Preface

oplan dilig
Posted originally on the Archive of Our Own at http://archiveofourown.org/works/59185612.

Rating:
Teen And Up Audiences
Archive Warning:
No Archive Warnings Apply
Category:
M/M
Fandom:
SixTONES (Band)
Relationship:
Kouchi Yugo/Kyomoto Taiga
Characters:
Kouchi Yugo, Kyomoto Taiga
Additional Tags:
Random & Short, KyomoYugo friendship, Not Beta Read
Language:
Filipino
Stats:
Published: 2024-09-24 Words: 1,535 Chapters: 1/1

oplan dilig

Summary

Dahil sumosobra na ang kasungitan ni Taiga at marami nang madadamay, kinailangan nang mag-commence ng Oplan Dilig.

Notes

-short lang
-unbeta-ed as usual

oplan dilig

 

══════════════════

 

One ring… two rings… three rings…

 

Ang lala ng kabog ng dibdib ni Yugo habang hinihintay na may sumagot sa kabilang linya. Habang lumilipas ang mga segundo ay nanghihina siya. Ito na talaga ang huling baraha niya. Kung papalpak man ito, handa na siyang mag-Novena sa Quiapo para haplusin ng Diyos ang pusong bato ng kaibigan. Hindi na niya kaya ang kasungitan nito sa trabaho! 

 

Nabuhayan siya ng loob nang makarinig siya ng kaluskos sa kabilang linya at lumabas sa screen ng phone niya ang mukha ng taong dahilan ng ilang linggong pagod niya sa buhay. 

 

“Hello?” Kunot ang noo nito, nagdidilim ang paningin, at hindi maipinta ang mukha. Kung pwede siguro itong tumagos sa screen ng munting cellphone nilang dalawa, malamang ay nasabunutan na siya nito. O ‘di kaya ay nasakal. O binigyan ng kambal na sampal. Basta, handa nang mamisikal ang kaibigan niya. 

 

Pero walang siyang pakialam. He showed him his biggest smile. Just because namukhaan niya ang background nito. Success!



“O, andyan ka na pala. Na-traffic ka ba?” Inayos ni Yugo ang pagkakangiti niya nang makita niya ang sarili na nakangiti nang sobrang lapad. Dapat very demure, very cutesy.

 

“Bitch.” Inirapan siya nito. “Huwag mo nang itago na you’re very happy I’m going away for a few days. As if naman hindi ako aware sa plot mong ‘to.”

 

“What are you talking about dear?” He playfully winked at his friend, na lalong ikinainis nito. “Let me just say this once again— you deserve this vacation after all the hard work you’ve done ever since we started S.I.X. Dasurb na dasurb mo itong mini vacation mo. Sana all .”

 

“Sana all pala, bakit hindi na lang ikaw ang nagbakasyon?” Taiga hissed. Kahit naman ramdam niya ang matinding gigil nito, kudos to his bestie for not trying to raise his voice. Panay rin ang tingin nito sa paligid, to make sure na hindi siya nakakaabala ng ibang tao. Very demure.  

 

“Aba’y bakit ako, ikaw ang boss. You deserve the world–”

 

“Shut up.” 

 

Then the screen went black. Ang walangya, inilagay siya sa loob ng bag! Not literally but—Naku talaga, kung hindi lang talaga niya kaibigan ito, ipinakulam na niya ito sa Tiktoker who claims na kayang mangkulam. Anyway, Yugo figured Taiga was about to pass the boarding gate kaya inilagay nito ang phone sa bag para sa x-ray machine. Sayang lang, sa loob siya ng bag inilagay. Makikita na sana niya ang loob ng x-ray machine. 

 

A few seconds later, nakakita na siyang muli nang liwanag!



“What were you saying?” Bawas na ang inis sa tono ni Taiga. Pero kunot pa rin ang noo nito. At the very least, pa-kalma na ang mahal na prinsesang pinaglihi sa galit at poot. 

