lahat ng para sa groomsmen

Isa na lang natira dito.

Kayo kukuha ng sa bridesmaid and parents. right? 

 

Jesse

Yes! sige. Sabihan ko si Taiga. 

 

Yugo

Ay bakit ‘di mo na lang i-chat si bestie?

Hindi ba kayo fb friends?

 

12:21PM

 

(Yugo forwarded an image)

Yugo

Ay, wrong gc

 

Hokuto

Sino yan?

 

Jesse

Si Taiga ba ‘yan, babe? 

Sino kasama niya?

Babe, when did you become a stalker?

 

Yugo

Hoy anong stalker

Kuha ‘yan ni Shin. Nakita daw niya si bb Taiga sa Makati

May ka-lunch date

 

Jesse

Pogi ah

 

Yugo

Ikr??? Ito ata ‘yung ka-bumble niya

Infairness, bagay sila

Tingin mo, @Hokuto

Bagay ba?

 

Hokuto

Hindi.

 

●・○・●・○・●

 

Okay, Hokuto went over the line. 

 

It took him a few days after that incident to finally admit it. Simula kasi ng confrontation nila sa mainit at mabahong kalsada ng Divisoria, hindi na niya ulit nakita o nakausap si Taiga. Parang gago kasi, of all places, doon pa talaga siya sumabog . Although he’d like to think na wala pa ‘yon sa kalingkingan ng sakit na naramdaman niya years ago when Taiga decided to finally end things between them. 

 

Hindi talaga alam ni Hokuto kung anong pumasok sa utak niya para sabihin ‘yon.

 

Ang labo mo pa rin hanggang ngayon, he remember saying that to Taiga. Naalala pa rin niya kung paano nagulat ito sa mga sinabi niya. Wow, bakit kasi may ungkatan ng nakaraan?

 

“May kinalaman ba ‘tong ginagawa mo sa nangyari sa’tin?”

 

“Syempre.”

 

So that’s it. Nine years later, Hokuto thought that he had already gotten over his pain. Rationally speaking, years had already gone by. Ni hindi na nga niya naalala ‘yung mga subjects na tinake niya sa engineering eh. Kahit todo aral siya noon, halos pumasok na siya na kulang sa tulog makapag-aral to ensure na hindi siya babagsak sa klase. ‘Yon lang ang laman ng utak niya noon. Pero ni isa doon, hindi na niya naalala. Dapat ganon din, ‘di ba?

 

Kaso nga pala, walang logic sa pag-ibig. Fuck , totoo talaga ‘yung tsimis. Hindi talaga nakakaget over sa sakit ang isang tao, nasasanay lang. Bakit hindi pwedeng maka-get over? Wala bang delete button somewhere? They were still so young back then, isap-bata pa sila kung tutuusin. He shouldn’t be thinking about it anymore.

 

Tama, tama.

 

Narinig ni Hokuto na bumukas ang pinto ng bahay niya. Si Jesse lang naman ang may alam ng passcode niya so hindi na siya nag-abala pang tumayo mula sa pagkakahiga sa sofa. Hinintay na lang niya ang papalapit na yabag. Teka parang…

 

“Hoy, ano na?” bungad ni Yugo, nakabuntot dito ang fiance. “Bakit wala ka sa tindahan mo?”

 

“Day off ko.” sagot niya, nonchalantly. 

 

His two visitors took their seats. Jesse went directly to his favorite one-seater couch and tried to pull Yugo to his lap. Tangina, maglalandian pa talaga ang dalawa sa sarili niyang bahay. Good thing though, Yugo resisted and instead, take the seat sa bandang paanan niya. Napilitan tuloy siyang umupo to give him enough space. 

 

“Nakuha niyo na ba  lahat?” Hokuto asked. Base kasi sa pagkakalukot ng noo nito, mukhang may gustong sabihin si Yugo, at dahil na-sort na niya ang emotions niya, finally after ilang araw, hindi na siya tatanggap pa ng kahit anong comment. Nang tumango ito ay nagtanong ulit siya. “Pati sa parents nyo? Ring bearer, flower–”

 

“Oo nga.” putol ni Yugo. “Bakit sabi ng staff mo, isang linggo ka na daw hindi bumibisita sa shop?”

 

“Nagkasakit ka ba?” tanong ni Jesse. Nalingunan niya itong tinitignan ang kabuuan ng bahay niya. Mostly likely checking kung may bakas ba na nagkasakit talaga siya kung sakali mang magsisinungaling siya dito.

 

“Hindi, ah.” sagot niya. “Nag-off lang talaga ako. Ang daming customers, nakakadrain makipag-usap.” 

 

Nagpalitan ng tingin ang magkasinatahan, probably gauging kung nagsasabi ba siya ng totoo. Why is seeing them do a coupley thing extra annoying today? Partida ha, may coffee table pa sa pagitan ng dalawa. 

 

“Para kayong tanga,” basag niya sa telepathic conversation ng mga ito.

 

“Just wanna make sure you weren’t on the verge of dying the past few days,” ani Jesse. “Ang lala mo pa naman magkasakit.”

 

“Nagpahinga lang talaga ako. Tapos nagpunta ako sa wedding expo sa MOA nung nakaraan.” pagkukwento niya. 

 

“Pahinga pero naisingit pala ang work,” Yugo pointed out. Kinurot nito ang braso niya. “Ano bang pinag-awayan niyo ni Taiga?”

 

Mabilis na nilingon niya ito, himas-himas ang brasong napagdiskitahan ng kaibigan. “Anong away? Sinong nag-away? Bakit nag-away?”

 

“Ulol, ‘di mo ako maloloko.” Pinanlakihan siya ng mata nito. He countered by staring back at him. Syempre, bakit siya magpapatalo. Ayaw na nga niyang pag-usapan. “Ay, Hokuto, kahit abutin tayo ng midnight dito, hindi ako aalis hangga’t ‘di ko nalalaman kung bakit nag-iinarte ‘yon.”

 

“Eh bakit damay ako? Wala akong kinalaman ah.Nagpapahinga lang ako.” Hokuto insisted. 

 

“Hoks, Taiga wants to have his suit be made by someone else. Ayaw ka na daw niyang makita.” Jesse explained. Noon lang niya napuna na wala na ito sa sala. Galing sa kitchen niya ang boses. Napaisip tuloy siya kung may stock pa siya para may makain si Jesse. 

 

“Really? He really said na ayaw na niya akong makita?” pagak na natawa siya. Given their history, parang dapat siya ang magsabi non, right? 

 

Baka kasi dahil pinagtripan ko, anang maliit na tinig sa utak niya. 

 

“Oo, kasi galit ka daw kasi sa kanya.” Yugo continued. 

 

“Grabe kayong dalawa, almost a decade na nakalipas, but you’re both harboring feelings for each other,” said Jesse, may dala itong mga baso at nilapag sa lamesa. Noon lang din niya napuna na may box pala ng Dunkin’ na dala ang mga bisita.. 

 

“What feelings are you talking about?”

 

“According to Taiga, galit.” sagot ni Yugo. “Ayaw ko sana makialam if you both still have hots for each other, pero kasi beb, nadadamay ‘yung wedding namin eh. As much as I love you both, we’ve already been scammed once. Nagulo lahat. So please settle what’s going on with the two of you–”

 

“Teka, teka,” putol niya. Hokuto ran his fingers through his hair in frustration. “Wala naman akong problema. Walang issue on my side. Bakit.. Bakit parang kasalanan ko?” 

 

“Okay, Bobbie.” Yugo rolled his eyes. He let out a laugh because of his film reference. “Walang issue sa side mo, pero may issue sa’yo si Taiga.” 

 

Hokuto scoffed. Talagang ito pa ang may issue sa kanya. Huminga siya ng malalim. “Dahil ba sinabi ko noong nakaraan?” 

 

Both eagerly nodded their heads. May kakaibang kislap ang mata ng dalawa. Halatang chismis lang ang habol. 

 

“Qoute-unqoute, may kinalaman ba ‘to sa nangyari sa’tin?” pagsasadula ni Yugo, he even altered his voice to mimic Taiga’s, which he did horribly by the way.

