Preface

need you to know
Posted originally on the Archive of Our Own at http://archiveofourown.org/works/67097737.

Rating:
General Audiences
Archive Warning:
No Archive Warnings Apply
Category:
M/M
Fandom:
SixTONES (Band)
Relationship:
Kyomoto Taiga/Matsumura Hokuto
Characters:
Kyomoto Taiga, Matsumura Hokuto
Additional Tags:
Alternate Universe, Love Confessions, Getting Back Together, Fluff
Language:
Filipino
Series:
Part 3 of DIBI
Stats:
Published: 2025-07-02 Words: 5,137 Chapters: 1/1

need you to know

Summary

Sa competitive scene, kapag nakatikim ka na ng panalo pagkatapos ng ilang buwang madugong training, kakaibang sarap sa pakiramdam ‘yon. Every after win, you can either bask in temporary bliss or aim higher. Dahil maraming may gusto sa kung anong meron ka. Despite all the wins, little and huge, Taiga is still left wanting more. And it’s not even job-related.

Notes

huling utot for dibi teehee
part sana 'to nung ch4, kaso parang oks na sa'kin
kaso nung napost ko 'yung ch4, parang mumultuhin ako ng gdocs ko 'pag 'di ko 'to pinost

Set ito after ng wedding. pwedeng epilogue. hiniwalay ko na lang kasi 4/4 lang naman talaga 'yung main story ;_;

need you to know

 

●・○・●・○・●

 

Taiga should be happy. Everything’s going well in his life. There’s lot of little wins that he’s always thankful for everyday. Katulad kanina, hindi siya naipit sa traffic papunta sa embassy ng susunod na bansang pupuntahan ng mga players niya. Mainit pa ang pagkain nang dumating ang pinadeliver niya kaninang lunch. At pagkatapos ng trabaho niya, nagkaroon pa siya ng time para makadaan sa mall para bumili ng bagong cable ng phone niya. 

 

At syempre, ang mga malalaking panalo niya sa buhay. Literal na may tropeyo dahil sa dami ng naipanalong tournaments ng team niya. Tumaas din ang sahod niya dahil sa promotion. Dahil doon, napabilis ang pag-iipon niya para sa regalo niyang Europe trip para sa wedding anniversary ng parents niya.

 

Isa lang ang gusto ni Taiga ngayon–ang makasama sa bakasyon ng mga magulang niya. Pagod katawan at kaluluwa niya nitong mga nagdaang buwan dahil sa expansion sa trabaho niya. Tingin naman niya ay deserve niyang magliwaliw along the streets of Paris without thinking of anything else. That would definitely make his life way, way better. 

 

Pero sino bang niloloko ni Taiga? Sa competitive scene, kapag nakatikim ka na ng panalo pagkatapos ng ilang buwang madugong training, kakaibang sarap sa pakiramdam ‘yon. Every after win, you can either bask in temporary bliss or aim higher. Dahil maraming may gusto sa kung anong meron ka. Despite all the wins, little and huge, Taiga is still left wanting more. And it’s not even job-related. 

 

 

●・○・●・○・●

Goto-Stop, Rizal

 

Saktong patapos na ang dinner rush nang makarating si Taiga sa paborito nilang gotohan. Nauna roon si Shintaro na siyang nag-order para sa kanilang tatlo. Halos kadarating lang din ni Yugo nang marating niya ang lugar. 

 

May katagalan na rin nang huli niyang makita ang mga kaibigan niya. Napapadalas na kasi ang lipad ni Shin dahil sa trabaho nito. Nagugulat na lang sila na magsasabi itong nasa kung saang panig ito ng bansa. Gagawa naman ng bagong pelikula si Yugo, nakailang labas na rin ito ng bansa para mag-ocular visit. At siya rin naman ay pabalik-balik sa Riyadh dahil sa pinakabagong team ng org nila. In other words, lahat sila ay nasa peak ng career. 

 

Nakailang rainchecks din sila bago nagkasundo ang mga freetime nilang tatlo. Finally, nagtagpo rin ang mga bituin–sa kalagitnaan ng linggo. 

 

“Tatlong goto overload!” masiglang sigaw ni Shin, dala-dala nito ang tray ng pagkain nila. Agad niyang tinulungan ito na ilapag ang mga ‘yon sa lamesa nila. 

 

“Taiga, manlibre ka naman ng coke.” Kantyaw ni Yugo. Pinupunasan nito ang mga kubyertos na gagamitin nilang tatlo. 

 

“Oo nga,” pag-sang-ayon ni Shin nang makaupo sa table nila. “Patikim naman ng libre ng na-promote.”

 

“Nag-reflect na ba sa sahod mo?” tanong ni Yugo, excited na marinig ang sagot niya. Nang tumango siya ay mas naging masaya ito. Bumaling ito agad sa staff ng gotohan. “Ate, pa-order po kami ng isang litrong coke saka leche flan. ‘Yung pinakamalaki. Mayaman na ‘tong kaibigan namin.”