 

“Ang sabi ko, sa’ting tatlo ni Juri, ikaw ang mas deserve ng pahinga. Alam ko namang ilang linggo kang walang tulog nitong mga nakakaraang araw. Ewan ko ba sa’yo masyado kang seryoso in life. Sinasalo mo lahat kahit ilang beses na naming sinabi na andito naman—”

 

“Ang ingay ni Yugo. Akala ko ba bakasyon ko na, bakit may sermon pa?” Inirapan siya nito. Finally, nakaupo na rin ang kaibigan. 

 

“Totoo bang nasa airport ka na? Patingin nga.”

 

“Are you freaking serious? Hindi ba pamilyar sa’yo ‘tong nasa likuran ko?” 

 

“Aba malay ko ba kung nasa PITX ka lang, or sa One Ayala. Balita ko medyo airport vibes–oh. Oo nga, nasa terminal 2 ka na ng NAIA. Nice, very good! I’m very proud of you for your first domestic trip on your own after S.I.X.” 

 

Taiga flipped the camera back. Kita na niya ulit ang nakasimangot na mukha nito. “Ang plastik. You both made sure I got to the airport. Kulang na lang ihatid ako sa boarding gate ni Juri. Grabeng trust issues ‘tong meron sa friendship natin.” 

 

Who could blame Yugo? Sa sobrang workaholic ni Taiga, nag-pile up na ang stress from work. Sinong sumasalo ng init ng ulo ng isang Kyomoto Taiga? Siyempre, first in line silang dalawa ni Juri bilang co-owners ng S.I.X. Halos makalbo na sila ni Juri nitong mga nagdaang linggo. Last straw na nila noong nahuli ni Juri na napagtaasan ng boses ni Taiga ang heaven-sent nilang accountant na si Shintaro. Baby kung ituring nila ‘yon kaya naman nang malaman niyang minalas ito nang mahagupit ng bagyong Taiga, halos madurog ang very fragile niyang puso. 

 

Dahil sumosobra na ang kasungitan ng kaibigan at marami nang madadamay, kinailangan nang mag-commence ng Oplan Dilig. He and Juri thought that Taiga wouldn’t agree to go on a date, let alone a blind one. Wala na ring magagawa ang half-day, malamang eh mag-te-take home lang ng trabaho ang kaibigan. So Oplan Dilig it is. 

 

Sa sobrang lakas ng bagyong Taiga, they had to call for reinforcement–Papa Kyomo. One call from the great papa Kyomo, bahagyang humina ang lakas ng bagyong rumaragasa sa S.I.X. Kahit paano ay hindi na walking on eggshells ang baby Shintaro nila. But everyone was still on high alert. 

 

Juri was quick to book him a direct flight to Siargao. Sa totoo lang, kahit saang sulok pa ng Pinas ‘yan, mapaalis lang nila si Taiga, wala na siyang pakialam. But for this plan, it must be Siargao.

 

“Baka bigla kang tumakas eh. Mahal mahal kaya ng ticket mo,” aniya. “Sa pinakamagandang resort ka pa namin b-in-ook. We made sure you’re going to be comfortable sa two-week trip mo. Ang ganda-ganda daw sa Siargao, mag-Dora the Explorer ka ah?” 

 

“Napaka-gastos mo beh. ” 

 

Kita niyang kumportable na si Taiga sa kinauupuan nito. Tila ba nakikita niyang unti-unting umaalis sa katawan nito ang maitim na usok na nagko-cause ng kasamaan ng ugali nito. 

 

May himala!

 

“Only the best for my bestie.” Kinindatan pa niya ang kaibigan. “Enjoy the beach and get some dick!”

 

“No, thanks,” mariing sagot ni Taiga. “Ayoko sa hindi ko kilala.”

 

Yugo shrieked. “Ay puta, kino-consider. Welcome back, maharot na bestie.” 

 

Taiga pulled one of his airpods away from his ear. “My god, Yugo. Ang hyper mo tonight. What’s with you? Masyado ka naman atang masaya na wala ako sa trabaho.” 