 

Tawang-tawa naman sa kabilang panig ng sala si Jesse pero sumagot din ito, he spoke in a deeper voice. “Of course!” 

 

“Tangina n’yo.” binato niya ng table napkin ang dalawa. Gusto niyang mainis pero ang kwela ng reenactment ng dalawa. Kainis. 

 

“So Hokuto dear, pakiexplain naman po ‘yung nangyari sa inyo before.” asar ni Yugo. Ito na ang unang nagbukas ng box ng Dunkin’. Si Jesse naman ay kinuha ang paborito niyang Boston Kreme saka inabot sa kanya. 

 

“Gagi, wala lang ‘yon.” sagot niya bago kumagat sa donut. “Ang tensyunado niya kasi the whole time. Naisip ko lang pag-tripan, tapos ayon, nagalit.” 

 

“Tense? Bakit naman tensed ang bebe Taiga?” That was Jesse, munching a donut. “Is it because of you?” 

 

Napapalatak siya, taking another bite of his favorite flavor. “Why me? Wala naman akong ginagawa na dapat niyang ika-tense.” 

 

“Ang sungit mo kaya sa kanya.” ani Yugo. Nang hindi siya nakapagsalita ay nagpatuloy ang kaibigan. “Una, na-offend siya nung tinanong mo pangalan niya–oh, tangina nito, sinadya mo ‘yon ‘no? Baliw. Tapos sinasamaan mo daw siya ng tingin. You made him feel na galit ka sa kanya. Can you blame him kung tensde siya around you?” 

 

“Whoa, he really tells you everything, ‘no?” Hokuto finally said nang makarecover siya sa pagtawa dahil sa mga narinig. “Gusto ko lang talaga siya asarin nung tinanong ko name niya. He looked funny that day. Nagtatago pa sa likod ng kaibigan n’yo, para namang hindi ko siya makikilala.”

 

Nginisian siya ni Yugo. Ayan na naman, kaya minsan ayaw niyang kausap ‘to eh. Lalo pa kasama si Jesse. Lakas mang-alaska ng combo nitong dalawa.

 

“Just like in the movies ba, Hoks? He stands out in a crowd and your eyes immediately fall on him.” 

 

Yugo rose from his seat, his arms waving in the air animatedly. “Na kahit ilang taon na ang lumipas, siya at siya pa rin ang nakikita mo.” 

 

Jesse stood up as well, reaching for Yugos’ hand and bringing them to his chest. The two locked their eyes on each other before Jesse spoke. “I bet there's soft music playing in the background.”

 

“And the crowd’s noise was fading away.” dagdag ni Yugo, his voice sweet. Nag-beautiful eyes ang dalawa.

 

“Walang ganon, mga gago!” Tanginang eksena ‘tong nasa pamamahay niya, the impromptu theatre act to mock him. Bago pa magkiss sa harapan niya ang dalawa, binato niya ng throw pillow ang mga mukha nito. Yugo wasn’t like this back when they were in college. Kakasama niya ‘to kay Jesse, nabahiran na siya ng pagka-OA. 

 

“Oh, akala ko naman may cinematic moment ‘yung pagkikita niyo after nine years eh. My bad.” Nginisian siya ulit ni Yugo. 

 

“Kakdirek mo ‘yan ng romcom, Yugo. What if documentary naman gawin mo para serious for once?” 

 

“Nye, nye.” Yugo even stuck his tongue out. 

 

“Nice, very mature of you.” sarkastiko niyang sabi.

 

Buti na lang naputol ang usapan nila dahil may tumawag kay Yugo sa phone. Kung sino man ‘yung nasa kabilang linya, sana masarap ang tulog nila mamayang gabi. He managed to divert their conversation to other stuff. Inilayo niya na muna ang usapan tungkol sa kasal ng dalawa.

 

Halos tatlong oras din silang nagkwentuhan bago nagyaya ng dinner sa labas si Jesse, gusto daw nitong kumain sa Mendokoro. He offered to drive all three of them to BGC. Napakalayo but it feels nice to hang out with the two. Nasa loob na sila ng sasakyan niya, Yugo is already sitting pretty in the passenger seat habang si Jesse naman ay last minute bumalik sa bahay para mag-quick number two. 

 

Napatingin siya kay Yugo nang maramdamang nakatingin ito sa kanya. Ang tagal nitong nakatitig sa kanya.

 

“Bakit?” tanong niya rito. Inabala niya na lang ang sarili sa pagpili ng kanta na lalaban sa inip nila sa traffic na susuungin. 

 

“Hokuto, galit ka pa rin ba kay Taiga?” finally Yugo asked. “Pawang katotohanan lang. Are you still mad at him for what he did?”

 

“Hmm, masyadong mabigat ‘yung galit for something that happened years ago. So to answer you, hindi na.” he answered honestly. Kung mayroon mang natitira pang galit deep inside of him, hindi niya alam. Ang mahalaga naman ‘yung present. Bakit niya kaillangan mamuhay sa nakaraan? 

 

“Do you think pwede pa ulit kayong maging magkaibigan?” 

 

Hindi agad siya nakasagot. Friendship. Possible bang maging magkaibigan ang mag-ex? They started as friends who enjoy each other’s company. Madali nilang natawid ‘yung platonic to romantic love. Pero posible ba na from romantic love going back to platonic?

 

Siguro.  

 

“I don’t know,” sagot niya after a while. “Since you guys are getting married soon, inevitable naman na magkikita kami. So I guess, pwede naman siguro. If hindi na siguro siya galit sa’kin.” 

 

“Tangeks, hindi siya galit sa’yo.” giit ni Yugo. “I think kaya siya tense around you was because of your break up talaga. Baka may hindi pa naiuutot si Taiga.”

 

“Ang dugyot mo talaga.”

 

Yugo’s laughter echoed in his car, until he became serious. “I may be asking for too much, pero baka naman pwedeng pakisamahan mo muna si Taiga. Thankful kami ni Jesse sa’yo dahil sa suits, sa gowns, and all, pero I can’t have a whining Taiga on my plate right now. I know this shouldn’t be your job to do, pero kasi kahit sabihin mo na wala ka namang issue with him, let’s face it, involve ka pa rin sa inarte niya. Baka naman pwede na hanggang sa kasal, truce muna kayo?”



That sounds ridiculous. But this is for Jesse and Yugo kaya naman agad siyang sumagot, “Okay, sige. Truce.”

 

“Great, thank you!” napapalpak pa si Yugo. “Sana magjowa na kayong dalawa para double–I mean, triple date.”

 

In-enjoy niya na lang dinner with the two lovebirds. Sa awa ng nasa itaas, hindi sila masyadong ma-PDA. Good thing rin na may mangilan-ngilan na nakakakilala kay Yugo at nagpapapicture dito. He knew that Yugo’s films are popular, pero hindi niya inaasahan na ganito kasikat na ultimo ito as director, na hindi naman lumabas sa mismong pelikula, ay kilala ng masa. 

 

Taiga Kyomoto

 

Gawa na damit mo.

Please come to my shop for the final fitting.

No monkey business this time. 

Tell me kung kailan ka available. 

Good night, Taiga.

 

 

It’s already way past Hokuto’s bedtime. Ala una na ng madaling araw, pero hindi pa rin siya makatulog. Siguro dahil sa paglabas niya kasama nina Jesse kaya gising na gising pa rin ang diwa niya. Kaya heto siya, naglilinis ng kwarto. Kung bangag man siyang gigising bukas, baka mag-half day na lang siya tindahan. 

 

Shet, nagiging tamad na siya. He has to get his shit together. Marami pa siyang plano para sa career niya, and masyado pang maaga para maging kampante siya. 

 

Panay ang tingin niya sa phone niya. He’s actually waiting kung nagreply na ba si Taiga or kung na-seen na nito ang mensahe niya. If Taiga were to visit soon, maayos niya agad ang schedule niya. He was thinking of asking him to have a meal together, but since the last time they did, “nag-away” naman sila. Parang ayaw niya na rin tanungin. Hindi rin siguro ito papayag. 



Nang tumunog ang telepono niya ay agad niyang sinilip ang notification. 

 

 

Taiga Kyomoto

Okay. Message kita kapag nagkafree time ako this week. Good night, Hokuto.