 

“Hayop!” Hinila niya ang buhok nito. “Bakit ako lang ang manlilibre? E promoted din naman si Shin.”

 

“Kaawaan naman sana ‘yung empleyado ng gobyerno.” Napanguso pa ito, halatang nagpaawa lang. 

 

“Take note, marangal at tapat na empleyado ng gobyerno.” gatong ni Yugo. “Gaano lang bang kabawasan ‘yung two fifty para sa coke at leche flan galing sa sahod mong–”

 

“Oo na, oo na!” pigil niya, baka kung ano pang lumabas sa bibig ng kaibigan. “Umorder na lang kayo please.”

 

Humahagikgik pa ang dalawa nang mag-high five. Napailing na lang siya. Namiss niya rin naman kasi itong dalawang kaibigan niya. Sa sobrang busy, major life updates na lang ang alam nila sa isa’t isa. Nakakamiss rin kayang mag-share ng mga funny encounters in their daily lives. Nakakalungkot man ang pagbabagong ‘yon, pero masaya pa rin siya sa nagiging takbo ng mga buhay nila. 



“Kailan pala house blessing n’yo?” tanong ni Shin kay Yugo na sunod-sunod ang subo sa goto. Hindi naman halata ang gutom nito sa maghapong shoot. 

 

“Sa June, sabay sa birthday ng asawa ko.” 

 

“Yuck! Itigil mo nga.”

 

Napahagalpak sa tawa ang dalawa. “Te, six months na kaming kasal. Tanggapin mo na. May asawa na ko.”

 

“Ang cheesy kasi.” Irap niya sa dalawa. “Dati uhuging elementary ka lang, tapos ngayong uma-asawa asawa ka na dyan.”

 

“Madali lang ‘yan, Taiga.” Nilagyan ni Shintaro ang baso niya ng coke. “Mag-asawa ka na rin.”

 

“Tama!” 

 

“Gago, bata pa ako. Teenager pa lang ako.” Kontra niya sa mga kaibigan. “Ayokong matulad kay Yugo na maagang nag-asawa.” 

 

“Gaga ‘tong, trenta ka na.” Umurong si Yugo para tignan nang malapitan ang mukha niya. “Walang teenager na may wrinkles.”

 

“Hoy bawiin mo ‘yan!” Natakot siya sa sinabi nito at mabilis na kinuha ang cellphone para tignan ang sarili. 

 

Marahang tinapik ni Shin ang kamay niya. “Bawal mag-phone habang kumakain please.”

 

“Si Kochi kasi.” iritang bulong niya, parang batang nahuling may ginagawang kasalanan. “Mas sumama ugali after his wedding.”

 

“Branding n’yo naman talagang dalawa ang pagiging maldita.” Shintaro deadpanned. “Kamusta na nga pala si Jesse?”

 

Pagkatapos ng kasal ng mga kaibigan nila, Jesse resigned from his corporate job. Ito na mismo ang personal na naghahandle ng photography studio ni Yugo. Nabanggit ni Jesse na gusto nitong kunin si Shin dahil na rin sa galing nito sa photography. Huling balita niya, Shintaro refused because he didn’t want to leave his job. Lalo na’t nagma-masteral din ito para nga naman sa future career plans. 

 

Yugo beamed at Shin’s question. “Oh my god, nakakaloka. Dapat pala matagal ko nang pinasa sa kanya ‘yung business. Ang galing niya sa networking. He got us four clients already sa loob ng dalawang linggo.”

 

“Wow!” proud na sabi niya.

 

“That’s nice ah. So tuloy na talaga ang plano niya na for wedding services na ang business?”

 

“Yes.” All smiles pa rin si Yugo. “Nagkaroon pa tuloy sila ng connection ni Hokuto about weddings. Makakaahon na tayo sa hirap, Taiga. Nasa negosyo talaga ang pera.”

 

Taiga’s head snapped in Yugo's direction. “Aba bakit kasama ako? Aampunin niyo na ba ako? Teka lang muna ah, tignan ko muna sino mas mayaman sa inyo ng tatay ko bago ako pumirma.”

 

“Letse.” Yugo rolled his eyes at him. “Syempre kasi nabu-boost din ang business ni Hokuto. Shin, I think it’s time for you to get into business na rin…”

 

Taiga let out a shaky breath. Hinayaan niya na lang mag-usap ang dalawa niyang kaibigan at tahimik na inubos ang leche flan. Nagkwentuhan pa silang tatlo for another hour bago nila naisipan na maghiwa-hiwalay na. May pasok pa rin kasi si Shin kinabukasan. Dahil pansamantala itong nakatirang muli sa parents nito, kailangan mas mahaba ang allotted time nito sa byahe. Yugo has an early morning shoot din. Siya naman ay tanghali pa ang meeting, and since nasa bakasyon naman ang mga magulang niya, wala naman na siyang gagawin pa sa subdivision nila.

