Crush ni Taiga yung ka-schoolbus niyang palaging tulog.
First trip si Taiga sa schoolbus, meaning maagang maaga silang sinusundo kasi may susunduin pa na second batch ng mga estudyante si Kuya Tottsu. Sa sobrang aga, halos lahat ng estudyante sa schoolbus, mapa-elementary o high school, ay usually mga tulog pa. May mga hindi pa nga gising pagkadating nila sa bahay.
Mahigit 15 minutes nanaman silang naghihintay sa tapat ng bahay ni Shintaro. Halos everyday occurrence na siya kaya hindi na nagulat si Taiga. He shot Kuya Tottsu a sympathetic look habang patuloy siyang kumakatok sa pulang gate ng mga Morimoto. Walang kamuang-muang sa stress ni Kuya Tottsu ang mga bagets na tulog pa. Sa awa ng diyos, hindi nakatabi ni Taiga yung batang tulog-mantika na kahit itulak niya man palayo ay nalalawayan parin siya sa shoulder.
“Baka dapat pang-second trip na si Shintaro,” sinuggest ni Taiga nung bumalik na bigo sa L300 na tinatawag nilang schoolbus si Kuya Tottsu.
“Eh sa pang first batch na ruta yung bahay nila,” Kuya Tottsu said, defeated. Sumakay na siya sa schoolbus at sinarado ng malakas yung pintuan. “Buti pa kayo ni Hokuto, hindi ako pinapahirapan.”
Speaking of Hokuto, bumingo po si Taiga ngayong umaga at nakatabi siya. Shet ang bango bango nanaman ng crush niya. Hindi niya makita kung pogi siya ngayong araw, kasi tulog siya nang nakababa yung ulo niya sa nakafold na arms niya. Pero araw-araw naman siyang pogi sa paningin ni Taiga.
“nktabi q hokuto shet. bango!!,” tinext niya si Juri sa kanyang de-slide na Nokia phone.
“aM0ii aM0ii am0ii aMoii nG pApAhh. hehe ü ,” reply ni Juri.
Ibinulsa ni Taiga yung cellphone niya habang nagpipigil ng tawa. Nilabas niya naman yung iPod classic niya para mag-emote tungkol sa non-existent relationship nila ni Hokuto while looking out the window.
Now you are my beloved ghost
And here I'll wait for you to sing
Then we will have eternity
A promise to keep haunting me
Hindi pa naman patay si Hokuto pero ano naman? Eh sa gusto lang ni Taiga mag-emote.
Nagising lang si Hokuto nung dumating na sila sa school. Half-awake palang siya, magulo ang medyo damp na buhok sa matagal na pagkakatulog. Dumiretso siya agad sa may canteen na siguradong sarado pa pagbaba ng bus. Wala manlang “hi, hello, good morning,” kay Taiga.
Taiga sighed. Umupo nalang siya sa mga bench na hintayan ng mga mommy tuwing hapon at nilabas ulit ang iPod classic.
Oo nga pala, hindi nga pala tayo…
“Pano naman magiging kayo, hindi mo naman kinakausap,” sabi ni Juri nung pumipila na sila para sa flag ceremony.
“Eh sa nahihiya nga ako. Gusto ko siya yung kumausap sa kin,” sabi ni Taiga. Totoo naman na nahihiya siya. Introvert siya, introvert din si Hokuto. Hindi sila nag-uusap. The end.
“Arte arte!”
“Ba’t di mo i-add sa Prenstehr at hingin yung YM niya,” sabi ni Juri.
“Baka gusto mo pa siya yung mag-add sayo,” sabi ni Kochi. “Ambisyosa tong si Taiga.”
“Gusto mo ako mag-add tapos sabihin ko i-add ka at sulatan ka ng testi,” offer ni Juri.
“Wag na,” sabay na sagot ni Taiga at Kochi. Siguradong nag-war flashback din kay Kochi yung Friendster profile ni Juri, o mas kilala sa Friendster sa pangalang bH0szz mAldit0h. Masakit sa mata ang profile nito, puro glitters at may nakaembed na tumutugtog na Tonight, at may gumagalaw na HTML ng lyrics na t0niitE iVe fALLeN anD i CaNt gEt aHp… i nEed Ur LoViinG hAndS 2 cOm eN PiiK mii AhP…
“Pano kung gumawa ako ng bagong account tapos i-add ko siya?” winonder out loud ni Taiga nung sinamahan niyang tumae si Shintaro na nasira ang tyan sa Chuckie. Late na nga pumasok yung underclassman niya, hindi pa makaattend ng club activities. Inislide niya yung tabong may tubig sa ilalim ng cubicle habang nakatakip ang ilong.
“Pwede. Picture ng chikababes yung ilagay mo para iaccept agad ni pogi,” sabi ni Shintaro casually habang dinig ang pagsplash ng tubig. “Kuha mo pa nga kong tubig.”
"Laki kasi ng pwet mo."