 

 

●・○・●・○・●

 

 

Tatlong linggo bago nakapunta si Taiga sa shop niya. Parehas sigurong maganda ang gising nila nang umagang ‘yon. Ang light ng naging interaction nila.  It was brief. Sinukat nito ang damit, wala namang adjustments na gagawin, contrary sa kinakakaba ni Taiga dahil tingin nito ay tumaba siya since sinukatan. Hokuto assured Taiga that he could bring everything the same day, bigyan lang siya ng an hour to do the finishing touches. But Taiga had to go. May meeting pa daw kasi ito with a potential sponsor ng esports team nito. 

 

Hokuto thought that if both of them would just forget their history as a couple, kaya nilang ibalik ‘yung friendship nila. He’d like to think that Taiga had the same idea, kasi ito na mismo ang nagyaya na mag-hang out sila over the weekend. Kung hindi raw siya busy. Syempre, pumayag siya. Para ‘to sa successful na wedding nina Yugo at Jesse. 

 

The weekend hangout turned out to be brunch with Taiga, Jesse, and Yugo. Hindi naman sa nagrereklamo or what, pero buong akala niya kasi silang dalawa lang ni Taiga. Was he actually expecting that? Ewan niya. Mas okay nga siguro kung may kasama sila. Baka kung saan na naman mauwi kung silang dalawa lang ang lalabas. 

 

Taiga’s place was bigger than his own as expected. Pwede silang magpatinterong apat, tapos pwedeng pang magpagulong-gulong ‘yung out na sa laro after. Nakalagay na sa kitchen top ang mga paper bags ng mga pagkain na inorder ni Yugo for their brunch. Pinagmamalaki ni Yugo ang mga ulam na dala, galing daw ‘yon sa paboritong catering service sa Pasig ng pamilya niya. 

 

Honestly, kinabahan si Hokuto. Akala niya nagpa-cater talaga si Yugo, with complete decor and shit. Gulong-gulo si Hokuto habang nasa kotse sila kanina. May everyday ulam naman palang binebenta na good for small family. Phew.

 

“Taiga, lagay ko dito ‘tong pasalubong ko sa’yo ah,” ani Jesse, placing a brown paper bag on the coffee table. He didn’t know na nag-travel pala ang kaibigan. After doing so, Jesse looked around.  “Your place is really huge, Taiga. Hindi ka ba talaga nalulungkot ‘pag mag-isa ka dito?” 

 

Evidently, Yugo and Jess have been in Taiga’s place a couple of times already. Comfy na ang mga itong gumalaw-galaw. Samantalang siya ay awkward na nakatayo in the middle of Taiga’s kitchen. Sobrang ayos na kasi ng dynamics nitong tatlo, habang siya, bagong salta kahit naman magkakakilala na sila years ago. 

 

“Jesse, baka nakakalimutan mo, I’m an only child. Hindi ako madaling ma-bore.” sagot ni Taiga, abala naman ito sa paglabas ng mga drinks sa kitchen top.  

 

“Saka hindi na mag-isa ‘yan ngayon ‘no,” singit ni Yugo, kalalabas lang nito ng banyo. Doon ito dumiretso pagkadating nila kanina. Tunggain ba naman ‘yung malaking bote ng buko juice, ewan na lang talaga.  “‘Di ba madalas dito ‘yung ka-Bumble mo? Ano nga ulit pangalan niya? Junjun?”

 

“Juri!” pagtatama ni Taiga, napairap pa sa kaibigan. 

 

Oo nga pala. May potential boyfriend nga pala si Taiga. The Bumble guy. ‘Yung poging ka-lunch date ni Taiga sa sinend na picture ni Yugo sa gc nila. The very same guy na nakita niyang kasama ni Taiga sa may labas ng tindahan niya. Nawala na sa isip ni Hokuto ang bagay na ‘yon. Not that he had been thinking about Taiga. Oh… oh! That’s why the supposedly hang-out na yaya ni Taiga ay kasama sina Yugo. Of course, why would Taiga hang-out with him alone kung may ka…are they in a relationship already? Ah. Hindi niya alam. Basta ka-something. Right. Taiga is just protecting someone’s peace of mind. Cute.

 

“Ah, Juri. Invite mo dito dali.” insist ni Yugo, tunog excited. “Dito rin siya nakatira ‘di ba? Same tower?” 

 

Pinandilatan naman ng mata ni Taiga ang bestfriend. “No.”

 

“Ay wow, nambabakod si ante. Damot.” kantyaw ni Yugo. 

 

“Hoks, take a seat. Para kang ewan diyan,” tawag naman ni Jesse. Nakaupo na ito sa couch ni Taiga, sitting comfortably. Ganoong ganoon ang hitsura ni Jesse sa bahay niya. Feel at home talaga siya. “Samahan mo ako dito sa 100k  sofa ni Taiga. Sayang naman, hindi masyado nagagamit.” 

 

Nanlaki ang mga mata niya. “The fuck, 100k for couch?” Napasulyap siya kay Taiga, who looks shocked and embarrassed dahil sa pamumula ng pisngi nito. 

 

“Fake news peddler!” sigaw naman ni Taiga. He looks so freaking adorable dahil hiyang-hiya ito sa sinabi ni Jesse. Si Yugo naman ay tinapos na ang paglabas ng mga pagkaing inorder mula sa paper bag, na hindi natapos gawin ni Taiga kakadaldal. 

 

“Hoy, Taiga. Nagsaing ka ba?” tanong ni Yugo, pero ito na rin ang sumilip sa rice cooker. “Kakasaing mo lang? Tama ba sukat ng tubig nito?” 

 

“Syempre! Tingin mo sa’kin?” offended na sagot ni Taiga.

 

“Until now hindi ka pa rin sanay magsaing, Taiga?” tanong niya. “Naalala ko dati nung nagvolunteer ka magsaing, lugaw kinalabasan.”

 

Taiga looked at him, appalled. Hindi na nawala ang pamumula ng pisngi nito . “Marunong na ako sabi. Bakit naman ako maglalakas ng loob na bumukod kung basic na pagluluto, hindi ko kaya.” Napalabi pa ito pagkatapos. “Saka may rice cooker naman, ‘no!” 

 

“Naks may pa-throwback si angkol Hokuto.” pang-aalaska ni Yugo. Parehas nakangisi sa kanilang dalawa ang magjowa. 

 

“You’re unbelievable, Taiga. Iba talaga ‘pag young master, hindi pinapatapak sa kusina.” gatong naman ni Jesse. 

 

Okay lang naman siguro ‘yung ganito, ‘no? Nakikisali siya sa pang-aasar kay Taiga. He figured out since he’s making Taiga uncomfortable, maybe treating him like an old friend would break the ice. 

 

For Jesse and Yugo’s peaceful wedding! 

 

So far naman, hindi na ganun ka-tense si Taiga around him. Well, dalawang beses pa lang naman sila nagkita since the mini confrontation scene nila. One, when Taiga went to his shop for fitting, and two, well, currently happening. So far, goods naman ang akto ni Taiga sa kanya. Sa side naman nina Jesse at Yugo, wala naman siyang ibang napapansin. Nagpatuloy ang mga ito sa pag-aasaran, and they weren’t cautious around him. Pasundot-sundot din ang ambag niya sa asaran. 

 

Yugo’s head snapped at the direction of his phone sitting on the coffee table. “Yes! Nandyan na sa baba ‘yung order.” Tumayo ito at hinila si Jesse. “Samahan mo ako babe. Marami ‘yon.”

 

“Ha? Anong inorder mo?” evident ang panic sa boses ni Taiga.

 

“Additional food–ay tumatawag na si kuya, saglit. Alis na muna kami.” madaling lumabas si Yugo, akay-akay si Jesse na hindi na rin lumaban sa pagkakahigit sa kanya ng fiance. 

 

“Kulang pa ba ‘yung food natin?” natatawang tanong niya. “Apat lang naman tayo.” 

 

“Oo nga, parang tanga ‘tong si Yugo,” bulong ni Taiga, nakatingin lang sa pintuan. Hindi niya alam kung gusto ba nitong sumunod kina Yugo At Jesse. Pero hindi nito magawa kasi maiiwan siyang mag-isa sa loob ng sarili nitong bahay. Hokuto wouldn’t really mind if Taiga wanted to follow them.