 

Tahimik lang siya habang nagda-drive para ihatid si Yugo sa apartment ni Jesse. 

 

“I can’t believe you’re driving,” ani Yugo. Kalalabas lang nila ng subdivision. “Kinakabahan ako. Safe ba ‘to?”

 

“Pwede naman kitang ibaba na lang diyan tapos bahala ka na mag-abang ng jeep pauwi kay Jesse.” Tinabi talaga ni Taiga ang sasakyan saka huminto. 

 

Sinamaan siya ng tingin ng kaibigan, pero natawa na lang din ito sa pettiness niya. “Parang gago ‘to. Kinakabahan lang ako, pero mas nakakatakot ma-holdap ‘no. Gagawin mo pang biyudo asawa ko.” 

 

Taiga scoffed. “O e’di huwag kang reklamador diyan nang maihatid na kita sa asawa mo.”

 

“Ih, tanggap na niya.” pang-aasar nito. He felt him tickling his sides. 

 

“Te, akala ko ba ayaw mo maging biyudo si Jesse.” protesta niya habang umiilag sa ginagawa ni Yugo. agad din naman itong tumigil nang marealize na malakas nga pala ang kiliti niya. Tinawanan lang tuloy siya nito. 

 

“Kamusta naman kayo ni Hokuto? Happy ka, bestie?” kahit hindi niya nakikita, alam niyang nakangiti ang kaibigan and it’s making him soft.

 

“Yeah,” aniya. “Happy. Super.”

 

Totoo ‘yon. Masaya si Taiga kay Hokuto. Pagkatapos ng pag-uusap nila noon sa kasal ng mga kaibigan nila, from Hokuto refusing to let his hand go hanggang sa makabalik sila sa Maynila. Hokuto has been extra clingy, mas malala sa dati. Not that Taiga’s complaining. In fact, gustong-gusto niya ang pagiging clingy nito. He wants him close to him, too. Kung hindi lang talaga sagabal ang trabaho, mas pipiliin na lang niyang laging kasama si Hokuto. 

 

Dasurb,” Yugo beamed. “Anong feeling?”

 

“Alam mo ba, I thought sa masarap na pagkain na lang ako kikiligin. I can’t believe Hokuto’s making me feel kilig at thirty.”

 

Napahalakhak ang katabi niya. “Wala namang edad ang love, ‘no.”

 

“I know that,” aniya. “Pero hindi ko naman naisip na maeexperience ko siya ulit. I wasn’t looking for it ‘di ba.”

 

“Paano ka makakahanap, e ang lala ng tama mo kay Hokuto. Hindi kayo nagkita ng sobrang tagal, pero siya pa rin. As a keeper ka diyan.”

 

“Keeper pero iniwanan ko nga noon.” 

 

“Heh! Magtigil. Past is past.” saway ni Yugo. “Kwentuhan mo pa ako dali. I want to hear you get kilig like a teenager.”

 

Napairap siya sa narinig. “Gagawin mo lang kaming material sa next pelikula mo. Kilala ka kita.”

 

“Bakit hindi? I mean I tell different kinds of love stories.” 

 

Isang text notification ang kumuha ng atensyon nilang dalawa ni Yugo. Dahil naka-mount ang phone niya, sabay nilang nakita ni Yugo ang mensaheng dumating. 

 

Hokuto

Uwi ka sa’kin?

 

Impit na tumili si Yugo sa tabi niya. Mahina pero pinaghahampas nito ang balikat niya. Mabuti na lang at nasa red light sila ngayon. Kahit siya rin naman ay kinilig. Bakit pa niya itatago, e si Hokuto naman ang dahilan ng kilig niya. 

 

Mabilis na sinipat ni Taiga ang traffic light bago nagreply kay Hokuto. Syempre oo ang sagot niya. Bakit naman niya pagdadamutan ang sarili niya ‘di ba? Nakakapagod naman talaga ang araw niya, deserve niya ng mahigpit na yakap hanggang sa makatulog ngayong gabi sa tabi nito. 

 

“Pakalandi niyong dalawa.” Umisang kurot pa si Yugo  sa braso niya. “Alam ba nina tita ‘yang kalandian ng anak niya? My god, magpakipot ka naman minsan.”

 

“Heh!” Taiga swatted his hand. “You can’t say that to me. Wala pang thirty minutes sa unang date niyo ni Jesse noon and you were already making out?!”

 

Yugo shrugged his shoulders, may kayabangan ang ngiti nito. “What can I do?”

 

Nang makarating siya sa apartment ni Hokuto, mas nanlambot ang puso niya sa naabutan. Abala ito sa paghuhugas sa lababo. Nakasuot pa ‘to ng apron na binili niya noon sa 168 bago siya umakyat papunta sa tindahan nito. Nagandahan kasi siya sa kulay na black at baby pink.