 

“You’re not wrong, dear.” 

 

“Gago.” 

 

“Pero mabalik ako. Kung kilala mo, papayag ka nga? True the fire?” 

 

 “Ha? Anong through–ha?”

 

“Alam mo, makipag-usap ka sa mga barista nating gen z para updated ka sa current lingo,” Yugo snapped. Napatingin siya sa spare phone niya. Nakareceive na siya ng reply galing sa most important piece of this Oplan Dilig. 

 

“Gago, Yugo.” Seryosong tawag ni Taiga sa kanya. Nakatingin sa bandang harapan nito si Taiga bago siya tinapunan ng tingin. One hand covered his mouth. “Fuck, fuck, fuck. Yugo, oh my god ka.” 

 

“Bakit? Anong nangyari sa’yo?” Unti-unti na siyang nagpapanic dahil sa mga kinilos ni Taiga. 

 

“Tangina ka, saang airline mo nga ulit ako b-in-ook—gago sa PAL. Fuck ka, Yugo.” 

 

Yugo watched as Taiga panicked on the screen. Napangiti na lang si Yugo. Alam na niya ‘to. 

 

“Anong problema, beh? May emergency ba diyan o may nakita kang pogi in pilot uniform?”

 

Taiga’s head snapped back to him. Nanlalaki ang mga mata nito, tila hindi makapaniwala  na nahulaan niya ang nakikita nito sa mga oras na ‘yon. 

 

“Ay, tama ako? Aba swerte mo naman. Magandang start ‘yan.” 

 

“Gago! I think I saw Matsumura. Gagi, ‘yung classmate natin noong high school.”

 

“Matsumura? ‘Yung first love mo? ‘Yung sabi mo never mong magiging crush kasi ayaw mo sa matalino kahit pogi kasi at the end of the day, nerd pa rin siya? ‘Yung binigyan mo ng chocolate noong Valentines Day pero imbyerna ka kasi tinanggihan niya–”

 

“Oo na, pota.” Taiga cut him off. Titig na titig pa rin ang kaibigan sa nasa harapan nito. His fingers were playing with his lips. Alam na niya ‘to.Ito na ‘yon. Lihim siyang napangiti. 

 

“Words on the street say he’s single.” 

 

“Bagay sa kanya ‘yung uniform niya. He looks–what’s the word? Matikas? Makisig? Who would’ve thought that a man with a suitcase could look that attractive?” 

 

 Gustong magta-tumbling ni Yugo sa excitement na nararamdaman niya. Sure siyang  kung andito si Juri ay parehas silang nagsisisgaw sa saya. Magtatapos na ang kalbaryo nilang dalawa. 

 

“Te, ‘yung laway mo,” biro niya sa kaibigan. 

 

“He looks masarap, yes.” 

 

“Oh my god ka, I don’t want to hear more of this. End call ko na baks.” 

 

Tinawanan siya nito, but Taiga’s attention was still locked at the person standing a few meters away. Salamat talaga sa ka-relationship status: masaya niya na si Jesse, nakumpleto ang final piece ng Oplan Dilig. Jesse is Hokuto’s friend so it was easy for them to know his flight schedule. Sure siyang both still find each other attractive–na kaka-witness niya lang sa side ni Taiga–and matatanda na naman sila, what could go wrong in a island far from home with your first love, ‘di ba? 

 

“May layover ‘yan sa Siargao.” 

 

Napatingin sa kanya si Taiga, puno nang pagtataka ang mukha nito na kinindatana niya lang. Napailing na lang ang kaibigan bago muling sinipat ang highschool crush nito. 

 

“Go get him, bestie.”

 

“Oh, I will.”

 

Yugo saw Taiga slowly raise his arm to wave at someone. 

 

“Pota ka. Practice safe sex!”

 

Dalawang linggong walang Taiga? Yugo says dasurb na dasurb.

 


══════════════════




Afterword

End Notes

Practice writing lang ulit hehe

Please drop by the Archive and comment to let the creator know if you enjoyed their work!