 

Taiga went to pick up his phone at tila galit na nagtitipa doon. Probably work or could be anything else. He didn’t care. Kunot na kunot ang noo nito, the nose scrunch he adored back then, his lips pouted–wala halos nagbago sa itsura at mannerism ni Taiga. He was still the same as the young man he met back when in college. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatitig kay Taiga. Para siyang batang nahuling gumagawa ng kalokohan nang magtama ang mga mata nila. Agad siyang umiwas ng tingin at nagfocus sa ibang bagay. Parang ang interesting ng vase sa gitna ng coffee table. Color white, match sa walls ni Taiga na kulay puti rin. Boring—

 

Tangina . Nakakahiya.

 

He saw Taiga walking towards him. For a brief moment, bigla siyang kinabahan with the comfortable distance closing. Tumigil si Taiga just a few meters from him, looking down at the brown paper bag placed on the table. Sinisipat nito ang loob, kunot na ang noo nito. Ito ‘yung pasalubong daw ni Jesse. 

 

“Saan ba galing si Jesse at may pasalubong?” tanong ni Taiga nang makaupo sa pang-isahang sofa.

 

“Actually hindi ko alam na umalis siya.” sagot niya, taking interest on what’s inside the brown paper bag too. 

 

Kasi kung nagbakasyon man ang best friend, bakit wala siyang pasalubong ‘di ba? Hindi naman sa nagtatampo– fuck! Pinanlamigan ng buong katawan si Hokuto nang ilabas ni Taiga ang laman ng lintek na paper bag na ‘yon. Halos madaganan na niya si Taiga nang lundagin niya ito para sana agawin ang hawak nito. 

 

“Hokuto!” sigaw ni Taiga, gulat na gulat. 

 

Their faces are close to each other, kita na niya halos ang repleksyon sa mga mata ni Taiga. He notes Taiga’s features–his pretty lashes, his nose, lips . The Kyomoto genes, effortlessly elegant. Without even brushing a finger, alam niyang malambot ang balat nito. God really has favorites. 



“Hokuto…” tawag ni Taiga in a low voice. 

 

Doon lang siya natauhan. Agad niyang hinila ang sarili at bumalik sa kinauupuan. What the hell was that? Bakit may biglaang admiration of the god-given gift to the human world Kyomoto Taiga? Fuck, fuck, fuck. Nasaan na ba si Jesse–oh the pasalubong! 

 

Hokuto was about to snatch Jesse’s goddamn gift, pero huli na siya. Taiga has its full attention to it. Na para bang hindi niya hinagis ang sarili sa lalaki a minute ago.

 

“I didn’t know na buhay pa pala ‘to,” Taiga said in a soft voice. Bahagyang nakaangat ang gilid ng labi nito. That’s a good sign, right? Right? That means hindi nito iniisip na weird siya. “Bakit na kay Jesse ‘to?”

 

Ano ang tamang sagot para sa tanong na ‘yon? 

 

“Huy, naalala ko ‘to,” biglang nagliwanag ang mukha ni Taiga. He even lifted the pasalubong to show it to him. “Ito ‘yung time na pumila ka sa book signing ni CSC, ‘di ba? ‘Yung paborito mong writer. First visit niya dito sa Pilipinas para sa release ng final book ng whodunit series niya.” 

 

Napalunok siya, ang daming laway non ah. Na-information overload siya sa mga sinabi ni Taiga. Hokuto only nodded his head. 

 

“Damn. Ang bata pa ng hitsura mo dito. And the hairstyle, ‘cause tonight will be the night that I will fall for you ah ,” Taiga giggled as he sang the lyrics, running his fingers against the picture. He then proceeded to flip to the next page. 



“Kailan naman ‘to?”

 

This time, Hokuto moved a little closer to Taiga, their arms pressing against each other. Curious na rin kasi siya sa kung ano ang tinutukoy nito, kahit sa totoo lang, gustong-gusto na niyang sapakin si Jesse. Kahit isa lang. Talagang tinototoo nito na ibibigay nga kay Taiga ang photo album. 

 

Taiga shifted the photo album for him to get a better look. Nakaturo ito sa isang picture. It was them. Pareho silang may hawak na cornetto ice cream habang nasa loob sila ng 7-eleven. He was beaming, and while Taiga was smiling too, basa ang mga mata nito. 

 

Hokuto cleared his throat before answering. Medyo nakakakaba ‘tong show and tell na ginagawa nila. “Third year, second sem mo.”

 

It took a few seconds before it dawned on Taiga. “Ah! ‘Yung akala ko bagsak ako sa major subject kasi ‘di nagustuhan nung prof ko ‘yung output.” 

 

“Yeah,” sagot niya, a short film was actually replaying in his head about what transpired on that day. “Dalawang full length film, isang news program, tapos ‘yang major subject. You were overwhelmed, kaya akala mo babagsak.”

 

“Kasi naman, kung babagsak ako sa subject ni sir, made-delay ako ng isang taon,” pagmamaktol ni Taiga. “Imagine, one year. Ano na lang sasabihin ko sa magulang ko ‘di ba?”

 

“But you didn’t. In fact, naka-1.25 ka pa nga sa kanya ‘di ba?” 

 

Nagkatitigan sila ni Taiga. “Pati talaga ‘yon naalala mo pa?” 

 

“Ang tagal mo ba naman ‘yon iniyakan sa 7-eleven. Paano ko makakalimutan ‘yon?” natatawang sagot ni Hokuto. “Pati mga kakilala mong dumadaan don, akala pinaiyak kita.” 

 

Humagikgik si Taiga, palagay niya ay inaalala rin nito ang mga ilang pangyayari bago ang picture taking nila. Taiga proceeded to look at the photos. Hindi naman masyadong marami ‘yung laman non dahil minsan lang naman siya makapagpa-print bilang isang college student na may limited allowance. Hokuto made sure to just print the ones he loves the most. 

 

“I didn’t know about this.” komento ni Taiga.

 

It was Taiga, happily talking to a customer. Kuha niya ‘yon sa lumang tindahan ng nanay niya sa Divisoria. During the weekends, kapag hindi busy si Taiga, madalas itong dumayo sa tindahan nila para tumulong. Dahil simula nang magprisenta siyang manahi sa tindahan, dumami  ang mga  tinanggap na orders ng nanay niya. He was thinking that time na pumapalya na siya bilang partner ni Taiga. 

 

At iyon ang naisip ni Taiga na remedyo, na sasamahan siya nito sa tindahan. At least daw ay magkasama sila. Kakaibang date nga nila ‘yon.

 

“Teka, ito ‘yung may masungit na customer na taga-Iloilo ‘di ba? Siya nga! Siya bride na  inaaway na ako, pero ang lambing pa rin ng boses.” 

 

“I’d still choose her over her mother.” Hokuto chuckled at the memory. “Nakakatakot ‘yung nanay niya.”

 

They continued browsing through the entire photo album. May ilan silang solo pictures around the campus. May picture din doon si Taiga and Yugo, dressed up for a children’s educational program they made para sa isang subject. Meron din silang tatlo habang nasa loob sila ng LRT on the way home. In other words, it was Hokuto's collection of memories with Taiga. During the time na nakilala niya si Taiga ay simula ng pagiging widely available ng camera phones, they just couldn’t stop taking photos. Bilang takot rin siya sa corrupted files, he wanted something physical to hold on to. Among the thousands of photos they had together, Hokuto carefully handpicked these photographs and put them in an album. 

 

Napatingin siya kay Taiga, he was having a fun time flipping through the album. Paminsan-minsan, nagkukwento pa ito ng mga nangyari behind those photos. Sa bagay kasi, he asked for Taiga’s help to put the photos in the album a few years back. May ilang pictures pa nga ito na pinaprint at dinagdag doon. It was really special. 

 

When he and Taiga ended things, he swore to throw everything related to Taiga. Mga regalo nito, the movie ticket from their first date as an official couple, all the trinkets, lahat tinapon ni Hokuto. He was too hurt to be reminded of Taiga. Kaya wiped out  talaga–maliban sa photo album na ‘yon. 