 

Nabigla ito nang makita siyang nasa loob na ng bahay (yes, opo may spare key siya). He saw the quick turn from a surprised look to a big smile when Hokuto realized he was already inside the house. Mabilis itong nagpunas ng kamay habang naglalakad papunta sa kanya. Nang makatayo ito sa harapan niya ay hinalikan nito ang pisngi niya.

 

“Hindi kita narinig pumasok,” anito saka hinubad ang apron. 


Marahan siya nitong hinila paupo sa couch. Naagaw na rin nito sa kanya ang bag  niya. At nang makaupo silang magkatabi, agad siya nitong inakbayan. Otomatiko namang napayakap siya rito. 

 

Perfect…

 

“Kamusta naman bonding niyo nina Yugo?”

 

“It was nice! Muntik pa naming hindi naubos ‘yung leche flan. Hindi na namin gusto ng matamis. We’re getting old na.”

 

Umalog ang katawan nito sa dahil sa pagtawa. “Next time niyan, poproblemahin niyo na ang gout.”

 

Siniksik niya ang mukha niya sa leeg nito. Naramdaman na lang niya ang mga braso nito na bumalot sa katawan niya. “Pwede bang pause muna? Ayoko pa tumanda.”

 

“E’di pause muna,” Hokuto whispered. “Let’s stay like this for a while.”

 

Taiga hummed, breathing Hokuto’s scent in. Heto na naman, nagiging emotional na naman si Taiga. God knows he’d give everything just to be with Hokuto. Hindi lang sa mga bisig nito, pati na rin sa buhay nito. Hokuto makes him happy. 

 

After their little confession, they made a little promise to take things slow. Kasi nga naman, kahit dati na silang magkaibigan at naging magkarelasyon, hindi na nila kilala ang bawat isa. Nag-mature na rin sila. Things are different now.

 

Hindi na gusto ni Hokuto ng maanghang na pagkain. Samantalang dati ay madalas siya nitong asarin dahil mababa ang tolerance niya sa anghang. Also, Taiga now knows not to make any unnecessary noise kapag gumagawa ito ng sketch. Napuna niya kasing madalas mawala ang focus nito kapag may kaunting ingay sa paligid. Minsan nagtalo na rin sila, muntik pang mauwi sa sigawan. Simple lang naman ang pinagtatalunan nila: ang pag-uwi ni Hokuto nang disoras ng gabi galing sa bahay niya. Gusto niya kasing magpalipas na lang ito ng gabi, pero nagpumilit si Hokuto na umuwi kahit malakas ang ulan. Marami pa raw kasi itong kailangan gawin para sa kliyente nila. Medyo napagtaasan siya nito ng boses. Pero narealize niya rin na naghalo na ang pagod nito pati na rin ang pressure dahil sa dami orders. Taiga backed down. Mabuti na lang at napilit niyang mag-Grab na ang ito imbes na magmaneho pa mag-isa. Ito mismo ang dahilan kung bakit nag-aral siya muling mag-drive. Naks, iba talaga nagagawa ng pag-ibig. 

 

Bit by bit, nakikilala na nila ang isa’t isa. They are indeed taking things slow. Pero puta, ganoon ba dapat ka-slow?! Kasi kung siya ang masusunod, gusto na niyang ipagsigawan sa buong mundo (family, friends, and social media launch) na sila ni Hokuto. Nag-iisip na nga siya ng caption para sa gagawin niyang IG story. Pati na rin ang picture na gagamitin. Hanggang ngayon iniisip pa rin niya kung dapat bang ibalandra niya ang mukha nilang dalawa o soft launch lang. Pero ano bang silbi ng soft launch ideas pinterest board niya kung hindi naman sila?

 

Mas humigpit ang yakap ni Hokuto sa kanya, pulling him closer na para bang may espasyo pa sa pagitan nila. Masarap sa pakiramdam ang yakap na ‘yon. That should be enough. Hokuto even kissed the side of his head, lips pressing a little longer. Dapat kuntento na siya sa kung ano ang natatanggap niya galing kay Hokuto. Pero hindi ata kakayanin ni Taiga na hanggang doon lang sila, magkayakap pero walang pangalan ang relasyon nilang dalawa. 

 

Kung tatanungin si Taiga, sobrang saya niya sa estado ng buhay niya ngayon.

 

Promotion sa trabaho, check. 

Malibre ang parents niya para sa anniversary ng mga ito, check. 

Maging boyfriend ni Hokuto, to follow. 

 


●・○・●・○・●

 

 

Ever since their confession, Taiga and Hokuto never said ‘I love you’ to each other ever again. Hindi man nila napag-usapan, pero parang may silent agreement sila that the next time they tell it, ‘yon na ‘yon. Tapos na ang getting-to-know-each-other-again stage. Handa na silang tawagin ang sarili nilang mag-boyfriend, again.  

 

So eight months in, wala pa ring nagsasabi ng mga katagang ‘yon. Minsan parang gusto nang kabahan ni Taiga. Baka dahil sa panahon na binigay nila sa isa’t isa, magkaroon ng realization si Hokuto na hindi na pala siya kamahal-mahal muli.