 

It was definitely hard for Hokuto to throw it away. Na kahit masakit para sa kanya ang kinahinatnan nila, hindi niya kayang itapon ang photo album na ‘yon. Isinama pa nga niya ‘yon sa tumpok ng mga gamit na notebooks na ipapadala ng nanay niya sa junkshop nang makagraduate ang kapatid niya sa kolehiyo. That way, hindi siya ang magtatapon. In the end, binawi pa rin niya. He decided to keep it, but kept it hidden in a place he wouldn’t be able to reach. 

 

It was secured until he moved out of their house. That was the first time Jesse saw it, and his first time seeing it in a long time. Pero kahit ilang taon na ang lumipas, he still couldn’t throw it away. To him, letting it go means throwing away all the happy memories he had in college. Yes, he and Taiga ended their relationship, but they still had a good time together. It felt wrong to throw it away. It feels wrong. 

 

“Ang cute natin oh,” nilingon siya ni Taiga, nakangiti ito. Pero unti-unti na nawala because of the realization that their faces are too close to each other. 

 

Hokuto’s eyes fell on Taiga’s lips. Kagat-kagat nito ang labi. “Yeah,” aniya.

 

Taiga cleared his throat and leaned back on his chair. Ibinaba nito ang photo album sa coffee table saka tumayo. “Do you think pabalik na sina Yugo? Prepare ko na ‘yung drinks natin. Te–teka lang.” 

 

Halos madapa na ito sa pagmamadali makabalik lang sa kusina. Nakailang bukas-sara ito ng ref, mga drawers, at cabinet. Kung anong klaseng drink man ang hinahanap nitoo ay hindi nito makita-kita. For the third time, weirdly ay nabilang niya, Taiga opened his refrigerator. 

 

“Wala tayong ice. Oh, oh! May ice maker ako. Na kay Juri. Oo, tama na kay Juri. Okay lang ba kung dito ka langmunapuntahanko lang siya?”

 

Napatango na lang si Hokuto. Sa totoo lang hindi niya masyadong naintindihan ‘yung sinabi nito at bigla na lang siyang iniwan mag-isa. Great. Mukhang weird na naman ang air between the two of them. Salamat, Jesse, for ruining! Taiga’s uncomfortable again. Paano na ‘yung pangako niya kay Yugo?

 

Sinamaan niya ng tingin ang pobreng photo album. If only tinago niya ito nang mabuti, hindi sana ito nakuha ni Jesse. Bakit ba kasi ito nagpakidnap sa best friend niya? Malapit na tuloy niyang i-consider na palitan ang passcode niya ng bahay niya. 

 

He was in the middle of  a debate with himself when the doorbell rang. Napatingin siya sa direksyon ng pinto. Hindi ba alam ni Yugo ang passcode sa bahay ni Taiga? Wow, he immediately envied their friendship. They value personal space and privacy. 

 

Hokuto went to open the door and was greeted by a man outside.  

 

“Oh–” Nagkagulatan silang dalawa. Both weren’t clearly expecting to see each other. 

 

It wasn’t Jesse, Yugo, or Taiga. It was a man wearing sunglasses, a plain white shirt and white-washed denim pants. He was clad in thick jewelries on his neck and wrists, holding a box of an appliance–an ice maker? He’s the man in the photo forwarded by Yugo to their group chat. 

 

“Si Taiga?” tanong nito at dumiretso ng pasok sa loob. 

 

Wala na siyang nagawa, this new person surely knew his way around. Basta na lang nitong initsa sa gilid ang suot na birkenstock sandals bago tuluyang pumasok. 

 

“Saglit–” habol niya dito. 

 

This new visitor put the box on the kitchen top, kung nasaan ang mga trays ng pagkain na inorder ni Yugo.  “Ay, maraming bisita si Taiga? Nasaan siya–Taiga?” agad itong naglakad sa direksyon hallway kung saan  palagay niya ay naroon ang kwarto ni Taiga. 

 

“Wala si Taiga. Lumabas saglit.” medyo nilakasan niya ang pagsasalita dahil natumbok na nito ang dulo ng hallway. He was almost about to open the door. Whoa. He really knows his way around. Sabagay, sabi nga ni Yugo, madalas nga daw magkasama ito at si Taiga. Sabagay, potential boyfriend nga daw. Sabagay– hindi sila bagay.

 

Naglakad pabalik sa kitchen area ang bisita. “Juri nga pala.” nakaangat ang kamay nito. 

 

Hokuto took his hand for a firm handshake. “Hokuto.” 

 

“Ah, ikaw pala ‘yon.” nginisian siya ni Juri. “‘Yung kaibigan ni Taiga from college.”

 

Kaibigan?! Hokuto was offended. Kaibigan talaga ang pakilala ni Taiga sa kanya? He lied to him? Whoa, what a start of a potential relationship. Simula pa lang, kasinungalingan na agad. What a very, very bad start. 

 

Juri went ahead and took a seat on the couch, ‘yung inuupuan kanina ni Taiga. He made himself comfortable. “Pare, if you don’t mind, hintayin ko lang sandali si Taiga. May sasabihin lang ako.”

 

“I don’t mind. Hindi ko naman bahay.” Hokuto muttered. Now, he was back again standing awkwardly in the kitchen. Why does he constantly feel na hindi siya belong sa bahay na ‘to? Out of place na siya sa mundo ni Taiga. What a bummer. 

 

Hokuto just leaned his back against the kitchen counter. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon at nag-send ng mensahe kay Jesse. Masyado nang matagal ang dalawa para sa kukunin nilang order sa front desk. Either naghagdan ang dalawa up to 18th floor o wala talagang order ang mga ‘to. 

 

Shit, nabibingi siya sa katahimikan. Should he talk to Juri? Parang sa kanilang dalawa, siya ‘yung intruder. Siya ‘yung out of place, ‘yung hindi belong. Kaso ano ba pwede nilang pag-usapan. Pasimple niyang sinilip kung ano ang ginagawa nito sa sala. Juri’s on his phone, watching something dahil sa naririnig niyang sound. He was sitting with crossed legs, acting like he owned the house. 

 

Ang awkward puta. Nasaan na ba ang mga tao? Bakit kailangan umalis ng lahat?

 

Hokuto felt relieved nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Kaso bigla nga lang itong naglaho nang pumasok si Taiga, hapong-hapo. 

 

“I need my phone to call–Juri?” bahagyang tumaas ang boses ni Taiga nang makita ang bagong dating na bisita. He saw Taiga looked at Juri, then at him, bago bumalik ulit kay Juri. 

 

What the hell was that? Maling-mali ata talaga na nandoon siya. Hokuto thought he should’ve just gone to his store instead.

 

“Saan ka galing?” tanong ni Juri, putting his phone down the coffee table, katabi ng photo album nila. 

 

Hokuto had this urge to run and snatch the photo album, then burn it to the ground. But that wasn’t right for the environment. His best option was to get mad at Jesse for giving that to Taiga. Ano na lang ang iisipin ni Juri as Taiga’s potential partner kapag nakita nito ang mga larawan doon? Sana lang ay hindi nito bulatlatin ang photo album.

 

 Pero kung makikita man nito ang laman, ano naman? Kaibigan lang naman siya from college years ni Taiga. Nothing to worry about.

 

“Why are you here, Juri? Akala ko ba nasa Siargao ka?” tanong ni Taiga. Nakatayo lang ito malapit sa lalaking nakangisi. 

 

“Kauuwi ko lang kanina. Naisip kita kaya umakyat ako.” Juri glanced at him before turning his attention back to Taiga. “Kaso andito pala ‘yung college friend mo.”

 

“Sinabi ko sa’yo na may bisita ako ngayon.” 

 

“Ah talaga ba? Nakalimutan ko siguro.” 

 

Okay , they update each other. Dapat ba niyang malaman ‘yon? Asan na ba kasi sina Jesse?

 

Uncomfortable man ‘yung pwesto niya for a lot of different reasons, nanatili lang si Hokuto na nakasandal sa kitchen counter, stealing glances from time to time at the other two persons. Hindi na niya marinig kung anuman ang pinag-uusapan ng dalawa, they were now whispering to each other. Maybe it would be best if he gives them privacy. 