 

Puta ang sakit non.

 

Pero parang nababasa nito lagi ang mga pangamba niya, nakakagawa ito ng mga bagay para burahin ang takot niya. Kaya alam niya, kahit wala ang mga salitang ‘I love you’ o ‘mahal kita’, alam niya at ramdam niya na pareho sila ng nararamdaman ni Hokuto. 

 

Kung tatanungin naman si Taiga kung bakit hindi siya ang maunang magsabi gayong siya itong may gustong pangalanan na ang meron sa kanila, hindi rin naman siya makakasagot.

 

Hindi ibig sabihin noon na hindi niya mahal si Hokuto. Sa totoo lang, ilang beses nang gustong lumabas ‘yon sa bibig niya. Katulad na lang kapag nagpapa-rant siya kay Hokuto tungkol sa trabaho, panay lagi itong may ginagawa para pasayahin ang araw niya. Minsan nagdadala ito ng paborito niyang dumplings galing Binondo. Minsan naman, sinundo siya nito galing sa bootcamp ng PH team niya. Right at those very moment, muntik na niya itong dambahin ng yakap saka isigaw na mahal niya ito. Pero hindi niya magawa. Paano kung naawa lang ito sa kanya, at alam lang nito ang pwedeng makatulong para gumaan ang pakiramdam niya? 

 

Meron pang isang pagkakataon. Nag-volunteer siya para maging staff ni Hokuto sa tindahan nito isang araw. Kaso wala naman siyang naging ambag dahil mas pinili na lang niyang panoorin itong magtrabaho. Not gonna lie, but Hokuto looks so hot wearing casual clothes with a measuring tape draped on his shoulders. And the thing is, hindi lang siya ang nakapansin noon. Pati na rin ang mga customers nito noong araw na ‘yon.  Muntik na niyang bakuran si Hokuto laban sa mga masasamang elemento, sasabihin niya na sanang “I love you. Tayo na ulit. Please.” Sa takot na baka itulak lang siya dahil nasa gitna ito ng pagtatrabho, itinikom na lang niya ang bibig niya. 

 

Pinaka-recent instance ay nito lang nakaraang linggo. Hindi pala siya si Superman. Isa nga lang pala siyang hamak na mortal, tinatrangkaso rin. Ayaw na ayaw niyang magpaalaga kay Hokuto sa takot na magkasakit din ito. Patigasan sila ng ulo, pero nadaan siya sa suhol.  One thing about him is that when he’s sick, Taiga gets extra clingy. Madalas naman kasing magulang niya ang nag-aalaga sa kanya kaya likas na sa kanya ‘yon.T-in-ake advantage lang niya na nag-offer si Hokuto ng yakap. Hello, bakit ko tatanggihan?   Kada inom niya ng gamot, nakayakap ito sa kanya hanggang sa makatulog siya. On the third day, nagising siyang maayos na ang pakiramdam. Naabutan niya itong natutulog sa sofa. Nakapatong sa center table niya ang mga bagong labang damit, maayos nang nakatupi. He was flooded with overwhelming emotions that he almost jumped to him and just kissed him right there and then. Buti napigilan niya ang sarili niya. Mas nakakahawa pa naman daw ang sakit kapag pagaling na. Ang ending, nagluto na lang siya ng breakfast nilang dalawa. 

 

To cut it short, handa na siya sabihin ang nararamdaman niya. Handa siyang humingi ng pangalan sa relasyon na meron sila ni Hokuto. Pero ang problema, kulang siya sa tapang. 

 

“Tapangan mo lang kasi, besh.” Yugo rolled his eyes at him. “Alam mo naman ang isasagot sa’yo ni Hoks.”

 

Taiga lets out a frustrated groan. “I can’t nga. Para namang ang daling sabihin. Eh paano kung hindi pala kami parehas ng nararamdaman ‘di ba? Paano kung hindi pala ako enough–”

 

“Sshhh!” Pilit na sinubo ni Yugo sa bibig niya ang isang pirasong grapes. “Anong hindi enough? Look at him. Kanina pa ‘yan nakatingin sa’yo. Sinusundan ka lang kahit saan ka magpunta. Alam mo sa sarili mo na mahal ka niya.”

 

Hinanap niya kung nasaan ang tinutukoy nito. There he found Hokuto, seated among Jesse’s side of the family. Tinanguan siya nito nang magtama ang mga nita. Halos malusaw na naman siya sa ngiti nito sa kanya. 

 

“My god, never ka nang makakaahon.” Yugo quipped. “Ganyan na ganyan ‘yung gusto kong makita sa mga actors ko kapag in love sila sa katambal nila e. I-workshop mo kaya ‘yung mga actors ko?”

 

“You’re not helping me, bestie.” Taiga whined. “Wala akong tapang. And how do I even set the mood for that?” 