 

Bago pa man siya makapagpaalam para umalis pansamantala, bumukas ang pinto ni Taiga. Akala niya si Jesse na ang makikita niya, but it was yet another person. ‘Yung isa pang groomsman sa kasal. Nakita siya nito, but unlike Juri, he didn’t seem surprised to see him there. Tinanguan siya nito habang maayos na tinabi ang suot na tsinelas at tuluyang pumasok sa loob. 

 

“Pare,” nakipag-fist bump ito sa kanya na tinanggap niya naman. “Kanina pa kayo dito?” 

 

“Shin!” sigaw ni Taiga mula sa sala. 

 

Hokuto saw the change in Shintaro’s expression when he saw the other person in the living area. 

 

From warm demeanor, parang makikipag-away ito.  Matalas ang tingin nito sa direksyon ng bisita ni Taiga. Puta, love triangle pa nga ata ang mga 'to.

 

 

●・○・●・○・●

 

Sa palagay ni Hokuto ay dapat pinakinggan niya ang horoscope sa TV kaninang umaga. Kung sana ay inalam niya ang kanyang lucky color, lucky item, at lucky number para sa araw na ‘yon, malamang ay naiwasan niya ang sariling mapunta sa isa na marahil sa pinaka-awkward na araw sa tanang buhay niya. 

 

Kasalukuyan siyang nakaupo sa 100k-worth na couch ni Taiga katabi si Shintaro. Both of them were watching Taiga with Juri as the two figured out how to set up that damn ice maker. May kung ano pang tinuro si Taiga sa instruction manual na hawak nito, kaagad naman lumapit si Juri para alamin kung ano man ‘yon. 

 

Ano ba ang mahirap sa pag-set up ng ice maker? Bakit kailangan personal pang puntahan ni Juri si Taiga sa bahay nito para i-assist? Eh cum laude nga si Taiga. Taiga knows how to read. Taiga knows how to follow instructions. Unnecessary na halos magkapalit na ng mukha itong dalawa sa sobrang dikit para lang i-set up ang machine na gagawa ng yelong matutunaw lang din naman. 

 

The scene in front of Hokuto wasn’t a pleasant one, and between the two of them, mas mukhang ayaw ni Shintaro sa nakikita nila. The guy was clenching his fists and his silence kind of scared him. Bubbly kasi ang pagkakakilala niya dito from their first meeting. 

 

That made Hokuto think kung totoo ba ‘yung pagli-link ni Jesse kay Shintaro at Taiga. Nag-iba kasi talaga ‘yung aura ni Shintaro nang makita si Juri. He was hoping na hindi romantic feelings ‘yung meron ito kay Taiga, kasi kung tama siya mas nagli-lean towards brotherly love ‘yung nakikita niya. Protective kumbaga. Kung totoo man ‘yung naiisip niya, he’d be relieved. Kung bakit, hindi alam ni Hokuto ang sagot. 

 

Wala pa ata siyang isang oras sa bahay ni Taiga, pero ang dami na agad nangyari. At isa na lang talaga ang gustong mangyari ni Hokuto–ang dumating na ang soon-to-be wed Jesse and Yugo. Hindi na niya kailangan mag-overthink sa mga nangyayari sa kaniya kung andon ang dalawang maingay na kaibigan.

 

At hindi niya kasi talaga gusto na naroon si Juri. Hindi niya maipaliwanag kung bakit. Something’s off with the guy. Was it the way he dressed? Was it the way he carried himself? Or was it the way they look good together? Ito na ata ‘yung palaging sinasabi ng mga tao na sana all.

 

Dininig naman ng ng nasa itaas ang kanyang munting hiling, kahit sobrang late na. Dumating ang dalawa, walang ibang bitbit maliban sa bag ng ice cubes. 

 

“Oh, nasaan na ang pinadeliver mong pagkain?” nakataas na kilay na tanong ni Taiga sa dalawang bagong dating. Nasa tabi nito si Juri, halos yumakap na sa may-ari ng bahay. 

 

“Ah, wala. Canceled. Bumili na lang kami ng yelo. Hello, you must be Juri. I’m Yugo, and this is my fiance, Jesse.” 

 

Noon lang lumayo si Juri para makipagkamay sa dalawa niyang kaibigan. “Yup. Kapitbahay ako ni Taiga.” 

 

Napa-tsk si Shintaro sa kanyang tabi, mahina lang pero sapat para marinig niya. Nagkatinginan silang dalawa, pero walang salitang lumabas kanilang dalawa. Basta ang alam ni Hokuto, mukhang pareho silang hindi sang-ayon sa nakikita. Kung anuman ‘yon, basta pareho sila. 




 

 

 

Lucky Color: Pink. Lucky Number: 6. Lucky Item: water fountain placed in the east direction of the house. Who has time to check for the exact direction? Definitely not Hokuto. At saan naman siya kukuha ng water fountain at that very moment? 

 

Mabilis niyang in-exit ang Chrome app sa kanyang cellphone at binalik ‘yon sa bulsa. Walang kwenta ang naisip niya. Wala na rin naman siyang magagawa. Kasabay na niyang kakain ng lunch sina Taiga, Jesse, Yugo, Shintaro, at Juri. Nakaupo na silang lahat sa dining table ni Taiga, na surprisingly ay kasya silang anim. 

 

Sa kabisera nakaupo si Taiga, nasa kaliwa nito si Juri. Gusto sana niyang katabi si Jesse kaso ang taksil na kaibigan ay piniling tumabi kay Juri. Yugo was already sitting opposite of Taiga, at nasa kaliwa naman nito si Shintaro. So Hokuto had no other choice but to sit next to Shintaro. Kaharap si Juri, at nasa kaliwa naman si Taiga. Great.

 

“Tara, kain na tayo.” yaya ni Yugo, ito na rin ang naunang kumuha ng pagkain. Isa-isang tinuro ni Yugo ang mga putaheng nilipat nito sa bowls para daw maraming huhugasan si Taiga after. “Beef kaldereta, binagoongang baboy, creamy chicken pastel. Tikman n’yo ‘yung kaldereta, sobrang sarap niyan. Makakalimutan n’yo pangalan ninyo.” 

 

Ang daming nangyayari sa harap niya. Abala sina Jesse, Yugo, at Shintaro na lagyan ng ulam ang plato ng isa’t isa. Silang tatlo lang ni Juri at Taiga ang nag-aabang na matapos ang mga ‘yon. 

 

“Kay Tita Dory’s ito ‘no?” tanong ni Shintaro, just a confirmation. Bigla na lang nitong nilagyan ang plato niya ng kaldereta. “Tikman mo ‘yan p’re. Masarap ‘yan.” 

 

“Hoy ako din Shin!” habol ni Taiga. He laughed to himself nang hindi nito pinansin ang host at ang nilagyan sa plato ay si Yugo. “Damot ah.” 

 

“Juri kwento ka naman about yourself.” Nakangiti itong si Yugo na akala mo nag-iinterview ng aplikante. In a way, oo. Kasi parang interview ‘to ng potential partner ng bestfriend niya. “I heard teacher ka raw?”

 

Tinanggap muna ni Juri ang inaabot na bowl ng binagoongang baboy ni Jesse bago sumagot. “Yeah.  High School Statistics.Dito lang din sa Pasig.” 



After getting his share of binagoongang baboy, inaabot sa kanya ni Juri ang bowl. He hesitated, but Juri was waiting for him to take it. Bago pa man niya maabot ‘yon ay naagaw na ni Taiga ang bowl. Hindi niya sure pero parang narinig niyang bumulong si Taiga tungkol sa allergies or something. In a way, natuwa naman siya at hindi nito nalimutan ang bagay na ‘yon tungkol sa kanya. 

 

“Buti walang kaso sa school na may tatts ka sa braso?” tanong naman ni Jesse.

 

“Wala naman. As long as hindi kita, oks  naman sila. Sectarian school din kasi.” sagot ni Juri. Hindi nakalagpas sa kanya ang paglipat ng tingin nito sa kanilang dalawa ni Taiga. Gusto niyang sabihin na wala lang ‘yung ginawa ni Taiga. But as an ex, parang ang defensive ng move na ‘yon.

 

Pero college friend ka lang, kontra ng maliit na boses sa utak niya. At dahil don, nagsimula na siyang kumain ng beef kaldereta at chicken pastel na hindi niya alam kung kailan dumating sa plato niya. 

 

“Ilang taon ka na sa pagtuturo?” sunod naman na tanong ni Yugo. 

“Four years na siya sa school na ‘yan.” sagot naman ni Taiga. 

 

“Naks, alam na alam.” panunukso ni Jesse. May laman pa bibig nito pero nakuha pang mang-asar. “Oh Taiga, saan pa siya nagturo?”

 

“Two years sa private school sa Pateros, tapos one year naman sa may Cainta. Uy, doon lang ‘yon sa labas ng village natin, Yugo, Shin.” excited na sagot naman ni Taiga. “Kilala niya si Kuya Alfred ng Gate Two, Shin.”

 

Pasimple niyang nilingon ang katabi. Nakababa ang ulo nito at patuloy lang na kumakain. Now it was clear to him that Shintaro was purposely ignoring Taiga. 

 

“Kamusta naman as a teacher? Is it hard since they’re teenagers? Ang lala pa naman ng ganong edad.” Jesse inquired.

 

“Maraming gago oo, hindi na ata mawawala ‘yon.” natatawang sagot ni Juri. “Okay naman, so far. Wala pa namang nanggago talaga ng sobra sa’kin sa klase ko.” 

 

“Takot kasi sila sa’yo.” singit naman ni Taiga. “Mukha ka kayang gangster.”

 

“Nambabagsak ka ba?” dagdag ni Jesse. “Uso pa ba ngayon ‘yon? ‘Di ba may binago sila sa curriculum.” 

 

“So far, wala pa namang bumagsak sa klase ko.”

 

“That means magaling kang teacher,” puri ni Yugo. 

 

Mukhang papasa ‘tong si Juri sa best friend ni Taiga ah. Sabagay, kung siya din naman ang tatanungin, mukha namang matino si Juri. May pinag-aralan at may career. Sana hindi ito naninigarilyo dahil ayaw ni Taiga ng amoy non. Kung nag-iinom man, sana hindi ‘to lasinggero na magiging sakit sa ulo ni Taiga. Saglit, bakit parang mas OA pa siya kesa kay Yugo kung isipin ang ikabubuti ni Taiga? Ano bang pakialam niya sa kung sinong i-date ng mga kaibigan niya?

 

Inabala na lang niya ang sarili sa pagkain. Totoo nga, masarap ang beef kaldereta pero it wasn’t enough for Hokuto to forget. Nawalan kasi siya ng gana. Baka kasi nalipasan na siya ng gutom. 

 

“Jess, paabot ng pitsel.” rinig niyang sabi ni Shintaro. When Jesse complied, agad nitong nilagyan ng tubig ang sariling baso. “Lapit mo baso mo, Hokuto.”

 

Nagmadali tuloy siyang kunin ang baso niya para masalinan ng tubig ni Shintaro. Ganito pala ‘tong magkakaibgan na ‘to. 

 

“Ice, p’re?” alok ni Juri. Hawak nito ‘yung bucket na may laman ng yelong dala nina Jesse. Mabuti na lang at naisipan ng dalawa na bumili. Hindi pa kasi magagamit agad ang ice maker for another 24 hours. 

 

“Hindi umiinom si Hokuto ng malamig na tubig. Kay Shintaro na lang.” singit ni Taiga. Aagawin sana nito ang ice bucket kay Juri nang magsalita ang katabi. 

 

“HIndi rin ako umiinom ng malamig. Sumasakit tiyan ko sa malamig.” 

 

“Ha?” eskandalong tanong ni Taiga. 

 

Tumawa nang malakas si Jesse na ikinagulat ng katabi nitong si Juri, meanwhile si Yugo naman ay muntik nang masamid. HIndi niya alam kung nagulat din ba ‘to kay Jesse o dahil sa kanina pang inaasal ni Shintaro kay Taiga. 

 

“Eh ‘pag alak, okay lang malamig?” tanong ni Jesse.  Thumb up ang sagot ni Shintaro at lalong natawa si Jesse. 

 

“Buti na lang mahaba pasensya mo bilang teacher, Juri. Kasi kailangan mo ng marami-rami kay Taiga. Sa ilang taon kong kasama ‘yan, ilang beses na rin akong muntik mawalan ng pasensya sa katigasan ng ulo niyan.”

 

“Dapat ko palang i-expect na sasama pa lalo ugali ni Taiga?” nakangising tanong nito kay Yugo. “So far naman okay kami.” 

 

Napasinghap ng malakas si Jesse. Fucking plastic. Naalala na naman niya tuloy ang photo album na ginawang pasalubong nito kay Taiga. 

 

“Kayo ba?” tanong ni Yugo.

 

Kantiyaw mula sa magkasintahan ang nangibabaw. Mas maingay si Jesse. Taiga was trying to deny the accusation, pero sa pagkakangisi ni Juri, he bet that there was already something going on with the two of them. Hindi rin nakatakas sa mata niya ang braso nitong nakapatong sa sandalan ng upuan ni Taiga. It was as if he was marking his territory. 



 Napatitig si Hokuto sa plato niya. Halos hindi niya nagalaw ‘yung kanin. Oo, masarap ‘yung kaldereta pero bakit parang tinatamad siyang ngumuya? Hirap talaga ‘pag nalilipasan ng gutom. Sayang lang at hindi niya ma-enjoy ang pagkain. 

 

He quietly fished out his phone from the pocket of his pants. Weekend ngayon, for sure ay dagsa ang mga mamimili sa Divisoria. Nag-aalala siya para sa mga staff na naiwang magbantay. Siniguro naman ng mga stafff niya na sila na raw ang bahala sa tindahan. Buo naman ang tiwala niya sa mga ito, pero hindi niya rin maiwasang kabahan. Lalo na’t walang mensahe ang mga ito. Ibig lang sabihin ay dagsa ang customers sa shop. 

 

“Ewan ko kay Taiga. Ayaw pa kasing umamin ng nararamdaman, eh.” simpleng sagot ni Juri. 

 

Kasabay ng hiyaw nina Jesse at Yugo ang pagsuntok ni Taiga sa braso ni Juri. Medyo naawa siya sa pagkapayat nito, pero wala na talaga siyang pakialam kung magsapakan pa silang dalawa. Huwag lang sa harapan niya.

 

Jesse moved his arms up in the air, trying to hush everyone. Eh kung tutuusin, silang apat lang naman nag-iingay. Ang tahimik lang naman nilang dalawa ni Shintaro. 

 

“Wait! Did I miss a few chapters in your life, Taiga? Bakit may dapat na nararamdamang umamin?”

 

“Babe! Bakit may dapat umamin ng nararamdaman.” pagatatama ni Yugo dito.

 

Ang kay Hokuto lang naman, kung hindi marunong managalog, dapat nanahimik na lang si Jesse. He made a mental note to give Jesse some tagalog comic books para mas humasa ito sa tagalog. Dito naman ‘to lumaki, pero lagi talagang nabubulol sa tagalog. 

 

Hokuto didn’t take interest in listening further. Nalipat na rin kasi ang topic ng mga ito sa ibang bagay. Pinilit niyang ubusin ang laman ng plato niya, pero hindi na talaga kaya. Inalok niya na lang ‘yon kay Jesse at hindi naman ‘yon tinanggihan ng kaibigan niyang mukhang boto na kay Juri. Edi nice. Boto na lang ni Shintaro ang kailangan nilang makuha. 

 

After a while, isa-isa nang tumayo ang tao mula sa dining. Shintaro was the first to go, kumuha pa ito ng ice cream sa ref ni Taiga bago ito pumunta ng balcony. Jesse followed, nagpaalam for a yosi break sa balcony rin. Taiga stayed close with Juri and Yugo who were still talking on the table. Siya naman ay pumwesto muli sa couch, with the objective of retrieving the photo album. Mahirap  nga lang, dahil wala siyang dalang bag. So in the end, tinago na lang ‘yon sa likod ng pang-isahang couch ni Taiga na nakadikit sa pader.