 

“You’re a hopeless case.” Naiiling na wika nito. “Teka nga, paano nga ba kayo ulit kayo nag-aminan ni Hokuto noong college?”

 

Nagtaka man sa tanong nito, pero agad din naman siyang sumagot. “Umamin ako.”

 

Napapalatak ang kaibigan. “O, ikaw naman pala ‘yung unang umamin e. Tapangan mo na lang din ulit. That’s the keyword. Tapang.”

 

Inirapan niya ito. “Hindi ka nakakatulong. Maybe I should ask Shin instead.”

 

“Go, sis. Ang gagawin lang naman ni Shin, tatawagin si Hokuto tapos siya na mismo ang magsasabi na gusto mong maging magjowa na kayo. Tapos siya pa mismo maglalagay ng relationship status niyo sa Facebook. Easy.”

 

Nahintakutan siya sa sinabi nito. Hindi kasi malabong ganon talaga ang gawin ni Shintaro. Baka bigla siyang lagnatin kapag tinototoo ni Shin ‘yon.

 

Yugo had to leave him dahil may mga bisitang dumating. House blessing na kasi ng bahay nito na sinabay pa sa birthday ni Jesse. Para daw tipid lalo na’t mahal ang pagpapagawa ng bahay. Tama nga naman. Inabala niya na lang ang sarili sa paglilibot sa bahay. Nakadisplay sa isang hallway ang lahat ng movie posters ng mga obra ni Yugo. Ang dami na rin palang pelikula ang nagawa ng kaibigan. 

 

Nang malibot na niya lahat, balak na sana niyang hanapin si Shin. Late kasi itong nakarating dahil galing pang Cebu, kaso nag-message ito na nahatak ito ng mga pinsan ni Yugo at nagpapatulong na makawala sa mga ‘yon. 

 

Palabas na sana siya sa likod-bahay nang maulinigan niya ang ang dalawang taong nag-uusap malapit sa pintuan. Agad niyang nabosesan si Hokuto at si Tita Sue, ang nanay ni Jesse. Dahan-dahan siyang nalakad papunta sa kinaroroonan ng dalawa para marinig nang maayos ang pinag-uusapan ng mga ito.

 

“Ano, Hokuto, anak, irereto na ba kita sa mga anak ng kumare ko?” ani Tita Sue. 

 

“Tita!”

 

“Bakit? Sabi ni Kei kanina, single ka naman daw.”

 

“Oo nga po–” sagot ni Hokuto.

 

Ha. Yun lang. Mabilis pa sa alas kwatro ang pag-atras niya. 

 

 


●・○・●・○・●

 

 

 

Wala namang mali sa sinabi ni Hokuto. Hindi naman sila so technically, single pa rin ‘to. Wala namang problema kung irereto siya sa iba. Hindi naman sila e. 

 

Pero kasi ‘di ba… they hold hands. They sleep in each other’s place from time to time. They kissed each other, not on the lips though. Bakit nga naman kasi sila magki-kiss e hindi naman sila. So yeah, walang mali sa sinabi ni Hokuto. 

 

Hindi naman masakit. Para lang siyang sinapak tapos inapak-apakan ‘yung pag-asa niya sa buhay. Sana pwede siyang mag-absent sa trabaho niya bukas, hindi niya ata kayang magkipag-meeting dahil nasampal siya ng reyalidad. Boss, absent ako. Ako ay luhaan, sugatan, at ‘di mo mapapakinabangang makipag-usap sa mga sponsors.

 

Buong araw siyang hindi makangiti dahil sa narinig. Pinilit niya na lang ang sariling makipagkwentuhan sa mga bisita kapag tingin niya ay gusto siyang lapitan ni Hokuto. Effective naman dahil kapag nakikita siya nitong may kausap ay umaatras ito. Hanggang sa mag-uwian sila, nagpanggap na lang siyang pagod para hindi na siya kausapin pa nang kausapin ni Hokuto. 


Binagabag naman siya ng konsensya niya. Wala namang ginawang masama ‘yung tao sa kanya pero iwas na iwas siya rito. Mabuti na lang at naniniwala na lang ito na pagod siya. Kung hindi man totoong naniwala, pasalamat na lang at hindi na siya nito kinulit pa. 



Lumipas ang mga araw na lugmok na lugmok pa rin ang pakiramdam ni Taiga. Nalulunod na naman siya at hindi niya alam paano umahon. Mas lumalaki ang takot niyang itanong ang tunay na estado ng relasyon nila ni Hokuto. What if they weren’t in the same page anymore? Worse, baka wala na sila sa iisang libro. Shet! Baka hanggang doon na lang ata sila ni Hokuto. Baka dapat na niyang harapin ‘yon at huwag nang lumaban pa. Baka sa loob ng walong buwan natalo siya nang hindi niya alam. 