 

The feeling of being out of place still lingered, kaya nag-iisip na si Hokuto ng dahilan para maka-exit siya. Mabuti na lang talaga at nag-vibrate ang phone niya. He saw the message notification.

 

Bendo

0kEyYz L4nq kmE d2, bOsSin6. Enj0y k4 l4nq s4 d4t3 m0,,, h33h33

 

Pwede na siguro ‘yon. 

 

“Uhmm, una na ako,” biglaan ang pagtayo niya kaya napalingon agad sa kaniya ang tatlong nasa dining area pa. “May emergency sa shop. Kailangan kong pumunta.”

 

“Ha? Anong nangyari?” evident ‘yung pag-aalala sa mukha ni Yugo. Iniwas niya agad ang tingin dito. 

 

“Nag-away ‘yung mga staff ko.” nagpanggap siyang nagbabasa ng text mula sa phone. “Kulang ‘yung tumatao.” 

 

“Hoks, alis ka?” nakasilip mula sa balcony si Jesse.

 

Tinanguan niya ang best friend at dahan-dahang naglakad na patungo sa direksyon ng main door. He needed to leave the unit as soon as possible. Wala na siyang mahabing kwento pa para mapaniwala ang mga ito. 

 

“Shintaro, una na ako.” sigaw niya, nakita niyang tinanguan siya nito mula sa bintana. Hokuto then turned to the dining are. “Yugo. Juri, nice meeting you. Una na ako ah. Salamat, Taiga.”

 

“Hatid kita sa basement, wait lang!” He saw Taiga quickly washed his hands.

 

“Hindi, ‘wag na.Alam ko naman daan–”

 

“Hintayin mo ko–” 

 

Hokuto closed the door behind him and quickly walked to the elevator. Ibang klase ‘yung hangin sa labas, kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag. Kaso agad ‘yon binawi ng universe. Dahil sa kamalas-malasan, ang bagal pala ng elevator. Naabutan tuloy siya ni Taiga na naghihintay. 

 

Nakahinga ito nang maluwag nang makita siya. “Sabi ko hintayin mo ako eh.” 

 

“Sabi ko rin sa’yo, kaya ko naman.”

 

“Pero sabi ko–ay ewan ko sa’yo, Matsumura.” Bumukas ang isa sa mga elevators, nauna na itong pumasok don. “Tara na.” 

 

Wala ni isa man nagsalita sa kanilang dalawa habang pababa sila. Wala rin naman kasi siyang gustong sabihin, pero base sa pagkakagusot ng mukha ni Taiga, meron itong gustong sabihin. Pero para kay Hokuto, mas mainam nang makalayo na agad siya. 

 

Nang makarating sila sa basement ay nauna na siyang lumabas ng elevator pero nang mapansin siyang sumunod si Taiga ay huminto siya. 

 

“Huwag ka nang sumama sa sasakyan. Malayo parking ko.” pigil niya rito. 

 

“Make sure ko lang na makasakay ka ng sasakyan mo.” 

 

“Ha?”

 

“Huwag na makulit. Saan ka nakapark?” tinulak siya nito para magsimula na muli siyang maglakad, pero nilabanan niya ‘yon.

 

“Baka nakakalimutan mong may bisita ka sa bahay mo. Iniwan mo sila doon.”

 

“Okay lang ‘yon, sina Yugo naman.” 

 

Hokuto took a deep breath before he spoke again. “I don’t think it’s a good idea to leave your potential boyfriend with Yugo and Jesse. Tapos iba pa mood ni Shin–”

 

“Anong potential boyfriend?” tumaas ang boses ni Taiga. “Si Juri ba?”

 

Nagtataka man ay tumango siya. “Sino pa ba?”

 

“He’s just a friend.”

 

“Really, bakit parang may something?”

 

“He’s just a friend, Hokuto.” Mas madiin ang bawat salitang binitawan ni Taiga. “Cut it out.”

 

“Bagay kayo.” aniya. Bago pa siya makapaglakad palayo ay nagsalita si Taiga.

 

“Really?” Taiga looked frustrated and he had no clue why. “Hindi pa nga ako nakakaahon sa’yo, tapos gusto mo, Juri na agad?”

 

Sumakit bigla ang ulo ni Hokuto dahil sa sinabi nito. Taiga's eyes started to glisten. Halata na niyang nagpipigil na itong umiyak. 

 

“Ang tagal na noon, Taiga. Kalimutan mo na ‘yon.” aniya. “Kung tingin mo galit ako dahil sa ginawa mo noon, forget it. Iyon ba ‘yung pumipigil sa’yo para maging kayo ni Juri?” 

 

Nakatitig lang sa kanya si Taiga. Hindi niya mabasa kung anuman ang nasa isip nito. Siguro safe isipin na tama siya ng hula kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. It’s now or never.

 

“Taiga, we were both immature back then. Wala pa tayong masyadong alam sa pakikipagrelasyon. We each had our own paths then. So please, if you’re still thinking about our break up, let it go. I can’t believe na hanggang ngayon, ginugulo ka pa rin non. That was almost a decade ago.” 

 

Ilang sandaling katahimkan bago tumawa si Taiga, ‘yung tawang hindi umabot sa mata nitong namamasa-masa. 

 

No.

 

“Alam ko kasing nasaktan kita,” panimula nito. “‘Yung immature na tinatawag mo, he knew that he hurt you nine years ago. He hurt you a lot. I was selfish to you years ago. Ikaw ‘yung laging pinaka-naapektuhan kapag hindi ko maintindihan ‘yung sarili ko. Kapag hindi ko alam ‘yung gustong gawin sa buhay ko. Ikaw ‘yung lagi kong nasasaktan kapag ang gulo ng lahat–”

 

Pumiyok si Taiga. He didn’t stop himself from crying anymore. At sumisikip ang dibdib ni Hokuto na makita ganong si Taiga. 

 

“Ikaw ‘yung lagi nasasaktan. Pero don’t worry, nagtuloy-tuloy din naman ang buhay ko. I found my way, kahit iniwan kita. Pero the guilt is still here.” Marahas na pinunasan ni Taiga ang mga luha sa pisngi. “Even before we became us, naging magkaibigan muna tayo, Hoku. And I’d like to think na kahit paano, I was able to leave a piece of me in you. Akala ko, tumatak ako sa’yo kahit ilang taon lang naman tayong naging parte ng buhay nang isa’t isa. 

 

“Kasi ganoon naman, ‘di ba? Lahat ng taong nami-meet mo throughout your life may leave a fragment of themselves in you. Tangina, ni hindi ko nga gusto ng Clover Cheesier, pero dahil sobrang paborito mo ‘yon, hindi na ako nawalan ng stock sa bahay. Naging favorite ko na rin siya.

 

“And not just that damn junk food. Ikaw mismo. You left a huge impact in my life. You’re one of the important people from my past. I thought I am the same to you. Kaya hanggang ngayon, iniisip ko pa rin na nasaktan kita kahit halos dekada na ‘yung nakakalipas. But, hey! It’s nice to hear na wala lang pala ‘yung sa’yo. It’s ridiculous of me to even think that.”

 

Lalong nahihirapang makahinga si Hokuto. Gusto niyang pigilan sa pagsasalita si Taiga, pero hindi niya alam ang dapat gawin.

 

Pinunasan muli ni Taiga ang basang mga mata. He took a deep breath before facing Hokuto again, this time, with a faint smile on his face that crushed Hokuto even more. “I’m glad you’re doing okay, Hoku. Hindi naman sa gusto ko miserable ka rin gaya ko na lamon na lamon ng guilt, pero tangina lang–fuck, I’ll go now. Take care, Hoku.”

 

And there he was. Hokuto was left alone in the dimly-lit basement. Masakit ang puso niya. 

 

 

 

 

 

 

Chapter End Notes

tatlo lang talaga nasa notes ko na magiging chapters nito. kaso tingin ko, kailangan 'tong mga eksena na 'to para pahirapan ang sarili kong makarating hanggang dulo.

anyway, salamat at nandito ka pa rin. sana masarap ulam mo palagi (pahingi ako, swap sa kanin)

Afterword

Please drop by the Archive and comment to let the creator know if you enjoyed their work!