 

Nangingilid na naman luha sa mata ni Taiga. Mahal niya si Hokuto e, sobrang mahal. Hindi nagbago kahit ilang taon ang lumipas, mas umigting pa nga. Hindi na ata siya makakaahon this time forever. Habangbuhay na lang ata siyang mag-iisip kung ano ang buhay na meron siya kung naging sila uli ni Hokuto. 

 

Pasimple niyang pinunasan ang gilid ng mata nang makita si Hokuto na naglalakad palapit sa kanya. Ang gwapo pakshet . Dito siya nito pinadiretso sa Lucky Chinatown para makapag-lunch silang dalawa bago pumunta sa sa 168.

 

Nasa plano talaga ang pagpunta niya sa tindahan nito sa araw na ‘yon. Off-season na rin kasi, sinusulit niya ang isang linggo na wala muna siyang gagawin bago sila magsimulang mag-prepare para sa susunod na tournament. Matagal nang nakaplano ‘tong pagpunta niya. Kaya hindi niya alam kung paano didiskartehan na hindi matuloy. Sa huli, nanaig ang konsensya niya. Madali lang naman sigurong magpanggap na masaya siya kahit single naman si Hokuto. 

 

The lunch went well, kung si Taiga ang tatanungin. Palagay naman niya ay maayos ang niyang nasagot, with enough enthusiasm ang mga tanong ni Hokuto sa kanya. Hindi sobrang baba, hindi rin sobrang taas na sobrang peke na. Maayos naman ang naging takbo ng conversation nila. Para lang silang magtropang nag-lunch together, walang malisya kasi pareho naman silang single. 

 

Kahit magkatabi sila minsan natutulog na magkayakap. 

 

“Kanina ka pa tahimik. Hindi mo ba gusto sa kinainan natin? Pwede naman tayo mag-take out ng pagkain mo. Kaso okay lang ba kung sa tindahan mo na kainin? May babalik kasi akong customer ng ala-una e.” puno ng pag-aalala ang mukha nito.

 

Agad siyang ngumiti. “Hindi, ano ka ba. Nabusog lang ako. Parang inaantok ako sa kabusugan.” 

 

Alam niya base sa pagkakunot ng noo nito na hindi ito naniniwala sa kasinungalingan niya. “Sigurado ka?”

 

Tumango na lang siya, pinakita niya muli dito ang ngiti niya. ‘Yung ngiting alam niyang magpapangiti rin dito. Habang binabaybay nila ang daan mula Lucky Chinatown pabalik ng 168, pinagsalikop ni Hokuto ang mga kamay nilang dalawa at hinila siya palapit dito.

 

“May ilulugmok pa pala ang kalungkutan niya. Mapapa-what are we na lang talaga si Taiga. 

 

“Ha?”

 

Tinaasan niya ito ng kilay. “Ha?”

 

“May sinabi ka kani-kanina lang.”

 

Pinanlamigan siya ng katawan. “Ha? Wala naman akong sinabi.” Halos mabulol niyang sabi. 

 

“Sabi mo kanina what are we.” 

 

Punyeta.  

 

 

●・○・●・○・●

 

 

 

‘Yun na ata ang pinaka-awkward na araw sa tanang buhay ni Taiga. Kung tutuusin, swerte siya dahil hindi natuloy ang usapan nila. Tumawag kasi ‘yung isa sa staff ni Hokuto at pinababalik na ito sa tindahan. Buong akala niya ay pagkakataon na niya ‘yon na para makatakas kaso mali siya. Dahil may mas ihihigpit pa ang hawak sa kanya ni Hokuto. 

 

Ang mas nakakaiyak, kahit mahigpit ang hawak nito sa kanya, Hokuto was still gentle not to hurt him. Na para bang tinatangi siya nito. Heto na naman siya sa maling pagbabasa sa sitwasyon nila. Pero hindi siya pwedeng magkamali. Dahil naramdaman na niya dati kung paano ito magmahal. Pero sabi nga nito, iba na sila. Hindi na sila tulad ng dati.

 

“Can you please tell me what you’re thinking?” Hokuto pleaded. 

 

Teka, sandali. Kakatapos lang nitong mag-park. Hindi pa sila nakakaakyat sa bahay niya. Hindi pa handa si Taiga sa araw ng paghuhukom. Kulang pa siya sa tapang. 

 

Tinignan niya ang mukha nito, bakas ang pag-aalala sa kanya. 

 

Dapat bang mag-isip na lang si Taiga ng palusot? 

 

Ah, kulang kasi 'yon, what are we going to eat for dessert dapat talaga ‘yon.

 

What are we going to do— ah shit, walang sense. 

 

For a few weeks now, Taiga had been thinking of setting the mood to finally ask Hokuto to get the relationship to the next level. At sa panahon na ‘yon, wala siyang maisip. Masyadong normal ‘yung romantic dinner date. He wanted something unique. 

 

Salamat siguro sa katangahan niya, sa bibig niyang hindi marunong manahimik. Heto siya ngayon, nasa nakakanginig-laman na pagkakataon. Hindi handa. Walang laman ang utak dahil sa sobrang takot. 

 

Tapangan mo kasi.

 

Kaya ba ni Taiga na magpatuloy ang buhay niya na hindi alam kung pareho pa ba sila nang nararamdaman? Kaya niya bang mag-stay sa walang pangalang relasyon kung ang kapalit naman non ay kasiyahan dahil katabi niya si Hokuto? Sapat na ba ‘yon para sa puso niyang hindi pa kuntento?

 

“Sorry, hindi ko alam kung paano magsisimula.” pag-amin niya. Mahigpit ang pagkakuyom ng kamay niya, ramdam niyang ang pagbaon ng sariling kuko sa balat niya.

 

“Bakit hindi ka magsimula sa tanong mo kanina?” Nakangiti nitong sabi. 

 

Nakagat niya ang labi. Hindi niya atang kayang sabihin ‘yon. Pero kung hindi niya gagawin ngayon, baka ‘di niya kayanin magpatuloy na lumulutang lang sa ere at walang pinanghahawakan. 

 

“What are we then?” mahinang tanong niya. Bawat salita, puno ng takot. 

 

Kinuha nito ang mga kamay niya, marahang minasahe ang mga palad niya. “Remember when you first told me you love me? Remember what happened that day? Sabi mo sa shooting star ka kumuha ng tapang. At hindi tayo pwede maghiwalay dahil hiniling mo na ‘yon sa shooting star na nakita mo.”

 

Nalulungkot man pero napangiti si Taiga nang maalala niya ang araw na ‘yon. 

 

“Ang daya mo. Ang sakit tumingin sa langit kapag gabi. Baka kasi makakita ako ng shooting star. Ang sakit kasi. Pero habang tumatagal, nagpatuloy ang buhay ko, nasanay na ako. Because night time is still a part of the day na hindi ko naman pwedeng takasan. Kusa ko na lang natanggap. Hanggang sa nakita kita uli. Inis na inis ako sa sarili ko non. Ang tanging naisip ko lang kasi noong nakita kita ay pinanganak talaga ako para sa’yo.”

 

Taiga found himself crying. “Mahal mo ako.” 

 

“Oo naman,” malumanay na sagot ni Hokuto. “Sana alam mo ‘yon palagi.”

 

“Ramdam ko, pero bakit hindi mo sabihin?”

 

“Kasi ayokong madaliin ka. Gusto kong mawala ‘yung takot mo na baka masaktan mo ulit ako. I want you to realize that love is never perfect. Darating at darating ‘yung panahon na mag-aaway tayo, magkakasakitan nang hindi natin sinasadya. We can’t avoid that. Ayokong maging sobrang cautious mo sa’kin to the point na kahit labag sa loob mo, gagawin mo pa rin para lang hindi ako masaktan. Hindi natin maiiwasang magtalo, so I want you to be honest.” Pinunasan nito ang pisngi niya. “Akala ko sapat na ‘yung lagi akong andito to remind you that I love you. Apparently not.”

 

“Ready na kaya ako.” Taiga said in between sobs. Ang tanga niya talaga.

 

“Nakapili ka na ng picture na ipo-post?” pilyong ngiti nito sa kanya. 

 

Nanlaki ang mga mata ni Taiga. “Bakit mo alam na namimili ako?”

 

“You do realize na madalas mo ‘yon gawin kapag bago ka matulog ‘no? That I can see your screen?”

 

Mas lalo siyang naiyak dahil sa kahihiyan. And Hokuto was quick to pull him into a hug. A hug that washed away all his worries. A hug that enveloped not just his body but his whole being of the warmth of Hokuto’s love for him. Mas siniksik niya ang sarili dito. 

 

“I was actually looking for the perfect moment to tell you that I love you. Na handa na akong maging sa’yo ulit kung handa ka na rin. I don’t want something mediocre. I want to spoil you too e. Kaso hindi ako makapagdecide. But I guess it doesn’t matter anymore. I love you, Hokuto.”

 

“Talaga? Mahal mo ko?”

 

“Oo. Sobra. Mahal na mahal.” 

 

Hokuto pulled away from the hug. “Hindi ka naman lagi makakakita ng shooting star just to remind you that we’re always going to be together. So let me give you something to hold onto.” ikinulong nito ang mukha niya gamit ang mga palad nito. “I love you, Taiga. If somehow words fail, let my actions remind you that my heart will always belong to you.”

 

Taiga pulled Hokuto for a kiss. Hinayaan niya ang sarili niyang malunod sa pakiramdam na ‘yon. Dahil sa mga oras na ‘yon, alam niyang hawak ni Hokuto ang kamay niya para hindi siya maligaw. 

Afterword

End Notes

- walang typo 'to, namamalikmata ka lang
- move na tayo sa susunod na kwento (wink wink)

Please drop by the Archive and comment to let the creator know if you enjoyed their work!